NANDITO ako ngayon sa mall at kasama si Thyron, sinama niya ako dahil gusto niya na daw palitan yung table at yung sofa doon sa opisina kasi luma na daw. Eh mukha pa ngang bago tas ang ganda pa.
⠀
Iba talaga kapag mayayaman, nabibili mo lahat ng gusto mo at kahit na ayos pa yung gamit ay gusto na nilang palitan. Hindi naman sa nilalahat pero karamihan sa kanila.
⠀
Tinatanong niya ako kung maganda ba daw iyong tinuturo niya pero oo lang ako ng oo kasi totoo naman talaga.
⠀
Binili na niya yung napili niya at yung tinuro kong table na gusto ko, idideliver nalang daw nila iyon sa opisina.
⠀
Pagkatapos non ay pumunta kami sa books stor kasi may bibilihin daw siya doon, nagpaalam muna siya siya saglit na pupunta daw sa comfort room kaya nagtingin tingin muna ako dito.
⠀
Hindi niyo natatanong pero mahilig ako magbasa ng libro lalo na kapag wattpad book.
⠀
Habang tinitingnan ang mga libro ay may nakabungguan ako.
⠀
"Sorry." Sabay naming sabi at nung magkatitigan kami ay parehas kaming nagulat.
⠀
"Carl"
⠀
"Prezilla"
⠀
Sabay ulit naming sabi kaya parehas kaming napatawa.
⠀
"Really? Small world." Carl said.
⠀
"Hahaha maliit talaga ang mundo." Sabi ko.
⠀
"By the way ano palang ginagawa mo dito?" Tanong niya.
⠀
"Alangan namang naglalaro, ano bang ginagawa sa books store?" Sabi ko na ikinatawa niya.
⠀
"I mean anong ginagawa mo dito sa mall at sinong kasama mo?" Tanong niya.
⠀
Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Thyron, nandito na pala siya hindi ko manlang napansin.
⠀
"She's with me." Sabi niya sabay lapit sa amin.
⠀
"Ahh oo kasama ko siya." Sabi ko.
⠀
"Sino siya?" Tanong ni Carl.
⠀
"I'm his boyfriend." Sabi ni Thyron at inunahan akong magsalita.
⠀
Nagulat ako sa sinabi niya.
⠀
"I thought your si---."
⠀
"Let's go babe." Sabi ni Thyron at hindi pinatapos ang sasabihin ni Carl ng hilahin niya na ako palabas ng books store.
⠀
Nang nasa parking lot na kami ay binitawan na niya ako at pinapasok sa loob ng sasakyan.
⠀
Pagka kabit ng seatbelt ay humarap ako sa kanya.
⠀
"Bakit mo sinabi iyon kay Carl?" Tanong ko sa kanya.
⠀
"Because I want to, you've just met a few days ago but why are you laughing as if you've known each other for a long time." Thyron said.
⠀
"Kasi magaan ang loob namin sa isa't isa." Diretso kong sabi sa kanya.
⠀
"Light-hearted? you just don't want to admit that you like that man. it's obvious that you like each other." Sabi niya na ikinagulat ko.
⠀
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo hahh? Atsaka kung gusto namin ang isa't isa labas kana doon."
⠀
"Damn...so it's true?" Tanong niya sa akin.
⠀
"Ehh ano naman kung totoo? Wala ka ng pakialam doon dahil boss lang kita." Sabi ko at akmang tatanggalin ko na ang seatbelt para lumabas ng nagulat ako ng bigla niyang hampasin ang manibela na ikinatigil ko.
⠀
"Boss? Fuck that word, I don't want to hear that word from you, I don't want you to call me that word!" Galit niyang sabi na ikinapagtaka ko.
⠀
"Bakit totoo naman na boss kita kasi sayo ako nagtatrabaho bilang sekretarya." Sabi ko.
⠀
"Try to say that word again and there might be you don't like what I going to do to you." Pagbabanta niya.
⠀
"Pinagbabantaan mo ba ako hahh? Bakit akala mo matatakot sayo? Boss lang kita kaya 'wag m---." Nagulat ako sa bigla niyang ginawa.
⠀
He kissed me but not aggressively, our lips only touched for five seconds before he pulled his lips away from me.
⠀
Nakatulala ako at hindi makapaniwala sa ginawa niya.
⠀
"I warned you earlier." Sabi niya bago pinaandar ang sasakyan.
⠀
⠀
DAHIL sa nangyari kahapon habang nasa kotse kami ay nahihiya ako at hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Thyron. Siya ang first kiss ko I mean yung naka one night stand ko sa bar pero hindi ko alam kung anong ginagawa ko noon dahil sa sobrang kalasingan.
⠀
Pero yung nangyari kahapon ay iyon ang unang beses na may humalik sa akin na nasa wisyo ako. Oh my gosh nakakahiya.
⠀
Habang nag tatrabaho ako ay hindi ako mapakali dahil nandito si Thyron hindi ko alam pero naiilang talaga ako dahil kanina pa siya tingin tingin dito sa direksiyon ko.
⠀
Hindi ko nanga alam kung tama pa itong ginagawa ko pero mamaya ko na lang ulit aayusin 'pag umalis si Thyron.
⠀
"Prezil" Nataranta ako ng tawagin ako niya ako.
⠀
"Y-yes si-- I mean Thyron, m-may kailangan po kayo?" Nauutal kong sabi.
⠀
'Prezil 'wag kang kabahan.' Sabi ko sa isip ko.
⠀
"I'm sorry for what happened yesterday, I'm just really annoyed because that guy was with you and you two were laughing as if you've known each other for a long time." Sabi niya sabay tingin sa akin.
⠀
"Sorry din kasi nasigawan ko kayo kahapon." Sabi ko at nakayuko.
⠀
"I understand and it's not your fault, you just angry because it's my fault, I annoyed you." He said and walked towards me.
⠀
Kinabahan ako ng lumapit siya sa akin.
⠀
"I'm annoyed because I'm jealous of that man." Sabi niya na ikinagulat ko.
⠀
Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko.
⠀
"And that kiss? I don't regret that." Diretso niyang sabi.
⠀
"Ik--" Sisigawan ko sana siya ng bigla siyang nagsalita ulit.
⠀
"I think I liked you." Sabi niya na mas lalong ikinagulat ko.
