ILANG linggo na ang nakakaraan simula nung nangyari yung pinag initan ako ng mommy ni Angelica sa araw ng kaarawan nito at sa mismong bahay nila.
Simula nung nalaman ni Angelica na magka relasyon kami ni Thyron ay mas lalo niya akong binibwiset. Kapag alam niyang tinitingnan ko sila habang nag uusap sila ni Thyron ay mas lalo siyang dumidikit dito.
Kapag may pinag uusapan naman kami ni Thyron about sa trabaho ay lagi siyang sumisingit sa usapan namin.
Kahit na anong sabi ni Thyron na layuan siya ni Angelica ay mas lalo lang itong dumidikit sa kanya. Araw araw din itong pumupunta dito sa opisina kahit na wala naman itong kailangan at walang importanteng sasabihin.
Nakakabwisit talaga siya dahil grabe ang pagpapapansin niya kay Thyron naku talaga. Gaya ngayon nandito nanaman siya.
"Wala dito si Thyron." Sabi ko sa kanya at inunahan ko na siya kung magtatanong man ito.
"Alam ko....nasa meeting siya diba?" Sabi niya at lumapit sa akin.
"Eh ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay, attitude lang ganun.
"Kasi gusto ko." Sabi niya at umupo sa upuan na nasa harap ko.
"Gusto kaba?" Tanong ko at inirapan niya ako.⠀
"You know what? Hindi talaga kayo bagay ni Thyron." Sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok niya.
"Hindi naman talaga kami bagay kasi tao kami at sadyang tinadhana kami sa isa't isa ganun." Sabi ko at ngumiti.
"Maghihiwalay din kayo." Sabi niya at tumayo.
"Sadyang bitter ka lang." Sabi ko at umupo.
"Alam mo? Hindi ka naman ketchup o toyo pero ba't ang hilig mong makisawsaw?" Dagdag ko pa habang may tinitingnan sa folder.
"Hindi talaga ako makapaniwala na nagkagusto sa'yo si Thyron kasi bukod sa ang pangit mo, masama pa ang ugali mo." Sabi niya at tumawa.⠀
"Ha?" Sabi ko at humarap sa kanya.
"Nabibingi karin pala nohh?" Sabi niya.
"Hakdog" Sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.
Lagi nalang kaming ganyan sa tuwing nagkakaharap kami ng kaming dalawa lang. Hindi ko alam pero natatawa ako kapag nakikita ko siyang napipikon.⠀
⠀⠀⠀
"AKALA ko ba may pupuntahan tayo at doon tayo kakain ng hapunan?" Tanong ko kay Thyron.
"You're right." He said as he parked his car in the garage.
"Eh bakit nandito tayo sa mansion niyo?" I asked him.
"We have a family dinner here tonight and mom wants me to take you here, I also want to introduce you to my whole family." He said as he parked the car.
I didn't know that we were going to have dinner here, because he didn't tell me earlier, he just said that we were going somewhere to have dinner, that's all.
Kung sinabi niya lang edi sana nag ayos ako at inihanda ang sarili 'pag humarap ako sila. Edi sana hindi ako kinakabahan ngsyon.
"Let's go." Sabi niya ng makababa kami sa sasakyan.
"Bakit hindi mo naman sinabi sa'kin na dito tayo pupunta at magjahapunan, kinakabahan tuloy ako." Sabi ko at tumingin sa kanya.⠀⠀
"'Wag kang kabahan, hindi sila nangangain ng buhay." Sabi niya at tinawanan ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.⠀⠀
"Kung sinabi mo lang ng maaga edi sana nag ayos ako ng sarili ko." Sabi ko at sumimangot.
"What's the problem? Ang ayos mo na at ang ganda mo kaya....kaya hindi mo na kailangan pang mag ayos." Sabi niya na ikina ngiti ko.
Napaka swerte ko talaga dahil siya ang naging boyfriend ko kasi bukod sa gwapo na, ang galing pang mangbola.
"Diba napangiti kita....let's go in and don't be nervous." He said and took my hand so we could go inside together.⠀⠀
Pagkapasok namin sa loob ay katulong nila ang bumungad sa amin.
"Where's mom?" Tanong niya sa babae.
"Nasa dining area po sir, kanina panga niya po kayo kayo hinihintay." Sabi niya at tumango sa kasambahay nila bago kami pumunta sa kung saan ang sinabi ng babae.
Pagkarating namin sa dining area ay nakita ko sila na nagkekwentuhan at nagtatawanan.
Napalingon sa amin ang mommy ni Thyron, siguro ay naramdaman niyang may pumasok kaya napa gawi sa'min ang tingin niya.
"Owemji, Prezilla!" Sigaw ni tita sabay lapit sa akin at niyakap niya ako.
"Hi po tita." Nahihiya kong sabi.
"Bakit ngayon ka lang pumunta dito? Kung hindi ko pa tinawagan si Thyron na isama ka ay hindi ka pupunta." Nakasimangot niyang sabi.
"Nakakahiya po kasi." Sabi ko.
"Naku 'wag kang mahiya at welcome na welcome ka dito sa mansion." Sabi niya at niya niya akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Mom, you're not paying attention to me, it's like my girlfriend is your daughter than mine." Sabi ni Thyron at umupo sa tabi ko.
"Talaga" Sabi ng mommy niya kaya napatawa kami sa reaksiyon ni Thyron.
Maya maya lang ay pinakilala ako ng mommy niya sa mga pinsan, tito at tita ni Thyron pagkatapos ay nagsimula ng kumain.
Pagkatapos kumain kumain ay nagkwentuhan kami ng mommy niya at pagkatapos ay nagpaalam ako na uuwi na.
"Tita thankyou po tita sa dinner kanina, uuwi na po ako." Sabi ko pagkatapos naming nagkwentuhan.
"Uuwi kana? Anong oras na oh." Sabi niya sabay tingin sa relo niya.
Nandito kami ni tita sa terris nila sa second floor. Wala dito si lola Imelda dahil nasa states daw ito ngayon dahil may inaasikaso. Si Thyron naman ay hindi ko alam kung nasaan pero alam ko kasama niya yung daddy niya.
"Maaga pa po kasi pasok ko bukas atsaka po inaantok narin po ako." Sabi ko at napahikab.
"Naku dito ka nalang matulog, may guest room naman kami dito." Sabi ni tita.
"Ayy wag na nakakahiya naman po, uuwi nalang po ako." Sabi ko.⠀⠀
"Prezilla huwag ka ng mahiya, tara hanapin natin si Thyron at papasamahan kitang ihatid sa guest room." Sabi ni tita ng makita ulit akong napahikab kaya niyaya niya ako para hanapin si Thyron.
Nakita namin si Thyron sa may gilid ng pool kasama ang daddy niya at nag iinuman sila.
"Thyron!" Tawag ni tita kaya napalingon sa gawi namin ang tingin nila.
"Why Mom?" Tanong ni Thyron.
"Ihatid mo si Prezilla sa guest room, inaantok narin siya." Sabi ni tita kaya lumapit sa akin si Thyron.
Nagpaalam muna siya sa magulang niya bago kami naglakad papuntang guest room.
Pagkapunta namin sa tapat ng pintuan ng guest room ay agad niya itong binuksan at niyaya akong pumasok.
"Go ahead and go to sleep. If you want to take a bath before going to sleep, there are clothes in the cabinet. They are new, so don't worry." Sabi ni Thyron at tinuro ang kabinet.
"Thank you babe, tulog na'ko." Sabi ko sa kanya.
"Goodnight babe." Sabi niya at hinalikan ako bago siya lumabas ng kwarto.
Bago matulog ay naligo muna ako, pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang roba at sinuot ito. Kinuha ko rin ang tuwalya at inilagay ito sa buhok ko.
Naghanap ako ng pajama sa loob ng kabinet, may nakita din akong underwear dito. Mukha namang bago kasi nakalagay pa ito sa kahon nito at may tag price pa.
Pagkatapos kong magsuot ay kinuha ko ang blower at pinatuyo ang buhok ko bago ako matulog.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
