CHAPTER 27

871 15 0
                                    

DALAWANG linggo na simula nung malaman kong buntis ako pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala, hindi ko pa rin sinasabi kila mama dahil natatakot pa rin ako hanggang ngayon.

 

"Prezilla kumain kana." Sabi ni Jamaica pagka pasok niya sa kwarto ko.

 

Tumango ako sa kanya at sumunod sa kanya pababa sa hapagkainan.

 

Simula ng paglabas ko sa ospital ay hindi niya ako iniiwang mag isa. Dito na rin siya natutulog sa bahay kasi wala nga daw akong kasama at baka mapano daw ako. Sinabi ko nga sa kanya na okey nga lang na mag isa ako pero nagpumilit siya at nag paalam siya sa magalung niya na dito muna sa bahay pang samantala.

 

Kapag napasok siya sa trabaho ay si Carl ang kasama ko.

 

"Hoy Carl, 'wag mong pababayaan itomg kaibigan ko hah, malilintikan ka sa akin." Sabi ni Jamaica kay Carl.

 

"Yes ma'am." Sabi naman ni Carl.

 

Lumapit sa akin si Jamaica at bumulong. "Huwag mong aagawin si Carl sa akin hah."

 

Natawa ako dahil sa binulong niya sa akin.

 

"Oo alam ko, puro ka talaga katarantaduhan." Sabi ko at binatukan siya.

 

"Yung sinabi ko sa'yo Prezilla hah." Pahabol ni Jamaica bago maglakad paalis.

 

Natatawa ako kay Jamaica kasi mukhang tinamaan talaga siya kay Carl.

 

"Kailan mo sasabihin sa magulang mo." Napukaw ni Carl ang atensiyon ko ng magsalita siya.

 

Alam ko ang tinutukoy niya dahil kapag napunta siya dito ay ganon ang lagi niyang sinasabi, kung kailan ko daw sasabihin sa mga magulang ko na nagdadalang tao ako.

 

"Hindi ko alam, natatakot ako sa magiging reaksiyon nila." Sabi ko habang nakatingin kay Jamaica na naglalakad palayo.

 

"Siyempre sa una magagalit sila sa'yo pero sa huli ay hindi ka nila matitiis dahil walang magulang ang hindi kayang tiisin ang mga anak nila." Sabi ni Carl at niyaya na akong pumasok sa loob.

 

"Natatakot talaga ako." Sabi ko at umupo sa sofa.

 

"Huwag kang matakot dahil hindi ka namin papabayaan." Sabi niya at umupo sa katapat na sofa.

 

"Paano kung hindi matanggap ni mama ang sitwasyon ko ngayon." Sabi ko sa kanya.

 

"Matatanggap niya dahil anak ka niya, atsaka apo niya kaya iyang nasa sinapupunan mo." Pagpapaliwanag ni Carl.

 

Dahil sa mga sinabi sa akin ni Carl ay napag pasyahan kong tawagan si mama at sabihin na sa kanya na buntis ako.

 

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone, huminga muna ako ng malalim bago tinawagan ang numero niya. Nag ring lang ng ilang segundo at sinagot niya na ang tawag.

 

["Oh Preizilla, anak napatawag ka."] Sabi ni mama sa kabilang linya.

 

"Ma may sasabihin po ako, pero sana 'wag kayong magalit." Kinakabahan kong saad.

 

["Oh, ano ba 'yon?"] Tanong naman niya.

 

"Mangako po muna kayo na hindi kayo magagalit." Sabi ko at hindi na mapakali dahil sa sobrang kaba na aking nararamdam.

 

["O siya, oo hindi ako magagalit. Bakit, ano ba iyon?"] Tanong ni mama.

 

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

 

"Ma... Buntis po ako." Sabi ko at hindi mapigilang mapaiyak.

 

Tumahimik ang kabilang linya kaya tiningnan ko ang cellphone ko kung nakapatay na ang tawag pero hindi naman.

 

"Hello ma nandiyan pa po ba kayo?" Tanong ko.

 

["Ulitin mo nga ulit ang sinabi mo? Hindi ko masyado narinig dahil mukhang sira na ata itong cellphone ko dahil kung ano ano na ang naririnig ko."] Ani mama.

 

"Ma, tama po kayo ng narinig. Buntis po ako." Sabi ko at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha.

 

["Juskong bata ka talaga, yan na nga ang sinasabi ko sayo!"] Galit na sabi ni mama.

 

"Sorry ma..." Paghingi ko ng tawad.

 

["Wala na tayong magagawa nandiyan na'yan. Si Thyron ba ang ama niyang dinadala mo? Aba malamang nagtanong pa ako eh siya ang boyfriend mo."] Sabi ni mama sa kabilang linya.

 

"Opo ma, si Thyron nga po." Sabi ko.

 

["Alam niya na ba ito? Sinabi mo na ba sa kanya?"] Tanong ni mama.

 

"Hindi pa, atsaka wala akong balak na ipaalam sa kanya ma." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

 

["Nakung bata ka, bakit naman hindi mo sinabi sa kanya. Pupunta ako diyan sa susunod na araw at ako na ang magsasabi sa kanya kung natatakot kang ipaalam sa kanya."] Sabi ni mama na ikinailing ko.

 

"Ma 'wag na." Pagpigil ko sa kanya.

 

["Anong 'wag na, hindi pwedeng hindi niya panindigan iyang pinag bubuntis mo. Aba girlfriend ka niya at boyfriend mo siya."] Sabi ni mama.

 

"Ma... Wala na po kami ni Thyron." Mahina kong sabi at hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya mas lalo akong napaiyak.

 

Nagulat ata si mama sa sinabi ko kaya hindi agad siya nakapag salita.

 

["Kahit wala na kayo, hindi pwedeng hindi ka niya panagutan. Anak niya iyang dinadala mo!"] Galit na sabi ni mama. ["Pagpunta ko diyan ay sasabihin ko sa kanya, hindi pwedeng hindi niya iyan panagutan."]

 

"Ma, 'wag na kayong pumunta dito dahil wala na po dito sa manila si Thyron. Nasa U.S na siya nung isang araw pa." Sabi ko kay mama.

 

Pinagalitan ako ni mama dahil ilang beses niya ako noon na pinaalalahan pero hindi ako nakinig sa kanya. Sa huli ay sinabi ni mama na umuwi nalang daw ako doon sa kanila sa Leyte para maalagaan ako at ang apo niya na nasa sinapupunan ko.

 

Tinatanong ni mama kung bakit kami naghiwalay pero hindi ko sinasabi sa kanya at nirespeto naman ni mama ang desisyon ko at hindi na ako pinilit na sabihin sa kanya.

 

"Diba sabi ko sayo na 'wag kang matakot na sabihin sa mama mo dahil matatanggap pa rin niya ang sitwasyon mo dahil anak ka niya." Sabi ni Carl kaya napatingin ako sa gawi niya. Kanina pa siguro siya nandoon.

 

"Thankyou Carl." Sabi ko ng makalapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

 

Nagulat siguro siya sa ginawa ko kasi naramdaman ko na nanigas siya pero sa huli ay gumanti siya ng yakap at tinapik tapik ang balikat ko.

 

Pagdating ni Jamaica ay sinabi ko sa kanya na alam na ni mama na buntis ako dahil sinabi ko na ito kanina. Nqtuwa nga si Jamaica dahil sa wakas daw ay naglakas loob akong sabihin na sa kanila.

 

Sinabi ko rin kay Jamaica na pinapauwi ako ni mama sa Leyte.

 

Kasabay ko si Carl na umuwi sa Leyte dahil may aasikasuhin din daw siya doon.

 

Pagkauwi ko sa Leyte ay pinagalitan ako ni papa ng malaman niya na buntis ako, pero sa huli ay tinanggap niya na dahil wala na naman daw siyang magagawa. Si lolo naman ay tuwang tuwa dahil magkaka apo na daw siya sa tuhod.

 

Masaya ako dahil tanggap parin ng pamilya ko ako at ang nasa sinapupunan ko.

 

Ang naipon ko sa pagtatrabaho ay nagpa tayo ako doon sa tabi ng bahay ng maliit na shake at milk teahan para kahit papaano ay makatulong parin ako sa pamilya ko at para makaipon ako para sa anak ko.

 

Sa una ay hindi mabenta pero nung tumagal tagal ay dumami na ang costumer.


 
 

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon