Chapter 15

21 0 0
                                    

Chapter 15

Tumayo ako at handa ng umalis nang may namataan akong classmate ko na hinaharangan ng mga grupong babae na classmate ko rin. Napailing ako at hinayaan na lang iyon.

"Please, Jasmine. Huwag ngayon... M-May gagawin pa kasi ako--"

"B*tch shut up. I don't care. Gawin mo na lang yung pinapagawa namin."

"Pagagalitan ako pag 'di ako nakahabol, Jas. Not n-now..." Kumunot ang noo ko at nahinto sa paglalakad. Wala na rin pa lang tao bukod sa amin.

"B*tch! I don't f*cking care! Kaya nga wag mong ipasa yan para mapagalitan ka. Baka gusto mo ulit na malaman ng ama mo yung tungkol sa--" Hindi ko na mapigilan kaya llumapit ako sa kanila. I'm not really like this, pero hindi ko alam kung bakit makikisali ako sa gulo ng iba ngayon.

"Excuse me? Sorry to interrupt, but she said she doesn't want to. Alin ba do'n ang hindi ninyo maintindihan?"

Tinaasan niya ako ng kilay at pinasadahan ako ng tingin, head to toe. "And who are you? Kaibigan mo ba 'to?"

"No I'm not," sagot ko.

"Oh? Eh, ba't ka nakikialam? You're so annoying," aniya. Humakbang ako papalapit at umatras naman siya.

"So is your mouth," I raised my eyebrow. "At sa tingin ninyo ba tama yung ginagawa ninyo ng inuutusan ninyo siyang wag ipasa ang papers niya para mapagalitan siya at hindi pumasa? Because she's always the highest while you're not?"

Umawang ang bibig nila at nag iwas ng tingin. Umirap ako at napailing na lang. "You shouldn't talk sh*t if you can't fight," aniko. Saglit pa akong sumulyap sa babaeng malapit ng umiyak bago ko sila talikuran.

Kinuha ko ang phone kong nag ri-ring dahil sa tawag ni Zack.

"Sol, late akong uuwi mamaya. Hindi kita masasabay pauwi. " bungad niya.

"Ah, gano'n ba..."

"If you want, ihahatid muna kita," aniya.

"No, it's okay. Sasabay na lang siguro ako kela Pixie," pag apila ko. Kahit na ang totoo ay si Lucian ang mag hahatid sa akin mamaya. Nang mawala na ang call, nabigla ako nang may humawak sa kamay
ko. Muntik ko pang mabitiwan ang phone ko.

"Oh! I'm s-sorry..." Kinunotan ko siya ng noo. Siya iyong babaeng paiyak na kanina.

"What?" Kinakagat niya ang pang ibang labi at dahan-dahang binitawan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"I-I just want to say thank you. Hindi mo naman kailangan gawin iyon, pero thank you pa din," aniya.

Tumango lang ako akmang tatalikuran na siya nang hawakan niya muli ang kamay ko. "S-Sorry!"

Kunot noo ko siyang nilingon. "What?"

"I have no friends kasi... Pwedeng sumama sa 'yo? Tutal tinulungan mo naman ako," malapad siyang ngumiti.

Umirap ako at tumango. Ngumiti siya at kumapit sa braso ko na parang matagal na kaming close. She's opposite of my first expression to her. She's not the mahinhin type na inakala ko.

"Saan ka pala pupunta ngayon?" tanong niya.

"Library," tipid kong sagot. Ngumiti siya at tumango. "Ako din, eh!"

Pumasok kami sa library. Pumunta ako sa bookshelves para kumuha ng libro na kailangan ko. Lumingon ako sa likod ko at nakitang wala na siya. Hinayaan ko na lang iyon at umupo na lang. Tahimik akong nag babasa nang may kumalabog sa harap ko. Namilog ang mga mata ko sa maraming libro na nakalagay ngayon sa lamesa. Pitong libro iyon no'ng bilangin ko.

Embracing Her Sweet Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon