CHAPTER 1

4.6K 75 13
                                        

A FEW months have passed since that night happened which I really did not expect, ni minsan nga hindi sumagi sa isipan ko ang katangahang iyon. I lose what I care about, I lose my virginity.

Buti nalang ay hindi ako nabuntis kasi kung sakali mang nagkataon na merong nabuo hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung ano ang sasabihin ko sa mga magulang. Hindi pa ako handang humarap sa magiging anak ko, mas madami pa akong dapat unahin maliban sa pag aalaga ng bata.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
At kung mag tatanong man sila kung sino ang ama ay ano ang sasabihin ko? Na hindi ko kilala dahil isa iyong one night stand ganon?
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Thanks to God dahil walang nabuo sa katangahang nagawa ko. At saka okay na rin iyon dahil hindi pa ako handa. Halerr, I'm just 20 years old at hindi pa nga ako masyadong nakakatulong sa pamilya ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Eenjoyin ko muna ang pagka dalaga ko bago ako mag asawa.
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Napabalik ako sa ulirat ng may yumugyog sakin, nang tingnan ko ay si Jamaica pala ka workmates ko dito sa cafe.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Lutang ka nanaman," sabi nito.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"May naalala lang...by the way, bakit?"
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"One banana cake and one iced latte in table 4." I just nod at Jamaica.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
I've prepared the banana cake and ice latte. After I prepared it I immediately handed it to Jamaica.
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Counter is my job here in cafe, being a counter is difficult, kasi kapag may nawala o nagkulang ay bawas agad ito sa sweldo mo kaya dinodouble check ko ang lahat bago ako mag bigay ng order o magbigay ng sukli.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Habang wala pang dumadating na bagong customer ay umupo muna ako sa gilid ng counter at tiningnan ko ang buong cafe.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Balang araw magkakaroon din ako ng sariling cafe.' Sabi ko sa isip ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Simula elementary pa lang ay pinangarap kong magkaroon talaga ng sariling coffee shop o kaya isang restaurant.
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Kapag talaga ako nakaipon ng malaking pera ay magpapatayo talaga ako kahit maliit lang na coffee shop at ang pamilya ko ang gusto kong maging unang costumer ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Maliit lang sinasahod ko rito sa cafe bilang counter pero tiis-tiis lang dahil kailangan kong mag ipon para sa pagkuha ng mga requirements, gusto ko kasing magtrabaho sa Hiawata company.
⠀ ⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Meron namang pera sila mama kahit papaano pero ayaw kong manghingi sa kanya ng pang pa requirements ko dahil medyo gipit kami ngayon. Balita ko ay mataas daw ang sweldo doon. Gusto kong magtrabaho doon dahil para makaipon ng malaki at para din matupad ang mga pangarap ko at para din sa pamilya ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Gusto kong magtrabaho roon para rin may matutunan o may malaman ako sa maayos na pagpapatakbo ng negosyo.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Marami namang iba pang mga kompanya na maayos din ang pagpapatakbo pero iba ang Hiawata company dahil maraming nagsasabi na maganda raw magtrabaho doon.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Sana lang ay matanggap ako dahil second year college lang ang aking natapos sa kursong business ad.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Hindi na ako nagpatuloy sa pag aaral dahil alam kong nahihirapan na ring magtrabaho si papa, si mama naman ay house wife at ayaw siyang pagtrabahuin ni papa dahil sa hikain.

Hindi man nila sinasabi sakin pero nararamdaman ko na nahihirapan sila. Medyo paputol-putol kasi ang trabaho ngayon ni papa kaya mas mabuting tumigil na muna sa pag aaral at para na rin makatulong na ako sa kanila.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nang matapos na ang trabaho dumiretso agad ako sa bahay. Pagkauwi ko ay nag mano ako kila mama at papa bago dumiretso sa kwarto ko para mag bihis.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos mag bihis ay pumunta akong kusina para uminom ng tubig.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Naabutan ko roon si mama na nag huhugas ng pinggan.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nabaling sa akin ang tingin niya habang patuloy sa ginagawa niya, "Prizilla, anak. Kumain ka na, nandoon ang kanin at ulam sa lamesa naka-takip."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Sige po ma," Sabi ko at kumuha ng kutsara at pinggan para kumain.
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko ang aking pinagkainan at pumunta kung na saan si mama.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nakita ko si mama sa likod bahay at sinasamsam ang mga sinampay.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma!" Tawag ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Oh bakit Prizilla may kailangan ka?" Sabi niya habang nilalagay sa basket ang mga sinasamsam niyang mga damit.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Lumapit ako sa kaniya at para ibigay ang sweldo ko. Ngumiti ako kay mama habang sabay abot ng sweldo ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ibinaba niya muna ang basket bago niya tanggapin ang pera.
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"2,500? Edi five hundred nalang ang na sa'yo?" Tanong ni mama na ikinatango ko. "Ohh ito 800 para 1,300 na ang pera mo." Inaabot ni mama samin ang pera pero hindi ko ito tinatanggap.
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma, okay na ito sa kin kasya naman sa akin yung 500 hanggang sa susunod na sumahod ako at saka libre naman ang pagkain doon kaya kasya ang 500 pesos sa'kin."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Naku hindi ako papayag... ohh eto." Kinuha ni mama ang kamay ko at nilagay doon ang 800.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Diba nag iipon ka para makakuha ka ng mga requirements para makapasok ka sa kompanyang gusto mo?" Dagdag pa niya.
⠀⠀
"Pero ma...."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Shhh okey na ang 1,700 atsaka lingguhan naman ang sahod ng ama mo kaya okey na'to." Sabi ni mama sabay ngiti.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
I smiled back too. She's really the best. Hindi niya pa rin ako pinapabayaan at lagi niya parin akong inaalala kahit na malaki na ako at may trabaho na.
⠀⠀
"Thank you ma." Sabi ko at niyakap siya.
⠀⠀⠀ ⠀
Gumanti siya ng yakap sa akin.⠀⠀         ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Naku kami nga ang dapat magpa salamat sayo dahil huminto ka sa pag aaral para tulungan kami."
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Naku ma responsibilidad ko na tulungan kayo."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Pero responsibilidad din naming pagtapusin ka ng pag aaral."⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Naku ma tama na 'tong drama na toh at pumasok na tayo sa loob." Sabi ko at tinulungan si mama na mag samsam ng sinampay at nilagay ito sa basket.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos naming mag samsam ay pumasok na kami sa loob at tinulungan ko si mama na magtupi. Pagkatapos magtupi ay dinala ko ang mga damit ko at gumayak na sa kwarto ko.

Nang makapasok na sa kwarto ay nilagay ko ang bitbit ko sa cabinet pagkatapos ay humiga na sa kama at nagsimula na akong matulog dahil maaga pa ang pasok bukas.

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon