PANG anim na araw na namin ngayon dito sa Baguio at baka bukas ay makauwi na kami.
Sabi ni Thyron ay bukod sa pinag usapan nilang project ni Mr. Kim ay bakasyon talaga ang pinunta namin dito dahil nung mga nakaraang linggo kasi ay sunod sunod ang mga meeting at mga problema kaya babad kami sa trabaho kaya napag isipan ni Thyron na magbakasyon.
Yun nga lang nung unang araw namin dito sa Baguio ay nagkaroon ulit ng problema kaya ang unang araw dito ni Thyron ay puro trabaho. Sinabi ko nga sa kanya na tutulungan ko siya dahil wala naman akong ginagawa pero hindi siya pumayag.
Pero pag dating ng hapon ay naresulbahan niya ang mga problema pati yung kay Mr. Chin kaya nung dumating ang mga sumunod na araw ay naglibot kami sa Baguio marami kaming pinuntahan kabilang na doon ang La Trinidad dito sa Baguio na kung saan ay pumitas kami ng mga strawberries at inilagay ito sa basket. Ang sasarap ng mga strawberries nila, nag dala nga din ako sa hotel para pag umuwi na kami ay may pasalubong ako kila mama.
Sumakay din kami sa zipline at nag horseback riding, pumunta din kami sa Botanical garden. Perfect sa mga gustong mapag isa at sa mga gustong mag unwind. Bumili din kami ng mga souvenirs at napaka dami pa naming napuntahan.
Marami akong first time na nagawa at napuntahan kasama si Thyron at nagpapasalamat ako sa kanya dahil naranasan ko ang mga bagay na ito.
Ngayung araw naman ay pupunta kaming Saud Beach, kasama namin ngayon si Angelica dahil gusto niya ding pumunta doon. Ayaw niya na lang sabihin na sasama siya para magpapansin kay Thyron.
Sa dalawang oras na biyahe namin ay sa wakas ay nakarating na kami sa Saud Beach. Pag apak ko palang ay namangha na ako dahil maganda dito, kulay cream ang mga buhangin at ramdam mo sa paa mo na malamig ang tubig.
Sariwa din ang simoy ng hangin grabe at napakasarap sa pakiramdam. Si Angelica at Thyron ay masayang nagkekwentuhan kaya iniwan ko na sila.
Gusto ko munang damahin ang simoy ng hangin, tahimik na kapaligiran at ang sinag ng araw kaya kinuha ko ang tuwalya ko at nilatag ito sa buhanginan, naglagay muna ako ng sunblock bago mag sunbathing.⠀⠀
Habang nag sasunbathing ay may humarang sa sinag ng araw sa mukha ko kaya napadilat ako. Hindi ko ito makilala dahil sa sinag ng araw kaya umupo ako.
"Sabi ko nanga ba ikaw yan eh." Sabi ng pamilyar na boses, pagtingin ko ay si Carl pala. Yung nakilala ko doon sa coffee shop.
"Carl?" Tanong ko.
"Buti naman at naaalala mo pa ako, small world huhh."
"Sino ba namang hindi makakakilala sayo eh sa mahilig kang mangbola, atsaka your right small world." Sabi ko at parehas kaming natawa.
"Carl let's go!" Tawag ng kasamahan nito.
"Sayang at aalis na kami, sa susunod nalang." Sabi ni Carl at kumaway ito sa akin kaya kumaway din ako pabalik sa kanya.
Maya maya ay lumapit sa akin si Thyron at Angelica na naka two peice at grabe maka pulupot sa braso ni Thyron.
"You know that guy?" Tanong ni sir at tinuro ang lalaking papalayo.
"Ahh oo, nakilala ko siya doon sa coffee shop na pinuntahan ko nung isang araw." Sabi ko at tumango lang siya.
"Why are you just there don't you want to go down to the water and swim?" Tanong ni Thyron.
"Ahh mamaya na, ineenjoy ko pa ang sinag ng araw." Sabi ko.
"Hayaan mo nayan Thyron at pumunta na tayo sa dalampasigan para lumangoy." Pabebeng sabi ni Angelica sabay hila kay Thyron.
Hinayaan ko nalang sila at tinuloy na ang pag sasunbathing. Maya maya ay tumayo na ako at kinuha ang tuwalya kong inilatag, pinagpagan ko muna ito bago pumunta sa cottage namin.
Uminom muna ako ng tubig dahil nauuhaw na ako, pagkainom ko ay inilagay ko ang tuwalya sa tabi ng dala kong maliit na bag. Hinubad ko ang ang suot kong malaking t-shirt at nilagay ko ito sa tabi ng tuwalya ko. Naka bikini swimsuit ako, kasama ito sa mga binili sa akin. Kala ko nga ay hindi ko ito magagamit.⠀⠀
Naglakad na ako papunta sa dalampasigan, habang naglalakad ay may mga napapalingon sa akin, hindi sa pagmamayabang pero sa totoo lang I have a perfect body.
Enjoyin ko ang araw na to dahil bukas ay back to work na at secretary na ako.
Habang nag lalakad ay napatingin sa direksiyon ko naghaharutan na sina Thyron at Angelica. Nawala ang ngiti nito sa labi at napalitan ng walang emosyon. At napansin kong umirap si Angelica.
'Aba dukutin ko iyang mata mo jan makuha mo.' Sabi ko sa isip ko. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya kahit wala siyang ginagawa ay naiinis ako.
"Your here, a-and why are you wearing that?" Tanong niya at tiningnan ako mula mula ulo hanggang paa.
"Ahm kasi beach ito?" Nag aalinlangan kong sagot.
"I know, I mean where did you get that?" Tanong niya.
"Ahh kasama tohh sa mga paper bag, nagtaka ng ako kung bakit may kasama pang ganto eh mukhang hindi ko naman magagamit pero nagkamali ako." Sabi at tatawa tawa pa.
May binulong siya pero hindi ko narinig.
"Ahh maiwan ko na kayo." Sabi ko at tumango sa kanila.⠀
"Buti naman." Sabi ni Angelica at hindi ko nalang ito pinansin.
Lalangoy na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko, pagtingin ko ay si Thyron pala. Hinanap ko si Angelica at nakita ko itong papuntang cottage.
"Huhh? Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Can you change what you are wearing." Utos niya na ikinakunot ng noo ko.
"Huhh? Ayos naman ang suot ko hahh." Sabi ko sa kanya.
"Baka mabastos ka." Nagulat ako sa bigla niyang pagtatagalog.
"Wow nagtatagalog ka din pala?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"Don't change the topic and change that f*cking clothes, why was that kind of clothing even invented?" Sabi niya at turo sa suot ko bago naglakad paalis.
"Luhh bakit ka galet?" Bulong ko at hindi nalang ito pinansin at nagsimula ng lumangoy at magbabad.
Pagkatapos kong magbabad ay bumalik na ulit ako sa cottage at sinuot kong muli ang t-shirt kong hinubad.
"Tss, buti nalang at tinakpan mo na,.hindi kasi bagay sayo. Bukod sa ang pangit mo na ang pangit din ng katawan mo." Sabi ni Angelica kaya napatawa ako.
"Bakit ka natawa?" Dagdag niya ulit.
"Natatawa lang kasi ako dahil nanggagaling pa talaga sa madumi mong bunganga." Diretso kong sabi.
"Alam mo b--"
"Hindi ko pa alam." Putol ko sa sasabihin niya.
"You're annoying!" Maarte niyang sabi.
"Edi hanapin mo." Sabi ko sa kanya.
"Ang alin?" Nagtataka niyang sabi.
"Ang pake ko." Sabi ko at natawa ako sa expression ng mukha niya kasi halatang halata na naiinis na talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/316120664-288-k448418.jpg)