Chapter 32

21 0 0
                                    

Chapter 32

Bumaling ang tingin ko kay Yuka. Napabuntong-hininga ako at tumango. Dinala niya ako sa isang kwarto na sa tingin ko ay guestroom.

"Solana. Kamusta ka na?" panimula niya. I bit my lower lip as I couldn't look at her. "Masaya ako para sa inyo ni Lucian. Sa wakas, natupad din ang gusto ko para sa inyo." She smiled and held my hand.

"You look happy now. I'm happy for you," she murmured. I can hear her voice trembling. Sinilip niya ang reaksyon ko, hinihintay akong magsalita. Nagbaba siya ng tingin dahil wala siyang narinig mula sa'kin.

I feel guilty. She's so precious to me but I forgot about her. I no longer knew what was happening to him. That he was also having a hard time. I have not been a good friend to him. Hindi ko inaasahan na siya ang babaeng mahal ni Jason, dahilan kung bakit nasasaktan si Dana ngayon, na kaibigan ko rin. They're both important to me, pero isa lang ang inalala at nabantayan ko. Alam kong mas mahirap ang dinanas ni Yuka. I feel like I am about to cry every time I look at her eyes. She's hurting too. I can feel it.

"Sorry kung inaya pa kitang makipag usap. Gusto ko lang talaga na kamustahin ka."

I sighed. "How about you? I also wanna know, kung kamusta ka." She blinked twice. Did not expect it.

"H-How are you, Yuka? Sobra ka bang nahirapan? Hm?" Malungkot siyang ngumiti at nagbaba ng tingin.

"Okay na ako. Salamat at nagtanong ka..." she murmured. Hinawakan ko ang pisngi niya para tignan siya. Namumuo na ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"A-Akala ko kasi, may nagbago na s-sa'tin," mahina niyang sambit. Malungkot siyang tumingin sa'kin. "A-Akala ko, h-hindi na tayo okay. A-Akala ko magbabago ang pakikitungo mo sa'kin."

Parang kinurot ang puso ko nang makita ang luha niyang sunod-sunod ang pagtulo. "Akala ko... Mawawalan ako ng kaibigan." She covered her face with her palm as she cried. Hindi ko na napigilan ang luha ko na pumatak na rin.

"Noong umalis ka. Hindi ko na alam ang gagawin. Pakiramdam ko ay nag iisa ulit ako," aniya.

"You can tell me everything, Yuka. It's okay. I'm here now. May masasandalan ka na," bulong ko sa kaniya.

She cried. Patuloy na siyang umiyak at sinandal ang ulo sa akin. Niyakap ko siya at hinaplos ang buhok niya.

"Before you left. May gusto na ako kay Jason no'n. H-Hindi ko lang sinabi sa'yo dahil alam kong wala naman akong pag-asa sa kaniya. Akala ko pag hanga lang 'yon. P-Pero noong naging malapit kami, mas lalo akong nahulog. Nasasaktan ako tuwing makikita siyang may kasamang mga babae. Alam ko naman na... Gano'n siya. Pero hindi ko alam kung bakit siya pa rin ang nagustuhan ko. Ang minahal ko."

"Noong nangyari 'yon. At nangyari ang aksidente. Sinubukan kong pumunta sa Mansion ninyo . P-Pero hindi ako pinapasok. H-Hindi naman kasi ako kilala. Kaya noong nalaman ko na umalis ka na kanibukasan. Pinuntahan ulit kita. Nakita ko rin kung paano nagmakaawa si Lucian sa pamilya mo para makausap ka. A-Alam mo bang grabe ang dinanas niya? Sobra ka niyang mahal." Tumango ako at patuloy siyang pinakinggan.

"Simula noon, wala nang lumalapit sa'kin. A-Akala nila alam ko ang plano mo. Pinagtabuyan ako. Maraming may nanakit sa'kin. Pero lahat 'yon natigil dahil kay Jason. He protected me. Siya rin ang dumamay sa'kin. Hanggang sa... nahulog na naman ako ulit."

"Naging kami. Naramdaman ko na minahal niya rin ako. Akala ko kami na talaga. Pero... Pinaglaruan ako ng tadhana. Nasaktan ako. Sobrang nasaktan," she cried.

"Wala akong malapitan. P-Pinalayas naman ako sa'min noong nalaman na... Buntis ako," mas lalo siyang humikbi.

Nanlaki ang mga mata ko. "Y-You got pregnant?" She nodded.

Embracing Her Sweet Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon