Hawak ko na ang resume ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng Hiawata Company... praying for the good result.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Kinakabahan talaga ako, paano kung hindi ako makapasa sa interview, paano kung hindi ako matanggap, paano kung--.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"My gosh Prezilla think positive." Bulong ko.
Tiningnan ko uli ang brown envelope na hawak ko bago ako pumasok sa building na pag aapplyan ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ms. saan po kayo?" Tanong ng guard at hinarang ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Mag aapply po sana ako, hiring pa po ba?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ah mag aapply ka pala. Oo nag hahanap sila ngayon ng sekretarya sakto kakapasok lang ni boss siya yung mag iinterview."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm matanong ko lang po manong guard saan po ba yung interview?" Tanong ko sa guard at agad niya itong tinuro.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang pang apat na floor.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pag labas ng elevator ay dire-diretso ako at sinundan ang tinuro ni manong guard.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
May nakita akong mga babaeng nagkukumpulan sa gilid kaya lumapit ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm Ms. Matanong ko lang kung dito ba yung interview?" Tanong ko at tumingin sa babaeng naka light blue na dress.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahh oo dito nga mag aapply ka rin?" Tanong nito at tumango ako.
⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ibigay mo doon sa lalaking naka black suit ang resume mo at hintayin mo nalang na tawagin ang pangalan mo." Ani ng isa pang babae.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nag excuse ako sa kanila at pinuntahan ko yung lalaking tinutukoy nila at inabot doon ang hawak kong envelope.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Sinabi nito sakin na hintayin ko nalang daw na tawagin ang pangalan ko kaya pumunta ako sa gilid at umupo sa bakanteng upuan.
⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nag umpisa ng mag tawag ng pangalan, at ayan na naman ang kaba ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Sana talaga ay matanggap ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Mahigit isang oras na akong nag aantay at sa wakas tinawag na rin ang pangalan ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Prezilla Feauth."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Agad akong tumayo at kumatok muna ng tatlong beses bago pinihit ang door knob.
Takte kinakabahan talaga ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkapasok ko ay bumugad sakin ang pamilyar na pabango na iyon.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Siguro nagkataon lang dahil siyempre mayaman toh kaya afford niya ang pabango na iyon.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Sit down." Ani ng baritonong boses.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Lumingon ko at nakita ko ang isang matipunong lalaki at tinitingnan ang aking resume.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Binasa niya ang mga nakalagay sa resume ko bago siya humarap sakin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Natulala ako sa nakita ko.
'Shet may ganito palang tao na nag eexist, para siyang anghel na galing langit at bumaba sa lupa.' Sabi ko sa isip ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
He has a set of perfect eyebrows, hypnotic brown eyes, cherry-red lips, a pointed nose, and a perfect body.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Napabalik ako sa huwisyo ng magsalita siya.
⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Prezilla Feauth back to the earth."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm sorry po sir." Nakayuko kong saad.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Mygosh nakakahiya ka Prezilla.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"By the way, tell me about yourself."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hello sir, I'm Prezilla Feauth. I am a hard worker, passionate, consistent, disciplined, and I can handle stress."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Hindi niya inalis ang tingin sakin at nag tanong ulit.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Why do you apply for this position?"
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Because I am looking for a job. I want to advance my career or should I say my experience in a position that allows me to grow as a person and employee."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"How do you handle stress or pressure?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"I work well under pressure because I prepare for it before it comes. So I try to stay calm as soon as possible and focus on getting the job done. And of course, I prioritize my responsibility so I have a clear idea of what I needed to be done, which helps me to effectively manage pressure." Taas noo kong sagot.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Shet ang gwapo niya talaga. Mukha ba akong makaka-focus sa nga titig ng poging 'to? E, dito pa ako madidistract!
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"So how do you see yourself after 5 to 10 years from now?"
'Siyempre nakikita ko ang sarili ko dito sa kompanya niyo at dala-dala ang apelyido mo, hawak kamay na naglalakad papunta sa iyong opisina.' Ganda ng pangarap ko, 'no? Pero syempre hindi ko sinabi yon kundi na sa isip ko lang. Baka kasi hindi tayo tanggapin.
Tumikhim muna ako bago mag salita.
⠀⠀⠀
"My long-term goals involved growing in a company where I can continue to learn and contribute as much value as I can. So once I gain additional experience I would like to move through the ranks of the job. And of course, I would like to see myself as an expert in my job description."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Okay, you are hired." He said while looking at the laptop.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Haluh thank you po sir." Gulat kong saad.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"We will call you when you can start." He said without looking at me.
Can't he just look at me... again?! Kahit one sec lang, oh. Mahal na ata kita, sir.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"You can leave now." Dagdag niya pa ng nakita niyang hindi parin ako umaalis.
Pina-alis pa nga ako. Pero buti na lang andito na ako sa kompanya niya, araw-araw na kami mag-kikita... araw-araw ko na siya makikita.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ano talandi lang Prezilla??
"Ay sorry po, salamat po ulit sir." Sabi ko at tumayo na para lumabas.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Okey, next." Rinig kong sabi nito bago ako lumabas ng pintuan.
