CHAPTER 26

1.5K 19 0
                                        

NANDITO ako ngayon sa mall at kasama si Jamaica.

 

"Sino ba kasi 'yong hinihintay natin, hindi ba pwedeng habang hinihintay natin ay kumain muna tayo." Sabi ni Jamaica na ikinatawa ko.

 

"Ano ka ba? Parating na iyon." Sabi ko at pinakita sa kanya ang text ni Carl.

 

"Ano ba naman 'yan ang tagal, nagugutom na'ko." Reklamo niya.

 

"Prezilla!" Rinig kong tawag sa pangalan ko kaya napalingon ako.

 

"Nandiyan na pala siya." Sabi ko.

 

"Buti naman, nasaan?"  Tanong niya at tinuro ko sa kanya ang lalaking kumakaway papunta sa direksiyon namin.

 

"Haluhh ang gwapo, mas gwapo pa 'to sa kapatid ni ms. Silvia." Sabi ni Jamaica na ikinatawa ko. "Anong pangalan niya? Ipakilala mo ako sa kaniya hah."

 

"Iba ka talaga Jamaica naku, basta talaga gwapo." Sabi ko at iiling iling.

 

"Shh, manahimik ka nalang diyan." Sabi niya ng makalapit sa amin si Carl.

 

"Sorry Prezilla kung late ako, may inasikaso lang." Sabi niya ng makalapit sa akin.

 

"Anong sorry sorry manahi---."

 

"Okey lang 'yon, basta ikaw." Putol ni Jamaica sa sasabihin ko.

 

"Sino siya?" Tanong sa akin ni Carl.

 

"Siya nga pa---."

 

"Jamaica, my name is Jamaica. Kung nahahabaan ka sa pangalan ko pwede mo naman akong tawaging love, babe, baby or kahit na anong gusto mong itawag sa'kin." Pagputol ulit ni Jamaica sa sasabihin ko.

 

"May sapak ba 'tong kasama mo?" Tanong sa akin ni Carl na ikinatawa ko.

 

"Oo paminsan minsan." Sabi ko sabay tawa.

 

Masamang tumingin sa akin si Jamaica pero tinawanan ko lang siya.

 

"Kung may gusto kang malaman tungkol sa akin ay sa'kin mo nalang itanong, sasagutin naman kita." Sabi ni Jamaica at sabay lapit kay Carl.

 

"No thanks." Sabi ni Carl sabay iwas kay Jamaica.

 

Natatawa ako dahil hanggang sa food court ay hindi parin tinatantanan ni Jamaica si Carl.

 

"Diyan talaga nagkatuluyan ang mama at papa ko." Panunukso ko sa kanilang dalawa.

 

"Kung siya lang? 'Wag na." Sabi ni Carl at sumimangot naman si Jamaica na ikinatawa ko.

 

"Bagay talaga kayo, ship ko kayo." Sabi ko at natawa ako sa reaksiyon ni Carl.

 

"'Yan ang gusto ko sa'yo, kaya lab na lab kita." Sabi ni Jamaica sa akin.

 

Hanggang sa maihatid namin si Jamaica sa bahay nila ay panay parin ang tawa ko dito sa backseat dahil naiinis na si Carl kay Jamaica.

 

Pagkahatid kay Jamaica ay maya maya lang ay nag text siya sa akin at hinihingi ang number ni Carl. Siyempre ako itong suportive friend niya ay binigay ko naman sa kanya, aba ship ko kaya silang dalawa. Ship pero 'wag sanang lumubog, dapat lumayag sila.

 

Pagkahatid sa akin ni Carl sa bahay ay una siyang bumaba at pinag buksan ako ng pintuan ng sasakyan.

 

Tinanggal ko ang seatbelt ko at akmang tatayo ng makaramdam ako ng hilo.

 

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon