SA mahigit limang buwan na panliligaw sa akin ni Thyron ay naramdaman ko talaga na seryoso siya sa akin.
⠀
Habang nangliligaw siya ay hindi ko kinakalimutan na sekretarya niya ako at ginagawa ko padin ang aking trabaho.Minsan nga ay hindi niya ako inuutusan at pinag tatrabaho sa kompanya pero dahil sa nakakatanggap ako ng sahod gaya ng mga nagtatrabaho dito sa kompanya ay ginagawa ko parin ang trabaho ko bilang sekretarya ni Thyron.
Hindi porket may gusto at nangliligaw siya sa akin ay aabusuhin ko na siya at hindi na magtatrabaho pero makakakuha ng sahod? Unfair naman sa iba na napapagod sa pagtatrabaho para may masahod lang at ako pa easy easy lang? Halerr hindi ako ganon, kahit na mahirap kami ay hindi tinuro sa akin ni mama at papa na mang abuso ar manlamang ng kapwa ko.
"Thyron may sasabihin ako sayo." Sabi ko at lumapit sa table ni Thyron.
⠀
"What is it?" Tanong niya sabay tingin sa akin.
⠀
"Ahm ano kasi..." Sabi ko at kinakabahan.⠀Hindi ko alam kung pano sabihin pero susubukan ko. Balak ko na kasi siyang sagutin, sa limang buwan na pangliligaw niya sa akin ay nahulog na ako sa kanya. Grabe kasi ang mga effort niya sakin at nararamdam ko na seryoso talaga siya. Kaya balak ko na sagutin na siya ngayon.
⠀
"What? Do you have a problem?" Tanong niya at umiling ako.
⠀
"Wala, ahm pano ko ba sasabihin." Sabi ko sabay tawa.⠀"'Wag kang kabahan, sabihin mo sa'kin kung anong gusto mong sabihin....makikinig ako." Diretso niyang pagtatagalog.
"Payag na ako." Mahina kong sabi sa kanya.
⠀
"Payag na?" Nagtataka niyang sabi.
⠀
"Payag na ako na maging girlfriend mo at sinasagot na kita." Sabi ko habang nakapikit.
⠀
Wala akong narinig na ingay at narinig sa kanya kaya minulat ko ang mata ko.
⠀
Pagmulat ko ay nakita ko siyang walang emosyon na nakatingin sa akin na lalong ikinakaba ko.
⠀
"What did you say? Say it again, I think nagkamali ako ng rinig." Sabi niya at tumayo na.
⠀
"Ahm sorry kung hindi mo nagustuhan ang sinabi ko. Ahh sigi Thyron babalik nalang ako sa trabah---." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin na ikinagulat ko.
⠀
"I can't believe it, I promise I'll be a good boyfriend to you." Sabi habang nakayakap parin sa akin.
⠀
"Akala k--""Shh don't continue what you say, hindi kasi ako makapaniwala kaya hindi agad ako nakapag react sa sinabi mo kanina. So don't think about anything." Sabi niya at humiwalay ng yakap sa akin.
⠀
"Thank you" Sabi ko.
⠀
"Don't thank me, I should be the one thanking you because you gave me the opportunity to show you how much I love you." Sabi niya at nginitian ako.
⠀
Ilang linggo na ang nakalipas simula nung sinagot ko siya ay pinaparamdam niya talaga sa akin kung gaano niya ako ka gusto. Kahit na kami na ay binibigyan niya parin ako ng bulaklak paminsan minsan at kahit na kami na ay ginagawa niya parin ang mga ginagawa niya noong nangliligaw pa siya sa akin kaya napakaswerte ko talaga sa kanya. Bukod sa gwapo na ay sweet at napaka bait pa.
⠀
"Prezil, babe why are you smiling?" Tanong niya.
⠀
"Wala may iniisip lang." Sabi ko at lumingon sa kanya."Kasama ba ako sa iniisip ng girlfriend ko? Tanong niya.
"Yes naman, oo, of course." Sabi ko at nginitian siya.
⠀
Ngumiti siya pabalik sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit.
⠀
"Ano ba hindi ako makahinga." Sabi at tumawa siya bago humiwalay ng yakap sa akin.
⠀
Napatayo ako bigla ng may kumatok.
⠀
Muntikan ko ng makalimutan na nasa opisina pala kami.
⠀
Hindi naman sikreto ang relasyon namin pero ayoko ko lang na may makakita sa amin ni Thyron na sobrang magkadikit sa oras ng trabaho at baka kung ano pa ang sabihin nila na kesyo kaya ko lang siya sinagot para magpa easy easy sa trabaho.
⠀
"Hi Thyron." Bati ni Angelica pagkapasok niya.
⠀
"Ohh hi Angelica, why are you here?" Tanong ni Thyron sa kanya.
⠀
"May sasabihin sana ako about sa project niyo ni daddy." Sabi niya at tumingin muna sa akin bago lumapit kay Thyron.
⠀
"Prezil usap muna kami." Sabi ni Thyron at humarap sa akin.
⠀
"Ohh sigi lang." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
⠀
"Bakit kailangan pang magpaalam eh sekretarya lang naman." Rinig kong bulong ni Angelica at hindi ata narinig ni Thyron dahil may nag text sa kanya.
⠀
Nginitian ako ni Angelica sabay irap sa akin.
⠀
'Dukutin ko 'yang mata mo makita mo.' Sabi ko sa isip ko at bumalik na sa table ko.
⠀
"Why didn't your dad come here to talk to me?"
⠀
"Because he is busy now and he asked me to talk to you about the project."
⠀
Rinig komg usapan nila kasi dito lang naman sila sa loob ng opisina nag uusap.
⠀
Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik na ako sa trabaho ko.
⠀
"Bakit hindi tayo lumabas minsan?" Rinig kong sabi ni Angelica kaya napatingin ako sa direksiyon nila.
⠀
'Kita kong hinawakan ni Angelica ang braso nito.
⠀
"No" Diretsong sabi ni Thyron na ikinangiti ko.
⠀
"Please....." Nagmamaka awang sabi ni Angelica at niyakap na ang braso nito.'Nang gigigil talaga ako sa babaeng 'yan kala mo linta at ahas kung makadikit at makapulupot.' Sabi ko sa isip ko.
⠀
"Stop what you're doing, I know you're flirting with me, but if your father wants to say something, tell him to come here in the office, I want him to talk to himself hindi yung iuutos niya pa sa iba." Diretsong sabi ni Thyron.
⠀
"Per---"
⠀
"No but's and lastly stop flirting with me because I have a girlfriend." Sabi ni Thyron na ikinagulat ni Angelica at siyempre ikinagulat ko din kasi hindi ko inaakalang sasabihin niya iyon sa harap ni Angelica.
⠀
"And I love her very much." Dagdag pa nito.
⠀
"Who is your girlfriend?" Nakakunot na tanong ni Angelica."I don't need to tell you more and if wala ka ng sasabihin pa ay pupwede ka ng lumabas." Sabi ni Thyron at tinuro ang pintuan.
"Argh!" Inis na sabi ni Angelica at nagdadabog siyang lumabas ng pintuan.