Chapter 35
Nang makarating kami sa Mansion ay nabigla ang mga pinsan ko nang makita si Lucian kasama ko. Lumapit sila sa akin. Hinila ako ni Pixie papalapit sa kaniya at bumulong.
"Ano ka ba. Why did you bring him here? Ngayon pa talaga?" aniya. "Why?"
"Eh, pag-uusapan nga natin 'yong babaeng 'yon, eh. Syempre masasama siya sa usapan natin. Nakakahiya naman," anito.
I chuckled. "Is that so?" Umirap lang siya at hinila ako papunta sa kanila.
"What? I was sleeping. Tsk. You're bothering me!" Napalingon ako kay Sien na hinihila ang kapatid niya. Dumating din sila Damien at Nixon.
"What is it? Ano na naman 'to?" naguguluhan na tanong ni Nixon.
"'Wag nga kayong KJ! Felix is here. He's in the living room. And we need to talk, girls only," ani Sein.
"Si dude Felix? Talaga? Nandito siya?" ani Santi. They nodded. His eyes widened. "Sakto! Gusto kong may kainumang iba. Sawa na ako sa mga mandurugas na 'to. Ako lagi nilalasing."
"Tss. Talagang mahina ka lang. Kami pa sinisi mo," Nixon scoffed. "O siya, umalis na kayo."
Tumungo kami sa isa pang living room. Isa-isa ko silang tinignan nang tumingin sila sa'kin na parang inaabangan akong magsalita. “What? Ako ‘yong pinapunta ninyo rito tapos ako pagsasalitaan ninyo.”
“Nakakainis lang kasi! Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Ipaglaban mo ang pagiging girlfriend mo!” ani Sien. I sighed. “I did. I explained myself. Sinabi ko ang totoo. Pero sa tingin ninyo ako ang paniniwalaan? Si Madison ang matagal na nilang kasama at kilala. Hindi ko na problema pa kung kung hindi sa maniniwala. Malalaman din naman nila na si Madison ang mali.”
“Oh, my gosh. Kapag talaga nakasalubong ko ‘yon. Lilipad ang kamay ko sa mukha niya,” ani Pixie.
“Matagal na siyang kasama at kilala pero hindi nila alam ang totoong ugali niya. What a hypocrite. Pakitang tao,” Kate said. I nodded at her. “Just let it be. Wala akong ginawang mali kaya wala na akong problema r’yan. Malalaman din nila ang ugali ni Madison.”
“Lalo na si Senyora Elvinia. Alam mo bang kinausap niya talaga si Lola Aurora dahil lang sa babaeng ‘yon? As if ikaw talaga ang may kasalanan.”
Kumunot ang noo ko sa narinig. “Kaya pala pinatawag ako kanina sa office ni Mom. And Lola Aurora is there. Even tita Christy, tita Cora and tita Gina.”
“It’s all her fault. Porket na friend zone lang siya kay Felix,” ani Sien. “So true! Hirap talaga pag friend zone, ano?” sambit naman ni Pixie.
Ilang oras pa kami nagtagal doon hanggang sa naisipan kong umuwi na. Dumiretso ako agad sa kuwarto at ganoon din si Lucian. Natapos na kaming mag half bath dalawa. I was sitting on the bed holding my phone. While Lucian is facing his laptop here next to me. I leaned my head on his broad shoulders.
“Mom called me earlier. We will have a family dinner next week. Dad’s birthday is coming. I want you to come with me. They also want me to bring you. My other cousins will be there. I’ll introduce you to them,” he said.
Napaayos ako ng upo at tinignan siya. “Next week? Okay,” I said.
“Sasamahan ko rin pala bukas si Yuka sa Ob-gyne niya.” He nodded and closed his laptop. Tinabi niya na iyon at tinanggal na rin ang specs niya. He laid down beside me. Wala siyang pang itaas na damit. He’s more comfortable in that way, he said. Hindi ako humiga at nanatili sa phone ko nakatuon. Ngunit naaagaw ng atensyon ko ang topless niyang katawan. I sighed and looked at my phone.
![](https://img.wattpad.com/cover/316248910-288-k381509.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing Her Sweet Lies
RomanceDisappointing her family is not in Solana Shivani Vanidestine's vocabulary, even if it takes to risk herself, she will do everything. She has a goal and she needs to win his affection. She needs to tame him. She is compelled to take all of those act...