Chapter 5

28 1 0
                                    

Chapter 5

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Ang gusto ko lang malaman ngayon ay kung sino 'yon. Hindi pwedeng may hahadlang sa gagawin ko.

Lumapit pa ako nang hindi ako nakikita hanggang sa marinig ko ang pag uusapan nila. I'm not gossiping, I just have to know.

Tumayo ang babae nang makita si Lucian Clemente na papalapit sa kaniya. Napansin kong hindi naka uniform ng UAV ang babae.

"Lix. It's been a long time..." The girl said. Blanko ang ekspresyon ni Lucas kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Don't you miss me? I came here for you, Lix." Lucian still didn't respond. He's just looking at her.

"Why are you here?" Iyon lang ang tanging nasabi ni Lucian. Lumapit ang babae sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Hindi gumalaw si Lucian at nanatiling nakatayo at nakatitig sa kaniya.

"What? I came here just for you, Lix. Tapos 'yan lang ang sasabihin mo?" sabi no'ng babae. Hindi umimik si Lucian.

Kumunot ang noo ko at mas lalong nag taka. I assume that they're not just a friend or what. Maybe his ex? Naging fling? I don't know. At aalamin ko 'yan mismo sa kaniya.

Umatras ako dahilan nang pag tunog ng takong sa sapatos ko. Napatakip ako ng bibig at muling sumilip sa kanila kung narinig ba nila. Nanlaki ang mata ko no'ng tumingin sa direksyon ko si Lucas. Bago pa lumingon ang babae ay tumakbo na ako papaalis.

Sh*t! Tanga-tanga talaga! I hope he didn't see me.

I left immediately because I might be seen again. Dumiretso ako sa cafeteria at doon nalang muna tatambay pansamantala. I'll just text my brother or cousins.

Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon. Umupo ako sa dulo at kinuha ang phone ko para mag libang. Maya-maya pa ay may naramdaman akong umupo sa tapat ko.

"Done with your class-" natigilan ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Natigilan ako dahil akala ko ay kapatid ko.

Luminga-linga ako. Expecting to see my brother and cousins but I didn't. Bumaling muli ako sa kaniya. Hindi ko nalang pinansin 'yon at tumutok sa phone ko.

"Do you expect someone to come?" tanong niya. Nag angat ako ng tingin at sinigurado kung ako ba yung tinatanong niya.

"Bakit ka naman nag tatanong?" pabalik kong tanong sa kaniya. Ngumiwi siya, nagpipigil na ngumiti.

"Why? Is it a sin to ask you?" Tumawa lang ako at napailing.

"I didn't say anything. I'm just curious," ngumiti ako at nanatili lang siyang nakatitig.

"I just wanted to know. I said I would apply didn't I? Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa babaeng gusto kong pasukan," The edge of his lip lifted as I averted my gaze.

D*mn this man.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa salitang binitiwan niya.

Malamya akong tumawa at tinignan siya. "Oh... That's why." Kinagat ko ang pang ibabang labi. Tumingin siya doon at nawala ang ngisi.

Wala akong masabi at parang bigla na lang naging blanko ang utak ko.

Ngumiwi lang ako at nangalumbaba na tumingin sa kaniya. "How about, I'll treat you?" suggest ko. Iyon na lang talaga ang naisip ko.

Ngumisi siya at pinilig ang ulo. Umangat ang isang kilay niya. "For?"

Bahagya akong natawa at nagkibit-balikat. "I'll check if deserving ka ba," sabi ko. Tumango siya.

"Later? Tomorrow?" I asked.

"The decision is up to you," aniya. Tumango ako at nag-isip. "Okay. Tomorrow."

Embracing Her Sweet Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon