Chapter 14

20 0 0
                                    

Chapter 14

Sinalubong agad ako ng mga maid at gulat na maaga ang uwi ko ngayon. Lumapit sa akin si Manang Lena, ang pinaka matagal na kasambay dito sa Mansion.

"Hija, maaga kang dumating ngayon. May problema ba?" tanong niya, kinuha niya ang dala kong bag at binigay iyon sa isa sa mga katulong para iakyat sa kwarto ko.

"Wala naman po. Wala na rin akong masyadong gagawin kaya umuwi na lang ako," tugon ko.

"Gusto mo bang kumain? Paghahanda kita," aniya. Pagod akong tumango. "Aakyat na lang po muna ako."

"You can leave now," aniko sa maid na naglilinis nang makapasok ako sa kwarto ko. Tahimik siyang tumango at umalis na.

Kinuha ko ang iPad ko at nag log in sa Facebook. Napangiwi ako dahil halos lahat ng kaibigan ko ay online. Marami na rin ang naipon na chat sa akin dahil sa matagal kong hindi pag online. Isa-isa akong nag reply sa mga chat nila. Nabaling ang tingin ko sa pintuan dahil sa pagkatok.

"Ma'am Solana. Handa na po ang pagkain ninyo." Tumayo na ako at dinala ang iPad na bumaba.

Pinatong ko iyon sa lamesa at kinain na ang hinanda ni Manang Lena. Nagulat ako nang tumawag ang isa sa kaibigan kong si Dana.

"Omg! Solana! Oh, my gosh!" nakatakip ang kaniyang kamay sa bibig na parang gulat na gulat.

Kumunot ang noo ko. "Are you okay?" Nailing ako at mahinang natawa sa naging reaksyon niya.

"What's with you?" natatawa kong sinabi. Umirap siya at nagkibit ng balikat. Tinuro niya ako at magka salubong ang kilay.

"You! You didn't even bother to contact me and our other friends," reklamo niya.
Ngumisi ako at nag taas ng kilay sa kaniya.

"Okay, okay. I'm sorry. I'm just really busy. You know..."

Tumango-tango siya at ngumiwi. "Still. And miss ka na namin, Sol. Lalo na si Jacob..."

Now that she mentioned it. Ngumiwi ako at napainom sa juice ko.

"How are you, Sol?" ngayon ay may pag-aalala na sa kaniyang boses. Ngumiti ako sa kaniya.

"I'm fine, Dana. Nakapag adjust na rin ako dito. I'm doing great," aniko. Kumunot ang noo niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Nag-angat siya ng kilay sa akin. "Hm, really? Well, the last time I checked, you're not happy with the decision of staying there for years. Tapos your doing great? I expecting the emotional Solana dahil nawala ang lifestyle niya here in Manila."

Mahina akong natawa at nailing na lang. "How 'bout you? Kamusta? Nothing's new?"

Umirap siya at natawa. "Yup. Nothing's new. Eh ikaw? May nahanap ka ba?" ngumisi siya.

"Tss. That's not priority right now. I'm busy with my Family," aniko. Namilog ang mata niya at humalakhak.

"Woah! Solana, is that really you? Where's the playgirl that I know?" gulat ang ekspresyon niya na tiningnan ako mula sa screen.

"Whatever," tanging nasabi ko. "Iba yata ang na gawa ng Al Varia kay Solana?"

Napalingon ako sa pumasok sa dining area. Nilapitan ako ni Damien na kakauwi lang. Dumiretso siya sa 'kin at tinignan ang ginagawa ko.

"Kanina ka pa nakauwi?" tanong niya.

"Yeah. Wala naman na akong gagawin. How about the others?" aniko.

"They're still busy. Mamaya pa sila uuwi," aniya. Tumalikod na siya at tumungo sa ref. Bumaling naman ako sa iPad ko. Naroon pa rin si Dana at pinapanood ako. Her mouth fell open.

Embracing Her Sweet Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon