NAG FILE ako ng leave kay Thyron dahil magbabakasyon ako kila mama. Gusto kasi ni mama na kasama nila akong mag pasko at bagong taon. December 20 na ngayon kaya napag pasyahan ko na mag leave ng dalawang linggo para matagal tagal kong makasama sila mama at para makapag libot libot na rin sa Leyte.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Matagal tagal na rin simula ng makapunta ako doon. Kwento sa akin ni mama na marami na daw nagbago doon simula ng umalis kami kaya excited na akong makapunta at magbakasyon doon.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagka file ko ng leave ay tinanggap naman iyon ni Thyron.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"How many days?" Tanong niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Linggo iyon, dalawang linggo." Sabi ko na ikinagulat niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"What? Ang tagal naman." Sabi niya at lumapit sa akin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pinaliwanag ko naman sa kanya na ang dahilan at sa huli ay pumayag na siya. Gusto niya nga sana niyang sumama at siyempre gusto ko rin, pero hindi pwede dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa kompanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Wala naman akong problema sa trabaho dahil ginawa ko na at tinapos ang gagawin ko na trabaho sa kompanya ng dalawang linggo. Tinapos ko na para wala ng problemahin si Thyron habang wala ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Gusto niya nga sana akong ihatid pero tumanggi ako dahil may meeting siya ngayon sa mga investors niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Halos isang araw ang byahe bago ako makarating sa Leyte. Sinundo ako nila mama dito sa daungan ng barko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nang makita ko sila mama ay sinalubong ko agad sila ng yakap.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"I miss you ma." Sabi ko at agad siyang niyakap, sumunod naman ay si papa. "Miss you din pa."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ako, hindi ba ako namiss ng maganda kong apo?" Nagulat ako sa nagsalita.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Lolo!" Napatili ako ng makita ko si lolo sa gilid ni papa, hindi ko siya napansin. Agad na lumapit kay lolo at nagmano muna bago siya niyakap ng pagkahigpit. "I miss you lolo."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"I miss you din apo." Sabi niya at muli akong niyakap.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ilang taon palang ako nung huli kong nakita si lolo kaya ngayon ay sobrang sabik na sabik ako sa kanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Bago pa mag tanghalian ay umuwi na rin kami, pag kauwi namin ay hinanda na ni mama ang aming kakainin. Pagkalagay ni mama sa lamesa ng kanin at ulam ay agad akong natakam.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Wow, sinigang." Sabi ko at agad akong kumuha ng kanin at ulam.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ngayon nalang ulit ako nakatikim ng luto ni mama.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos naming kumain ay agd akong pumunta sa kwarto ko para magpahinga.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Wala pa ring pagbabago." Bulong ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Namiss ko talaga itong kwarto ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pinikit ko muna saglit ang mata ko pero hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Dahil narin siguro sa pagod at dahil narin sa halos isang araw na biyahe ay kinabukasan na ako nagising.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ala singko palang ang umaga ay gising na agad ako dahil gusto kong sumama kila lolo at papa sa bukirin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Hindi naman masyadong malayo ang bukirin ni lolo dahil limang minuto lalakarin mo simula sa bahay ni lolo ay makakarating kana sa bukirin niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
