Chapter 4
Kinabukasan ay kay Santi at Sien ako sumabay dahil maagang pumasok si Zach, may gagawin pa daw ito. Tinulak ko ang ang pintuan ng sasakyan para makababa. Sinalubong agad ako ni Lynette. I told her to know the schedule of Lucian."Same time matatapos ang class ninyo. So later, pumunta ka sa building nila. You'll pretend na lang na pupuntahan mo si Zach. Magkalapit lang naman sila," aniya.
Hinila na ako ni Sien para pumunta sa klase namin. Natigilan ako at nilingon si Sien. "Ah, may kukunin pa pala ako sa locker. Mauna ka na lang," sabi ko. Tumango siya at nauna na.
Pumunta naman ako sa locker para kuhain ang notes at ballpen ko. Binuksan ko ang lock ng locker ko. Napa mura ako nang mahirapan pa akong buksan 'yon. Seriously? Ngayon pa talaga. Hinampas ko ang locker at sinubukang buksan 'to.
"Need help?" boses sa likod.
Namilog pa ang mga mata ko nang makilala 'yon. It's Lucian. No! It's Felix. Magsasalita sana ako ngunit walang lumabas na boses mula sa'kin. Tinikom ko nalang ulit.
"Kailangan mo ba ng tulong?" ulit niya pa. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Yes. If it's okay?"
Tumango siya. Nag give way naman ako para ma-check niya ang locker ko. Pinanood ko naman siya at pinagmasdan ang galaw niya.
Napa isip tuloy ako. What is he doing here? Sa ibang building siya. At imposibleng dumadaan siya dito para makapunta doon. Unless, may pinuntahan?
"Wala namang problema. You're just too aggressive. Sa sobrang agresibo mo hindi na mabuksan," aniya at nilingon ako.
Nilapitan ko ang locker at sinubukang buksan 'yon. Narinig ko na naman ang mahina niyang tawa.
Why am I so affected?
Naguguluhan ko siyang nilingon. "Why?"
"Nagmamadali ka ba? Calm down."
"I'm calm," agap ko. I bit my lower lip, careful on my moves. Mahina akong nagpasalamat nang mabuksan 'yon.
I took a deep breath and turned to him. "What are you doing here anyway?" Hindi ko matiis na hindi magtanong.
Umangat ang isa niyang kilay. "Why?" balik niyang tanong.
"Well. I'm just curious. Wala ka dapat dito. Unless may pinuntahan ka rito?" ngumisi ako na napalitan ng ngiwi.
He chuckled. "Yes." Nagbaba ako ng tingin. Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Maybe he has a girlfriend? Wala naman daw sabi ni Lynette.
I looked up at him. "Girlfriend siguro. That's so sweet. Hinahatid ang girlfriend sa klase niya."
"Just ask if you're curious. I'll willingly answer it," aniya, habang pinapanood ang bawat reaksyon ko.
I cleared my throat and looked up at him. "Do you have a girlfriend?"
I lost my courage when I saw the amusement in his face. Hindi ko tinanggal ang ngisi ko at nanatili ang tingin sa kaniya.
"The confidence, huh." I heard him whisper to himself. Umirap ako at mahina ring tumawa.
"So? Do you have a girlfriend?" I asked. He just smirked at me.
"Wala. Wala pa sa ngayon," sagot niya. Ngumisi ako at tumango sa kaniya.
Umangat ang isa niyang kilay at siya naman ang humakbang papalapit sa akin. Ang natitirang espasyo ay wala na. Tumingala ako lalo para tingnan siya.
If this kind of play he wants, fine.
Namilog ang mga mata ko nang humakbang pa siya. I was about to step back but my back hit the locker. I saw the playful smile on his lips. Yumuko siya at inangat ang kamay para itukod sa locker. Ang isa naman ay nasa bulsa.
"Want to apply?" he asked playfully. I almost trembled. Amoy ko din ang mamahaling pabango niya.
I chuckled. "That's not my thing."
"Too bad. Can I apply instead?"
Napakurap ako sa tanong niya. My mouth parted. Bumaba naman ang tingin niya sa mga labi ko. I can't handle his stares. Parang inaaral niya ang bawat detalye sa mukha ko.
I pursed my lips and looked down at his chest. "Why not." Iyon lang ang tanging nasabi ko.
***
"Ang tagal mo! Sa'n ka ba pumunta? Mabuti nalang at mali-late daw ang prof," ani Sien nang makabalik na ako sa klase namin. Bumuntonghininga ako at umupo sa tabi niya.
"Ah, wala. I also headed to the comfort room."
Dahan-dahan siyang tumango. Pumasok na ang profesor kaya hindi na siya nag-tanong pa. Nilabas ko nalang mga gamit ko at tinuon ang tingin sa harap.
Pagkatapos ng klase ay lumabas agad kami ni Sien. Sa kabilang building kami pupunta para puntahan ang ibang mga pinsan namin.
Umakbay agad sa akin si Zach. Tinignan ko ang mga pinsan kong lalaki. Wala si Lynette at 'di alam kung nasaan.
"May pupuntahan ka ba ngayon, Sol?" tanong sa akin ni Pixie. Umakto akong nag-isip at nagkibit-balikat.
"I don't have class later. Hintayin ko nalang siguro kayo." Tumango-tango siya at kinausap ang kapatid.
"Saan ka naman mag hihintay? Wala ka na bang klase?" tanong ni Zach. Umiling ako at ginalaw ang balikat.
"Sa library na lang siguro." Tumango siya at tumayo na para sa susunod nilang klase, pati ang mga pinsan ko.
Tumayo naman ako at pumunta sa library. Nilibot ko agad ang tingin ko nang maka pasok ako. Pinuntahan bawat sulok ng bookshelves. Bumuntonghininga ako nang hindi siya makita do'n. Lumabas nalang ako ng library. Nakaramdam ako ng irita dahil wala naman siya doon tulad ng sabi ni Ly.
Aalis na sana ako doon nang makita ko si Lucian na naglalakad sa dulo ng hallway. Agad akong sumunod at halos tumakbo na ako para lang maabutan siya.
Ang layo pa ng nilakad ko at 'di ko naman alam kung sa'n siya pupunta. Sinundan ko lang siya kung saan siya. Pumasok siya sa gymnasium at ganoon din ako. Kinuha niya ang bolang nasa sahig at pinatalbog 'yon.
Mas lumapit pa ako nang pumunta siya sa dulo ng gym. Nanlaki ang mga mata ko nang may tao rin pala sa loob ng gym. Hindi lang kami. Napaawang na lang ang bibig ko nang makita na babae ang naroon! Nakaupo siya at nakatalikod sa banda ko kaya hindi ko makita ang mukha no'ng babae.
Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng pagkabigo. Who's she? Ang sabi niya ay wala siyang girlfriend. Maybe his friend? Ex fling? Huminga ako ng malalim at mariin na pumikit.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Sweet Lies
RomansaDisappointing her family is not in Solana Shivani Vanidestine's vocabulary, even if it takes to risk herself, she will do everything. She has a goal and she needs to win his affection. She needs to tame him. She is compelled to take all of those act...