Chapter 16
"How's the plan going?" Ly raised her eyebrows at me. Nagkibit-balikat lang ako at hindi siya tinignan.
"What's with that? Are you still hanging out with him?"
Bumuntonghininga ako at walang reaksyon siyang tinignan. "Okay lang..."
Lalong kumunot ang kaniyang noo. "Okay lang? Really, Solana? Dapat na matapos na agad! Huwag mo nang patagalin pa. And you may even break and get hurt in the end," mataman niyang sinabi. Umirap ako at muling bumuntonghininga.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Pixie. "Eh, kung ikaw kaya gumawa? 'Kala mo naman ang dali-dali nang ginagawa niya."
Napailing na lang ako sa dalawa dahil nag simula na naman silang mag-away. Nagpaalam na lang ako na pupunta sa klase ko.
"Pst." Kumunot ang noo ko dahil sa kanina pa ang naririnig kong sumisitsit sa akin. Napailing ako at tinuon ang tingin sa prof namin na nasa harap.
"Pst! Pretty." Nilingon ko na iyon dahil si iritasyon. Hinanap nang mata ko kung nasaan iyong tumatawag sa akin. Namilog ang mga mata ko nang makita si Yukari sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Pasikreto siyang kumaway at nginitian ako. Bahagya akong natawa at nginitian siya pabalik.
***
"Ang boring no'ng lecture kanina," sabi ni Yuka sabat hikab.
"Na boring ka pa no'n? I thought someone like you, na always achievers hindi na bo-bored?"
Tumawa siya at umiling sa akin. "Nope. You're wrong on that. Na bo-bored din ako minsan, depende sa prof. But! I'm taking it seriously naman. Nakikinig pa rin ako," aniya at ngumiti. I nodded.
"Can I ask?" aniya. Tumango ako at pinantayan ang ngiti niya. "Sure," sagot ko.
"May gusto ka ba? Or boyfriend na? I don't mind kung hindi ma sasagutin."
Ngumiwi ako sa tanong niya, hindi alam kung ano ang isasagot. "Uh, wala."
"Huh? Eh, ba't parang 'di ka pa sure?"
I chuckled. "Wala. I don't have a boyfriend," aniko.
Tumango-tango siya. "Hm, I doubt that."
Ngumisi ako. "How about you, do you like someone? Or boyfriend."
"Wala akong boyfriend. Pero may crush ako," aniya.
"He's famous dito sa university. Actually hindi lang ako ang nag iisang mag may gusto sa kaniya. Marami kami. And his name is Felix," malapad ang kaniyang ngiti habang binabanggit ang mga iyon.
Nabigla ako sa narinig. "You like that man?"
She nodded. "Yup! Felix Clemente. Kilala mo ba siya?" Dahan-dahan akong tumango at tinignan siya. "Oh! Kilala mo rin? Gwapo hindi ba?"
Tumango ako at tipid na ngumiti. I'm not blaming her, though. Sino ba naman ang hindi magkaka gusto sa kaniya? He's a good catch. Lahat na ay nasa sa kaniya.
"Bakit? Crush mo rin? Hindi kita masisisi, pretty. Lahat naman magkaka gusto--"
"No! Of course not," agad kong pag apila sa kaniya.
"Oh, sorry. Akala ko crush mo rin."
Nag-aya siyang pumunta sa gym kaya pumayag nalang din ako.
"Why? Ano ba meron?" Tanong ko sa kaniya habang papalapit na kami sa gym.
"May game sila Felix!" aniya na tuwang-tuwa. Natigilan ako at nagulat sa sinabi niya.
"S-Si Luci-I mean Felix, may game sila ngayon?" naguguluhan kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/316248910-288-k381509.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing Her Sweet Lies
RomanceDisappointing her family is not in Solana Shivani Vanidestine's vocabulary, even if it takes to risk herself, she will do everything. She has a goal and she needs to win his affection. She needs to tame him. She is compelled to take all of those act...