CHAPTER 24

868 17 0
                                    

APAT na araw na akong nandito sa probinsiya at sa apat na araw na iyon ay masaya ako dahil kasama ko ang pamilya ko at sa loob ng apat na araw ay nakapunta ako sa mga sikat na pasyalan dito dahil sinamahan ako ni Carl. Ngayong araw ay December 24 at desperas bago mag pasko kaya sasamahan ko si mama na mamili sa palengke ng mga kakailanganin mamaya sa noche buena.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Kasama namin si Carl dahil nag prisenta siya na samahan kami. Pagkatapos mamili ay hinatid niya na ulit kami sa bahay.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Pagkadating namin ay inayos namin ang pinamili namin. Nang wala nang ginagawa ay pumunta ako sa bukirin ni lolo para magpahangin at para na rin mag duyan.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Habang nakasakay sa duyan ay tinatawagan ko si Thyron pero hindi niya sinasagot, siguro ay busy sa trabaho kaya kinamusta ko nalang siya sa text.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Hindi ko sinabing may ibibigay ako sa kanya na regalo pag uwi ko sa manila, christmas gift ba.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Alam naman nila mama na nandito ako dahil nag paalam naman ako kaya kung hahanapin o tatawagin nila ako ay alam na nila kung saan ako pupuntahan.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Habang naka headset at nakikinig sa music sa cellphone ko ay nagulat ako ng may kumulbit sa akin.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Oh ikaw pala 'yan Carl, bakit?" Tanong ko at umupo sa duyan.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"May sasabihin sana akong importante." Sabi niya at seryoso siya kaya napakunot ako.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Ano ba'yon?" Tanong ko sa kanya.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Inaya niya akong samahan siya sa puno ng mangga at doon niya sasabihin ang gusto niyang sabihin. Sumunod naman ako sa kanya ng ngalakad siya.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Kanina kapa seryoso hah, ano ba'yon?" Tanong ko sa kanya at tumingin sa papalubog na araw.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Ano kase...paano ko ba sisimulan." Sabi niya.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Dali na, kinakabahan tuloy ako sa sasabihin mo eh." Sabi ko.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Gusto kita." Mabilis niyang sabi na ikinatawa ko.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Hoy, may lagnat kaba? Wala naman ah?" Sabi ko ng hinawakan ko ang leeg at noo niya. "Naka inom kaba?"
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Inamoy ko ang damit niya pero hindi naman.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Prezilla totoo ang sinasabi ko, hindi toh joke." Sabi niya at seryosong nakatingin sa akin na ikina ilang ko.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Ahh sigi na Carl, bukas nalang tayo mag usap. Baka kasi hinahanap na ako nila mama." Sabi ko at akmang aalis na ng bigla niya ang yakapin na ikinahinto ko sa paglakad.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Ano ba Carl...kung ano 'man iyang sinabi mo ay hindi ako natutuwa dahil ayaw kong makipag biruan sa'yo ngayon." Sabi ko at nagulat ako ng pagharap ko ay bigla niya akong hinalikan.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Hindi agad ako nakapag react dahil sa gulat, biglang pumasok sa isip ko si Thyron kaya napabalik ako sa wisyo at agad siyang sinampal.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

"Hindi ako natutuwa sa sinabi mo at higit sa lahat sa ginawa mo. Carl...may boyfriend na ako at mahal ko siya, kaya kung ano 'man yang nararamdaman mo para sa akin ay pigilan mo na. Mas pipiliin ko ang boyfriend ko kaysa sayo dahil mahal ko siya." Sabi ko sa kanya. "Siya lang at wala ng iba."
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

Pagka sabi ko ng mga salitang iyon ay tinalikuran ko na siya. Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay kita ko sa mukha niya ang lungkot at sakit. Hindi ako hihingi sa kanya ng sorry dahil tama naman naman ang mga sinabi ko.
 ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon