CHAPTER 25

1.6K 20 0
                                        

"AALIS KA, o ipapakaladkad kita sa guard?"

Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa kumpanyang iyon at kung paano ako nakauwi dito sa bahay.

Dahil sa mga nangyari ngayong araw ay nakatulog ako na mugto ang mga mata, ayaw ko pa sanang matulog pero dahil na rin siguro sa pagod at mahabang biyahe ay hindi na kinaya ng katawan ko kaya bumigay na ang mga mata ko.
⠀⠀
 

Nine o'clock ako nagising ng umaga at paggising ko ay bumalik nanaman sa alala ko yung naabutan ko sa opisina kahapon.
⠀⠀
 

Nakita ko na nakahiga sa sofa si Angelica at nakapatong sa kanya si Thyron habang naghahalikan sila. Naghahalikan silang dalawa habang nakahawak sa dibdib niya ang isang kamay ni Thyron.
⠀⠀
 

Sobrang sakit talaga ng puso ko, hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sumisikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdam ko.
⠀⠀
 

Hindi ko akalaing magagawa sa akin ni Thyron ang bagay na iyon at alam mo pa ang matindi? Pinagtanggol niya pa ang malanding babaeng iyon kaysa sa akin.
⠀⠀
 

Kahit anong pigil ko sa iyak ay kusa parin itong lumalabas. Sobra ang sakit na nararamdam ko, parang pinipiga ang puso ko.
⠀⠀
 

Kahit na ayaw kong kumilos at gusto nalang mag mukmok dito sa loob ng kwarto ko ay hindi pwede dahil kailangan kong ipasa ngayon ang resignation letter ko. Ayaw ko nang magtrabaho sa kompanyang iyon.
⠀⠀
 

Tumayo na ako at pumuntang kwarto para maligo, pagkatapos maligo ay nag bihis na ako at inayos ko ang itsura ko. Ayaw kong mag mukhang kawawa ang itsura sa lalaking iyon.
⠀⠀
 

Pagkatapos kong mag ayos ay nilagay ko na sa sling bag ko ang resignation na ginawa ko kanina, pagkatapos ay nilock ang bahay at umalis na.
⠀⠀
 

Nang makarating ako sa tapat ng Hiawata company ay nanikip nanaman ang dibdib ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago pumasok dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at dito pa ako maglumpasay. Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa elevator at umakyat sa taas.
⠀⠀
 

Pagdating ko sa tapat ng pintuan kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko ay nakita ko si Angelica na nasa tabi niya. Nakita ko siyang napagawi ang tingin sa gawi ko.
⠀⠀
 

Kahit na gustong kumawala ng mga luha ko ay pinigilan ko. Naglakad ako papunta sa kanila at kinuha ang resignation letter na nasa sling bag ko. Inabot ko ito kay Thyron, hindi niya ito kinukuha kaya nilapah ko nalang ito sa lamesa niya.
⠀⠀
 

"Resignation letter ko po sir." Sabi ko at walang emosyon siyang nakatingin sa akin.
⠀⠀
 

Maglalakad na sana ako pero may isang bagay pa pala akong nakalimutang sabihin sa kanya kaya humarap ulit ako sa kanya.
⠀⠀
 

"Oo nga pala.." Tumingin muna ako kay Angelica pagkatapos ay bumalik ulit ng tingin kay Thyron.
"I'm breaking up with you."

Hindi ko alam kung anong naging reaction ni Thyron o kung may naging reaction ba talaga siya sa sinabi ko dahil tumalikod na agad ako sa kanila at agad na lumabas sa opisina.
⠀⠀
 

Mabilis akong pumunta sa elevator at pinindot ang ground floor. Baka kasi kapag nagtagal pa ako doon ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko at biglang lumabas. Baka mabawi ko pa ang mga sinabi ko sa kanya kani kanina lang.
⠀⠀
 

Pag uwi ko sa bahay ay doon ko na binuhos ang sakit na nararamdam. Hindi ko inaakalang hinahayaan niya parin ang babaeng iyon sa opisina niya matapos ang nangyari kahapon at ang dahilan kung bakit ako nakipag hiwalay sa kanya.
⠀⠀
 

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon