NGAYONG araw ang uwi namin kaya maaga nagising para maligo at mag ayos para mamaya ay aalis nalang kami.
⠀
Suot ko ngayon ang sinuot ko nung araw na dumating kami dito. Malinis na naman iyon dahil nung isang araw ko pa iyon nilabhan kasama ng mga sinuot ko.
⠀
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay dumapa muna ako sa kama at nag cellphone.
⠀
Wala na naman kasi akong ibang gagawin at aayusin dahil tanging sarili at cellphone lang naman ang dala ko ng pumunta kami dito kaya wala akong ibang dadalhin pauwi kundi ang sarili ko at ang cellphone ko lang.
⠀
'Haluh may nakalimutan ako.' Sabi ko sa isip ko at tumayong muli.
⠀
Nakalimutan ko yung mga souvenirs at yung strawberries.
⠀
Pumunta ako sa mini drawer at kinuha doon ang mga souvenirs at inilagay iyon sa kama. Pagkalapag ko doon ng mga souvenirs ay pumunta ako sa mini ref na katabi ng kabinet. Yes may mini ref dito, binuksan ko ang ref at kinuha doon sa ang mga strawberries at yung strawberry jam at inilagay sa lamesa na katabi ng kama.
⠀
Binuksan ko ang kabinet at kinuha doon ang mga paper bag na nakatupi, naghanap ako ng paper bag na sakto at magkakasya ang mga pasalubong ko kila mama.
⠀
Nang makahanap na ay inilagay ko uli ang ang mga paper bag sa pinagkuhaan ko pagkatapos ay dumiretso sa kama dala ang kinuha kong paper bag.
⠀
Binuklat ko ito at unang inilagay doon ang ang strawberry jam at isinunod ang mga souvenirs, huli kong inilagay ang mga strawberries dahil baka mayupi ito kung una ko itong ilalagay.
⠀
Maya maya lang ay kumatok si Thyron para sabihing nasa rooftop na ang helicopter na sasakyan namin kaya binitbit kona ang mga pasalubong ko at umakyat na ng rooftop.
⠀
Pagdating ko sa rooftop ay inalalayan akong umakyat ni Thyron.
⠀
"Thankyou" Sabi ko sabay upo at kinabit na ang aking seatbelt.
⠀
Siguro mga isang oras o mahigit ang naging byahe bago kami makarating sa rooftop ng Hiawata company.
⠀
Pagkababa namin ay dumaretso na kami sa opisina.
⠀
Titingnan ko sana yung mga files na hindi nagalaw ng ilang araw pero pinigilan ako ni Thyron at sinabi nitong umuwi nalang ako at magpahinga muna dahil may bukas pa naman daw.
⠀
"Sigi Thyron uuwi na ako." Paalam ko at tumango lang siya kaya dumiretso na ako palabas ng opisina.
⠀
Pagkadating sa bahay ay nagmano muna ako kay mama at papa bago ko ibigay ang pasalubong ko.
⠀
"Buti at naisipan mong pasalubungan kami." Sabi ni mama sabay tanggal ng laman ng paper bag, naki isyoso naman si papa kung anong laman non.
⠀
"Ano kaba ma ako paba?" Sabi ko at kumindat sa kanya na ikinatawa namin.
⠀
Maya maya ay umakyat na akong kwarto para matulog.
⠀
Aba ikaw ba naman na anong oras nagising dahil sa kaexcitingan na umuwi.
⠀
"Hayst nakakaantok." Sabi ko sabay pikit ng mga mata.
⠀
Dating gawi ay maaga na naman ako pumasok sa trabaho, pagdating ko sa table ko ay inasahan ko na maraming tambak ng files ngayon dahil sa isang linggo kami nagbakasyon.
⠀
Dahil tambak ang gawain ay hindi na ako bumaba sa canteen para kumain dahil nagdala ako ng lunch ko ngayon, pinaghandaan ko na kumbaga.
⠀
Pagkatapos kumain ay balik na naman sa trabaho, maya maya ay may kumatok ng tatlong beses at bumukas ang pinto. Nang makita ko kung sino iyon ay lumapit ako sa kanya.
⠀
'Akala ko hindi ko na makikita ang pagmumukha niya.' Sabi ko sa isip ko.
⠀
"What are you doing here?" Tanong ni Angelica.
⠀
"Hindi ba obvious? Siyempre sekretarya ako ni Thyron kaya ako nandito." Walang gana kong sabi.
⠀
"Wait wait wait... Thyron?" Taas kilay niyang sabi.
⠀
"Ouhm Thyron." Sabi ko sa kanya.
⠀
"Ang kapal mo namang babae ka....wala kang galang, bakit Thyron lang ang tawag mo sa boss mo bakit kaibigan kaba niya? At bakit ganon ka niya kaclose, aba sekretarya ka lang niya kaya umayos ka." Sabi niya habang nakaturo sa akin.
⠀
"Ang boss ko mismo ang nag sabi na Thyron nalang daw ang itawag ko sa kanya at 'wag ng lalagyan ng sir....hayst bakit ba ako nag eexplain sayo." Sabi ko at iiling iling pa.
⠀
"What the? Ano 'yon joke?" Gulat niyang sabi.
⠀
"Ano palang kailangan mo?" Pag iiba ko sa usapan.
⠀
"Where's Thyron?" Tanong niya at umupo sa sofa.
⠀
"Nasa meeting." Sabi ko at bumalik na sa table ko.
⠀
"Kuhaan mo nga ako ng kape." Sabi niya at nagdekwatro.
⠀
"Kumuha ka ng sarili mo." Sabi ko at bumalik ang tingin sa inaayos ko na mga files.
⠀
"Aba aba....grabe ka hahh sekretarya kaba talaga? Baka nakakalimutan mo na bisita ako ng boss mo." Sabi niya.
⠀
"Bisita?" Tanong ko sa kanya.
⠀
"Oo, bisita niya ako." Mabilis niyang sabi.
⠀
"Baka bwisita." Bulong ko.
⠀
"May sinasabi ka?" Tanong ulit niya.
⠀
"Wala" Sabi ko at tumingin sa kanya.
⠀
"Yung kape ko nasaan na bilisan mo." Sabi niya kaya pumunta ako sa sink para timplahan siya ng kape.
⠀
"Yan ganyan....dapat sundin mo kahit na anong sabihin at iutos ko kung ayaw mong sabihin ko kay Thyron na sesantihin ka niya." She said and I rolled my eyes before I gave her the coffee.
⠀
Pagkabigay ko sa kanya ay bumalik na ulit ako sa pwesto ko.
⠀
"Ano tohh bakit ang paet?" Tanong niya at ang sama ng mukha.
⠀
"Edi kape." Sabi ko sa kanya.
⠀
"Boba kaba hahh!! Bakit hindi mo nilagyan ng asukal?" Galit niyang sabi.
⠀
Hindi ako nag salita na lalo niyang ikinainis.
⠀
"Sumagot ka!" Sigaw niya ulit.
⠀
"Wala ka namang sinabi." Diretsa kong sabi.
⠀
Hindi ko alam kung nasabi ko naba ito pero naiinis talaga ako sa kanya....na kapag naririnig ko ang maarte niyang boses kumukulo na talaga ang dugo ko.
⠀
"Aba sumasagot kapa hahh." Sabi niya at lumapit sa akin.
⠀
"Sabi mo sumagot ako tapos ngayong sinagot kita sabihin mo sumasagot ako ano ba talaga?" Sabi ko sa kanya.
⠀
"Alam mo matagal na talaga akong nanggigigil sayo hahh." Sabi niya sabay buhos ng kape sa akin at buti nalang ay nakaiwas ako kaya yung braso ko lang ang natapunan.
⠀
"Ouch!" Sabi ko sabay hawak sa braso ko.
⠀
"WHAT THE HELL DID YOU DID YOU DO ANGELICA!" Nagulat kami sa sigaw ng baritonong boses.
⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀
Napadako ang tingin namin sa nag mamay ari ng boses na iyon. Nakita ko si Thyron at bakas sa mukha niya ang galit.
⠀
"T-Thyron i-kaw pala 'yan." Sabi ni Angelica.
⠀
Lumapit sa amin si Thyron at tumingin kay Angelica.
⠀
"Why did you do that to her!" Galit niyang sabi.
⠀
"A-ahh T-Thyron siya k-kasi ang nauna k-kanina niya pa ako iniinis." Nauutal na sabi ni Angelica.
⠀
"Although... you shouldn't have done that to her!" Galit na ani ni Thyron.
⠀
"Naiinis ako sa kanya kala mo hindi sekretary kung umasta!" Galit din na ani ni Angelica sabay turo sa akin.
⠀
"Leave" Mahinahong sabi ni sir.
⠀
"Umalis ka daw sabi ng boss mo!" Sabi sa akin ni Angelica.
⠀
Hahakbang na sana ako ng nagsalita ulit si Thyron.
⠀
"Shut up your f*cking mouth and then leave!" Ma awtoridad niyang sabi habang nakatingin kay Angelica.
⠀
"Bu--"
⠀
"I SAID LEAVE!" Sigaw ni sir sabay turo sa pintuan.
⠀
Galit na tumingin sa akin si Angelica bago ito lumabas.
⠀
Lalabas na din sana ako ng magsalita si Thyron.
⠀
"Prezil are you okey." Sabi ni Thyron kaya napatingin ako sa kanya.
⠀
Nagulat ako sa sinabi ni Thyron 'kala ko sisigawan o papagalitan niya ako hindi pala.
⠀
"Ahh oo." Sabi ko at itinago sa likod ang mga kamay ko.
⠀
"Can I see?" Tanong ni sir.
⠀
"Hindi na okey lang talaga." Sabi ko at mas lalo pang itinago ang kamay ko.
⠀
"Aray ko!" Napasigaw ako ng mahawakan ni Thyron ang braso kong natapunan kanina ng kape.
⠀
"Sorry" Sabi niya sabay dahan dahang tinignan ang braso ko.
⠀
Maya maya ay umalis si sir at pumasok sa kung saan ay may kwarto siya at paglabas niya ay may dala na siyang med kit.
⠀
Sinabi ko sa kanya na okey lang kasi hindi naman gaano malaki pero nagpumilit parin siya, wala na akong magagawa kaya hinayaan ko nalang siyang gamutin ang paso sa braso ko.
⠀
Kasalan ko rin naman kasi ginalit ko si Angelica kaya niya nagawa iyon sa akin. Ewan ko ba pero sa totoo lang napaka iyakin kong tao pero bakit pag dating kay Angelica nagiging matapang ako at hindi ako nagpapatalo sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Billionaire Series#1)
Roman d'amourBillionaire Series #1 (Completed)