Chapter 6

26 0 0
                                    

"Wow..." Mangha kong tinignan sa malapitan ang farm ng mga bulaklak. Kung wala lang na na harang dito ay kanina pa ako naroon sa mga bulaklak.

"Did you like it?" Nilingon ko siya at tumango. Bahagya pa akong lumapit at pinagmasdan ang mga nagsasayaw na bulaklak dahil sa hangin. At ang mga paru-parong lumilipad.

"Gusto mo bang lumapit doon?" tanong niya.

"Of course! Pero paano? Maybe it's not allowed to go there. Look, there's a barrier. Kasi bawal." Ngumiwi ako at tinignan ang harang.

I picked up my phone and just took a picture. Maraming shots ang ginawa ko. Natuwa naman ako nang makita ang mga kuha ko.

"Look! It's pretty-" naputol ang sasabihin ko nang hindi ko makita si Lucian sa likod ko na kanina ay narito lang.

Hahanapin ko sana siya nang makita ko siya na papalapit sa akin.

"Nariyan ka lang pala..." sabi ko. Ngumiti siya at nilingon ang babaeng kasama niya na may katandaan na rin.

"O, hijo. Ito na ba ang sinasabi mong kasama mo?" sabi ng babae. Tumango si Lucian sa kaniya at hinawakan ang baywang ko para lumapit sa babae.

"Aba't napaka ganda naman nito, hijo. Bagay na bagay kayo. Parehong maganda at gwapo," nakangiting sinabi ng babae.

"Thank you po," aniko. "Ano bang pangalan mo, hija?"

"Solana po," tugon ko. Napangiti naman ang babae.

"Napaka gandang pangalan para sa magandang dalaga. Ako naman si Belinda. O Manang Belinda."

"O siya. Gusto mo daw na mapuntahan ang mga bulaklak?" tanong Manang Belinda . Bahagya akong nagulat at tipid na tumango.

Naramdan ko ang pag lapit ni Lucian sa tainga ko. "She's the owner. Siya ang nag palaki sa mga bulaklak na 'yon."

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Napatingin ako kay Manang Belinda na naka ngiti sa akin.

"Kung pwede po sana," sabi ko. Tumango naman siya. "Aba, oo naman. Walang problema. Halina at bubuksan ko iyon para sa inyo."

Nauna siyang mag lakad at sumunod naman kami. Gulat kong nilingon si Lucian. "Paano mo naman nagawa 'yon? Do you know each other?"

Tumango siya at ngumiti. "She's a friend to my Grandparents. I have also known her ever since. She used to be our workers. Ngayon na may edad na siya, tumigil na siya at ang anak niya naman ang pumalit."

Naka sunod lang kami sa likod niya. Pinanood ko siyang binubuksan iyon at nang tuluyan niya nang mabuksan nakaramdam ako ng excitement.

"Wow,." Tinignan ko si Manang Belinda. Tumango siya kaya dumiretso ako sa mga bulaklak at hinawakan ang mga ito. Ang laki ng ngiti ko sa mga labi habang naglalakad at hinahaplos ang mga bulaklak.

"You're happy now?" halos mapatalon ako nang may bumulong sa tenga ko.

"Lucian! You shocked me!" natatawa kong sinabi. Ngumisi siya at pinagmasdan ako.

"Yes, I am. Thank you." Muli akong tumingin sa mga bulaklak. Nag lakad ako papunta sa gitna habang naka sunod lang siya.

Kinuhaan ko ng litrato ang mga bulaklak nang malapitan. Maski ang mga paru-paru na nasa mga bulaklak ay kinukuhaan ko rin. May mga dumadampo pa sa akin kaya mas nakaka tuwa.

"Hand me you phone. Kukuhaan kita ng picture," ani Lucian. Tumango ako at binigay sa kaniya ang phone. Ngumiti ako at tumingin sa camera. Tinaas ko rin ang kamay ko at nag kunwaring dinadama ang hangin at ang mga bulaklak sa paligid.

Muli kong tinignan ang camera. Mula doon ay umangat ang tingin ko sa may hawak nito. May ngiti siya sa mga labi habang kumukuha ng picture ko. Bahagya akong natawa at lumapit na sa kaniya.

Embracing Her Sweet Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon