AFTER FIVE YEARS
⠀⠀
"Kamusta ang mahal ko?" Sabi ni Carl pagpasok sa opisina ko.
⠀⠀
Malawak akong napangiti ng lumapit siya.
⠀⠀
"Kanina pa kita tinatawagan, bakit hindi ka sumasagot?" Tanong niya.
⠀⠀
"Siyempre, busy sa paghahanap ng magandang souvenirs." Sabi ko at napatawa.
⠀⠀
"Ang dami na nating souvenirs na ipapamigay bakit naghahanap ka pa?" Takang tanong niya.
⠀⠀
"Baka magkulang pa." Natatawa ako dahil masamang nakatingin sa akin si Jamaica.
⠀⠀
"Kanina ko pang napapansin na lagi mo akong inuunahan sa pagsasalita?" Sabi niya at masama pa ring nakatingin sa akin.
⠀⠀
"Bakit masama ba?" Sabi ko at lumapit sa kanya.
⠀⠀
"Kung ikaw nalang kaya magpakasal kay Carl." Sabi niya.
⠀⠀
"Pwede rin." Pang aasar ko sa kanya.
⠀⠀
"Mahal oh, mukhang balak kang agawin sa akin ni Prezilla." Pagsusumbong ni Jamaica sabay tayo at lumapit, humawak siya sa braso ni Carl.
⠀⠀
"Anong gagawin ko? Magtatalon talon ako sa tuwa?" Sagot ni Carl na ikinatawa ko.
⠀⠀
"Ano ka ngayon?" Sabi ko habang tatawa tawa.
⠀⠀
"Edi kayong dalawa ang magsama, bahala kayo diyan." Nagdadabog na kinuha ni Jamaica ang cellphone niya sa lamesa at akmang lalabas ng yakapin siya ni Carl.
⠀⠀
"Parang binibiro lang, nagtatampo ka kaagad." Sabi ni Carl habang yakap yakap si Jamaica.
⠀⠀
"Nakakabwiset kasi kayo, pinagtitripan niyo nanaman ako." Nakasimangot niyang sabi.
⠀⠀
"Hay naku, diyan na nga kayo. Ang sakit niyo sa mata." Sabi ko at naglakad na palabas.
⠀⠀
"Pag inggit pikit." Sabi ni Jamaica at rinig kong nagtawanan sila bago ko isara ang pintuan.
⠀⠀
Apat na buwan na lang ang hihintayin at ikakasal na si Jamaica at Carl. 2 years palang silang magkasintahan pero nag proposed na agad si Jamaica kay Carl, siraulo talaga si Jamaica at siya pa talaga ang nag proposed.
⠀⠀
Tinanong ko siya kung bakit siya ang nag proposed pero tawa ako ng tawa sa sagot niya sa akin, baka raw kasi maagaw ko pa si Carl kaya siya na ang nag first move.
Pero nung araw na nag proposed si Jamaica ay balak ding mag proposed si Carl sa kaniya. Siraulo 'tong Carl na'to, kung kinuntsaba niya sana ako edi mas nauna siya sa kaibigan ko.
⠀⠀
Pero pagkatapos mag proposed ni Jamaica ay maya maya lang ay nag proposed narin si Carl. Kahit dalawang taon palang silang mag karelasyon ay sigurado na daw sila sa isa't isa. At siyempre masaya ako para sa kanila dahil yung shiniship ko lang noon, malapit na silang ikasal ngayon.
⠀⠀
Paglabas ko ng opisina ay nakita kong maraming costumer kaya lumapit ako kay Michelle.
⠀⠀
"Ikaw pala 'yan ma'am Prezilla." Gulat na sabi ni Michelle ng makalapit ako sa kanya.
⠀⠀
"Ako na diyan." Sabi ko at kinuha sa kanya ang hawak niyang tray.
⠀⠀
"Ako na po ma'am, nakakhiya po." Sabi niya.
⠀⠀
"Naku ako na dito, kuhain mo nalang ang order ng mga bagong dating na costumer." Sabi ko sa kanya.
⠀⠀
"Ahh sigi po ma'am." Sabi ni Michelle at akmang tatalikod na ng magsalita ulit. "Sa table six po pala iyan ma'am."
⠀⠀
Tumango ako sa kanya at lumapit sa table six at nilapag ang order nila.
⠀⠀
"Ma'am, this is your order." Sabi ko at dahan dahang nilagay sa lamesa ang order nila.
⠀⠀
"Thankyou." Sabi ng babae.
⠀⠀
"Your welcome, hope you enjoy." Sabi ko at ngumiti sa kanila.
⠀⠀
"Ay alam mo ba ate, ang sasarap ng mga pagkain at kape dito sa inyo tapos ang babait pa ng mga employees dito katulad mo." Napatawa at siyempre napa ngiti ako sa sinabi niya.
⠀⠀
"Thank you for reaching out and providing us with valuable feedback." Sabi ko sa babae.
⠀⠀
"ANO BA'YAN, HINDI KASI NAG IINGAT!" Napagawi ang tingin ko sa sumigaw.
⠀⠀
"Ano 'yon?" Sabi ng babaeng kausap ko.
⠀⠀
"Excuse me." Sabi ko sa babae sa table six at naglakad papunta doon sa babaeng sumigaw.
⠀⠀
"ANONG SORRY SORRY KA DIYAN, ALAM MO BANG ANG MAHAL MAHAL NITONG BAG NATOH? MAS MAHAL PA SA BUHAY MO!" Pag iiskandalo nito.
⠀⠀
"Excuse ma'am, pwede pong huminahon po muna kayo. Sumama po kayo sa office at doon po natin pag usapan." Sabi ko, nakukuha niya kasi ang mga atensiyon ng mga tao dito sa loob.
⠀⠀
"PAANO AKO HIHINAHON? EH ITONG WAITRESS NA'TO TINAPUNAN LANG NAMAN ANG POUCH KO!" Sigaw parin nito.
⠀⠀
"Hindi ko naman po sinasadya." Nakayukong sabi ni Michelle.
⠀⠀
"ANONG HINDI SINASADYA HAH? SINADYA MO, KASI KUNG HINDI MO SINASADYA BABAYARAN MO ITONG POUCH KO, AYY OO NGA PALA MAHIRAP KA NGA PALA KAYA HINDI MO MABABAYARAN TOH!" Sigaw niya at tatawa tawa pa.
⠀⠀
"Miss, huminahon po kayo. Nakukuha niyo po ang atensiyon ng ibang costumer namin. 'Wag rin po kayong magsalita ng hindi maganda sa tauhan namin dito. Hindi naman niya po ata sinasadya ang nangyari." Sabi ko at tiningnan ang mga costumer na dito na nakatingin sa direksiyon namin.
⠀⠀
"AONG HINDI SINASADYA? SADYANG BOBA LANG YAN ATSAKA DAPAT LANG NA MALAMAN NUNG MGA COSTUMER NIYO DITO, PARA MALAMAN NILA NA MAY POOR BOBA DITONG NAGTATRABAHO!" Sabi niya at nilalakasan niya pa ang boses niya.
