"PAANO kapag may nag tanong na kung saan tayo nagkakilala anong sasabihin ko? Ahm nag apply po ako sa kompanyang pag aari niya. Ganon ba?" Sabi ko kay sir Thyron.
⠀⠀
Nag uusap kasi kami kung ano ang gagawin namin mamaya para hindi mahalata na nagpapanggap lang kami.
⠀⠀
"Are you thinking? Of course, we need to talk about what we will do." Sir Thyron said.
⠀⠀
"Anong sasabihin natin kapag nagtanong sila kung paano at saan tayo nagkakilala, anong sasabihin natin?" Tanong ko. "Ahh alam ko na, sasabihin ko na nagkakilala tayo sa isang store sa mall, nagandahan ka sakin kaya ka lumapit tapos nagpakilala ka at hiningi mo yung number ko. Ganon nga." Dagdag ko pa at sinamaan niya ako ng tingin.
⠀⠀
"Just say we met at the mall, that's it." He said.
⠀⠀
He tells the other details that we would do in pretending to be lovers. I only have a half day at work today because I have to prepare for my pretending to be Sir Thyron's girlfriend.
⠀⠀
⠀
⠀
NANDITO na kami ngayon sa tapat ng bahay nila I mean mansion nila dahil sa sobrang laki at lawak neto.
⠀⠀
'Shet kinakabahan talaga ako.' Sabi ko sa isip ko at palingon lingon.
⠀⠀
Sinundo ako kanina ni sir Thyron sa bahay ng mga five kasi six daw ang simula ng selebrasyon.
⠀⠀
"Just calm down, inhaled and exhaled." Nagulat ako ng nagsalita si sir Thyron, hindi ko napansing nakababa na pala siya ng sasakyan.
⠀⠀
"Sigi po si--." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.
⠀⠀
"Just what I said earlier don't call me sir, just call me Thyron or any endearment what you want."
⠀⠀
"Okey po si--, I mean okey love." Sabi ko at hindi ko ba alam kung guni guni ko o namalikmata lang ba ako nung nakita ko siyang nagulat at namula.
⠀⠀
"That's good, are you ready?" Thyron asked.
⠀⠀
"I am born to be wild este I am born to be ready." Pagkasabi ko non ay hinila na ako ni sir Thyron papasok sa loob.
⠀⠀
Pagpasok palang namin sa loob ay nag tinginan sa amin ang ilang mga bisita. Sa mga nakakita sa amin ay mayroong nagtataka at nag tatanong na kung sino ako at bakit ako kasama ni sir Thyron. Hindi namin ito pinansin at nagtutuloy tuloy lang ng lakad hanggang sa makarating kami sa mahabang lamesa na kung saan ay nandoon ang pamilya ni sir Thyron.
⠀⠀
"Happy 70th birthday grandma." Bati ni sir Thyron sa matandang kaharap namin sabay halik ni Thyron sa pisngi nito at saka niyakap. "My gift." Dagdag pa ni sir sabay bigay ng regalo.
⠀⠀
"Ang gwapo talaga ng apo ko." Sabi ng lola ni sir at kinurot ito sa pisngi. Kung titingnan mo naman ang matanda ay hindi siya mukhang 70 para lang siyang nasa 50's.
⠀⠀
"Thyron, who is she?" Tanong ng babaeng naka light blue na dress at kung titingnan mo ay nasa 30's lang siya.
⠀⠀
"Ohh I forgot to introduce her. Mom, dad and grandma, her name is Prezilla she's my girlfriend." Sabi ni sir Thyron at yumakap sa akin na ikinagulat ko. "Prezilla, love say hi to them." Dagdag pa niya na ikinakaba ko lalo.
⠀⠀
"Ahm h-hi, nice t-to meet you po." Bati ko sa kanila, my gosh nauutal ako.
⠀⠀
Kita ko sa kanilang mga mukha na sinusuri nila ako mula ulo hanggang paa.
⠀⠀
"Are you sure she's your girlfriend?" Tanong ng babae kanina na mama daw ni sir Thyron.
⠀⠀
Mygosh siguro hindi ako pasado sa taste nila, naku pag nilait lang talaga nila ako uuwi talaga ako.
⠀⠀
"Yes mom." Sabi ni sir Thyron at lumapit sa harapan ko ang mama.
⠀⠀
"H-hi po ma'am." Utal kong bati st wala kang makikitang emosyon sa kanyang mukha na lalong ikinakaba ko. My gosh hindi ko talaga kaya.
⠀⠀
Akmang aatras nako ng bigla akong yakapin ng mama niya na ikinagulat ko.
⠀⠀
"Sa wakas at nakilala kana namin, Prizilla right?" Sabi ng mama ni Thyron at bitaw ng yakap sakin.
⠀⠀
"Yes po tita." Sabi ko at pilit na ngumiti.
⠀⠀
"Naku huwag ka ng mahiya, welcome na welcome ka sa family namin. Alam mo ba Prezilla ngayon lang ito nagpakilala ng bab--." Hindi niya natapos ang sasabihin ng sawayin siya ni sir Thyron.
⠀⠀
"Mom" Pagbabanta ni sir Thyron na wag ng ituloy ang sasabihin niya.
⠀⠀
"Naku ito talagang anak ko, oo na sigi na mananahimik na ako." Sabi ng mama niya at bumalik na sa pwesto kung saan siya naka upo.
⠀⠀
"Give your gift to grandma." Bulong sakin ni sir Thyron.
⠀⠀
'Ayy oo nga pala, nakalimutan ko.' Sabi ko sa isip ko at kinakabahang lumapit sa lola niya.
⠀⠀
"Ahm hello po happy birthday po, gift ko po sa inyo." Sabi ko at laking pagpapasalamat dahil hindi ako nautal.
⠀⠀
"Thank you." Sabi lang nito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
⠀⠀
Mga ilang minuto lang ay nagsimula na ang selebrasyon at nagsimula ng magsi kainan. Pag katapos kong kumain ay nagtanong ako kay sir Thyron kung nasaan ang comfort room at tinuro niya ito sa akin. Sasamahan niya sana ako kung saan iyon pero sabi ko sakanya na 'wag na, kasi nakakahiya naman sa pamilya niya.
⠀⠀
"Excuse po, punta lang po akong comfort room." Paalam ko sa kanila bago ako umalis at pumuntang cr.
⠀⠀
Muntik pa nga akong maligaw dahil sa sobrang laki at lawak nitong bahay nila. Buti nalang may nakasalubong akong katulong nila at nagpasama ako kung saan ang comfort room.
⠀⠀
After I peed I went out of the cubicle and washed my hands. I was surprised when someone spoke.
⠀⠀
"Prezilla right?" Tanong nito at paglingon ko ay yung lola pala ni sir Thyron at walang emosyong nakatingin sa akin.
⠀⠀
"Opo ako nga po." Sabi ko sabay patuyo ng kamay ko.
⠀⠀
"Are you my grandson's girlfriend?" Tanong nito.
⠀⠀
"Ahm o-opo." Kinakabahan kong sagot.
⠀⠀
"You know what I don't like? A lier, ayoko sa mga taong sinungaling." Sabi niya na lalo kong ikinakaba, at kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin ay nagtanong parin ako.
⠀⠀
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Pinagpapawisan na ako dahil sa tensyon.
⠀⠀
"Kilala ko na si Thyron simula ng maliit pa siya dahil ako mismo ang nag alaga at nag palaki sa kanya doon sa Amerika dahil ang mga magulang niya ay nagtatrabaho dito sa Pilipinas." Huminto muna siya bago magsalita ulit.
⠀⠀
"Hindi siya mahilig makipag kaibigan at kung magkaroon man siya ng kakilala at kaibigan ay nag kekwento mismo siya sa akin. Kaya nakakapagtaka dahil hindi ko alam at ngayon ko lang nalaman na may girlfriend siya." Tuloy tuloy niyang ani.
⠀⠀
Mas lalo akong kinakabahan sa kanyang mga sinasabi.
⠀⠀
"Yes, I said Thyron that I want to know her girlfriend, and I want him to do it as a gift fo my birthday. Na kahit sa totoo naman ay alam kong wala siyang madadala at maipapakilala sa akin pero my god what is this? But if it's true that your his girlfriend, do you love him? Or maybe.... Mahal mo lang siya dahil sa pera?" Sabi niya na ikinagulat ko.
⠀⠀
Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niya, hindi ko akalaing hahantong pala sa gan'to ang pagpapanggap namin. Mukhang dahil sa pagpapanggap ay nagmukha pa akong pera.
⠀⠀
"Ahm sorry po kung ganyan ang t-tingin niyo sa akin, s-sorry po dahil hindi niya naman po talaga ako girlfriend dahil sekretarya niya lang ako, s-sorry po dahil nagpanggap kami." Sabi ko at huminto muna para punasan ang luha kong kumawala.
⠀⠀
"G-ginawa ko lang naman po i-iyon dahil ayaw ko pong matanggal sa trabaho. Atsaka sabi po ni sir na isang araw lang naman ang gagawin naming pagpapanggap a-at dahil ayaw kong matanggal sa trabaho ay p-pumayag nalang ako. S-sorry po dahil nag sinungaling kami, w-wag po kayo magalit sa apo niyo dahil a-ako naman po ang may kasalanan dahil p-pumayag po ako. Hu--huwag po kayong mag alala, hindi na po mauulit." Sabi ko at pinunasan ang mga luha ko bago ako lumabas ng comfort room kung nasaan ang lola ni sir Thyron.
⠀⠀
Nagmamadali akong pumunta sa lamesa kung nasaan si sir at ang pamilya niya at dali daling dinampot ang sling bag ko.
⠀⠀
"Excuse me po, magpapaalam na po sana ako na uuwi na kasi po may emergency po. S-sorry kung hindi na po ako makakatagal dito, thankyou po sa pagkain uwi napo ako." Sabi ko at sinenyasan si sir na uuwi na ako.
⠀⠀
Bastos man sa patingin nila pero dali dali akong lumabas ng bahay nila at nag aantay na may dumaang taxi. Kamalas malasan nga naman dahil naalala kong subdivision nga pala ito at gabi na kaya walang dumadaan na taxi na lalo kong ikinaiyak.
⠀⠀
No choice ako dahil kailangan kong maglakad hanggang sa makarating pinaka gate ng subdivision. Sisimulan ko na sanang mag lakad ng may tumawag sa pangalan ko at agad kong pinahidan ang mga luha ko.
⠀⠀
"Prezilla!"
⠀⠀
"Bakit po sir?" Sinikap kong hindi mautal at buti nalang.
⠀⠀
"Hahatid na kita." Sabi niya sabay parada ng kotse sa harap ko.
⠀⠀
Binuksan niya ang sasakyan at pinasakay ako. No choice ako kaya pumayag na dahil ayaw ko namang maglakad ng napaka layo layo.
⠀⠀
"What's the problem? Was it an emergency or something happened when you went to the comfort room." Sabi niya, hindi ko nalang ito pinansin at tumingin nalang sa bintana. "It's grandma right?"
⠀⠀
"H-huhh hindi ahh, pa'no mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.
⠀⠀
"When you left, grandma came at the same time and when she didn't see you there she asked where you at, and when I told her that you leave because you have an emergency she told me to follow you." Sabi niya sabay hinto ng sasakyan kasi naka redlight.
⠀⠀
"Did grandma say something that wasn't nice?." Dagdag niya pa na ikina iling ko.
⠀⠀
"Wala ahh." Pag sinungaling ko sabay tawa.
