WARNING SPG!!
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀If you don't want to read this skip the part.
------
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀NAGYAYA si Jamaica na mag bar kami kasi isang linggo na lang ay ikakasal na siya, gusto niyang mag enjoy muna kasama ako dahil bihira nalang namin itong magagawa kapag asawa niya na sila ni Carl.
Marami ng mga bawal na gawin dahil may asawa na siya. Pumayag na rin akong mag bar kami dahil para kahit isang araw lang ay makalimutan ko si Thyron.
Simula kasi nung nalaman ko kay tita na may anak na si Thyron ay hindi na iyon mawala sa isip ko. Ilang linggo akong hindi makatulog ng maayos dahil iniisip ko na paano kung hindi ko hiniwalayan si Thyron. Magiging masayang pamilya kaya kami?
Hayst, wala na akong magagawa nakaraan na iyon. Past is past, hindi ko na kayang balikan ang mga panahon na iyon.
Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay kalimutan na si Thyron. Mag eenjoyin ko ang sarali ko ngayong gabi.
Hindi ako nangangamba na baka magising si Aethan na walang kasama dahil nandoon ngayon si Aethan sa bahay nila Carl. Iniwan ko muna si Aethan kila Carl, ngayong gabi lang naman.
Pagpasok namin sa bar ay dumaretso na agad kami sa may bartender at umorder ng hard drinks.
Naaalala ko ang bar na ito dahil ito ang bar na pinuntahan ko noon kung saan ay may lumapit sa akin na lalaki na siyang nakakuha ng aking pinag kakaingatan na v card.
Dahil maganda ang tugtog ay napagpasyahan namin ni Jamaica na pumunta at sumayaw sa dance floor.
"Wooh!" Sigaw ko habang sumasayaw.
Namiss ko talagang pumunta sa bar. Ilang buwan narin kasi ang nakakaraan ang nakakaraan nung nakaapak ako sa ganitong lugar.
May lumalapit sa amin na lalaki para makisayaw sa amin pero pinapaalis ko rin dahil pumunta kami rito para sumaya kaming dalawa ni Jamaica. Hindi kami pumunta rito para maghanap ng lalaki at makipag harutan.
Aba subukan lang nilang harutin itong si Jamaica at yari sila sa akin. Hindi lang sa akin kundi kay Carl, kaya subukan lang nila.
Nang hindi na namin nagustuhan ang tugtog ay bumalik na ulit kami sa dati naming pwesto para mag inom.
Hindi na namin namalayan ang oras at ala una na pala ng madaling araw. Sinundo na kami ni Carl at sakto itong si Jamaica ay lasing na at ayaw ng magpa awat sa pag sayaw.
"Sinong nagbabantay kay Aethan!" Sigaw ko sa kanya dahil malakas ang tugtugan dito at baka hindi niya marinig ang sinasabi ko kung hindi ako sisigaw.
"Nasa bahay, kasama niya naman si manang kaya huwag kang mag alala!" Sabi niya at napatango ako.
Napansin ata ni Carl na hindi ako sumunod sa kanila kaya huminto sila sa paglalakad.
"Hindi kapa ba sasabay sa amin?" Tanong niya.
Umiling ako sa kanya at nag salita.
"Mamaya na, hindi pa ako nalalasing." Sabi ko at tumawa ng samaan niya ako ng tingin.
"Required bang malasing muna bago umuwi." Sarkastikong tanong niya.
"Oo, tingnan mo nga iyang si Jamaica lasing na uuwi." Sabi at tumatawang tinuro si Jamaica.
"Mahal ko, uwi na shayo." Sabi ni Jamaica habang nakayakap kay Carl.
"Sure ka hindi ka sasabay sa amin?" Tanong niya.
"Hindi nga sabi, ang kulit ng lahi mo noh." Sabi ko at inirapan siya.
"Aba iniirapan mo na ako? Tusukin ko yang mata mo." Sabi niya.