NAGISING ako kinabukasan na sobrang sakit ng pagitan ng mga hita ko. Kahit na nahihirapan ay dahan dahan akong bumangon at pumuntang cr para umihi. Pagkaihi ko ay ramdam ko ang hapdi sa pagka babae ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Naligo narin ako dahil ramdam ko na naglalagkit ako. Pagkatapos maligo ay sinuot ko ang roba at pumunta sa kabinet para maghanap ng damit, naghanap din ako ng underwear sa sakto sa size ko. Oversize t-shirt at short ang sinuot ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nilabahan ko sa cr ang sinuot ko nung pumunta ako dito dahil ito ang isusuot ko mamaya pag uwi. May mini dryer naman sila dito kaya sure ako na matutuyo din agad ito mamaya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Thyron sa kama na nakaupo at inaayos ang dala niya na pagkain sa maliit na lamesa.
⠀
"Good morning handsome." Bati ko sa kanya, nakangiti siyang tumingin sa akin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Good morning babe, breakfast is ready." Sabi niya ng makalapit ako sa kanya.
⠀
Fried rice, bacon at fried egg ang nakalagay sa lamesa at may orange juice pa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Thankyou" Sabi ko ng ilagay niya sa harap ko ang pinggan at nilagyan niya iyon ng fried rice, bacon at egg.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Inabot niya din sa akin ang kutsara't tinidor at nagsimula na kaming mag agahan. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam siya sa akin saglit na ibababa niya lang sa kusina ang pinag kainan namin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito, nakita kong tumatawag si mama kaya agad ko itong sinagot.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Oh ma hello po, kamusta na kayo diyan nila papa?" Tanong ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ilang linggo narin kasi ang nakakaraan simula ng umuwi sila mama doon sa probinsiya nila papa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
[Etoh ayos lang...ikaw kamusta kana jaan? Nag almusal kana ba?]Tanong ni mama sa kabilang linya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Kakatapos lang ma...si lolo ba kamusta magaling naba?" Tanong ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
[Oo ayun nga oh kasama ng papa mo sa bukirin.]
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma ba't niyo naman hinayaan si lolo na sumama kay papa, kagagaling lang niya hahh." Nag aalala kong tanong ko at pumuntang banyo.
⠀
Nagka trangkaso kasi si lolo, buti nalang ay nandoon sila mama at may mag aalaga na sa kanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
[Hayy naku, alam mo naman 'yang lolo mo hindi mapakali kapag walang ginagawa. Pinagsasabihan nga namin ng papa mo pero angtigas talaga ng ulo.]
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"May pinagmanahan pala si papa." Sabi ko at parehas kaming natawa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Babe, where are you?" Tawag ni Thyron kaya lumabas ako ng cr.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nakita niyang hawak ko ang cellphone ko at nakalagay sa tenga kaya nagtanong siya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Sinong kausap mo?" Tanong niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Si mama." Sabi ko at hinarap sa kanya ang phone ko para makita niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
[Si Thyron ba 'yang kasama mo?] Tanong ni mama sa kabilang linya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahh opo ma." Sabi ko.
⠀
[Buti naman at may kasama ka....'bigay mo nga kay Thyron yung cellphone mo at kakausapin ko siya.] Sabi ni mama at inabot ko kay Thyron ang cellphone ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
