CHAPTER 4

1.6K 51 6
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin ako tinatawagan para magsimula ng magtrabaho doon sa Hiawata.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nakalagay naman doon ang number ko, sinabi rin naman sakin na tanggap na daw ako pero hintayin ko raw na tawagan nila ako para makapag simula na.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Tatlong araw na ohh wala parin." Iritang bulong ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Tumabingi ako ng higa at nag open nalang ng facebook.

Daming issue this year. Kailan kaya matatapos 'to? Mapa bata o matanda, wala na ring ginawang maganda. Hays, hindi matutuwa si papa rito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Napatigil ako sa pag iiscroll nang biglang msy tumawag, hindi ko alam kung sino dahil number lang kasi ang nakalagay. Umayos ako ng upo.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ay baka etoh na iyon." Bulong ko at sinagot ang tawag.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm hello po sino po sila?" Tanong ko pero sa loob loob ko ay alam ko at nararamdaman ko na ito na ang hinihintay kong tawag.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hello, si Ms. Prizilla Feauth po ba ito?" Tanong ng babae sa kabilang linya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm yes po si Prezilla ito bakit po, sino po ito?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hello I'm Ms. Dalia from Hiawata Company. Gusto ko lang sabihin na pwede na po kayong mag start bukas."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm sigi po thankyou po." Sabi ko at mahigpit na hinawakan ang aking cellphone.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Before six dapat nandito ka na, magtanong ka na lang sa guard kung nasaan ako at ituturo niya iyon sayo."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ms Dalia po right?" Tanong ko at umuoo ito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nagpaalam at nagpasalamat ako bago ko i end ang call.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Owemji...... Wahhh mag iistart nako bukas!" Mahina kong tili at nagpagulong gulong sa kama.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Sa wakas makakapag trabaho na ako sa pangarap kong kompanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Because of the excitement I fell asleep at two o'clock, kaya ang ending sa unang araw ko sa trabaho ay puyat ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Five forty palang ay nandito na ako sa building na pagtatrabahuan ko. Bago pumasok sa entrance ay nag tanong ako sa guard kung saan ang office ni Ms. Dalia at tinuro niya naman sa akin.⠀           
 
Sinundan ko ang tinuro ng guard at ng makarating ay kumatok ako ng tatlong beses.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Pasok" Ani ng tao sa loob.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Agad kong pinihit ang door knob, pag bukas ng pintuan ay pumasok na ako at pagka pasok ko ay dahan dahan kong sinara ang pintuan.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Yes?" Tanong ng babae at tumingin sa akin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm d-dito po kasi ako tinuro ng guard, kayo po ba si ms. Dalia?" Kinakabahan kong tanong, mukha kasi siyang masungit.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ako nga, anong kailangan mo?"

Para naman niya akong kakainin!
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahhm I'm Prezilla Feauth, ah eh ako po yung tinawagan n-niyo po kagabi." Sabi ko, shet bat ba ako nauutal?!
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahh, so you are Prizilla Feauth?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Kakasabi ko nga lang eh.' Sabi ko sa isip ko.

"Opo ako nga po."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Okey, let's go sundan mo ako." Ani niya saka tumayo at lumabas ng pintuan. Gaya ng sabi niya ay sinundan ko ito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pumunta kami ng elevator at pinindot niya ang 25th floor button.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Habang umaakyat pataas ang elevator ay tahimik lang ako at tinitingnan kung nasaang floor na kami. Naputol lang ang katahimikan nang magsalita si Ms. Dalia.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Secretary ka ni sir Thyron, siya ang CEO at ang nag mamay ari ng kompanyang ito." Napalingon ako sa kanya nang mag salita ito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Sure ako na nakita mo na iyon dahil siya yung nag interview sa inyo." Dagdag pa niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Tumango ako sa sinabi niya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Unang araw mo ngayon sa trabaho kaya ayusin mo. Ayaw ni sir ng laging late, babagal-bagal at malamya kumilos." Mahina niyang sabi.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Noted po Ms. Dalia." Sabi ko at nginitian siya, ngumiti din siya pabalik sakin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nagka kwentuhan kami ni Ms. Dalia tungkol sa trabaho.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Mabait naman pala kala ko kasi kanina napaka sungit.' Sabi ko sa isip ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nawala ang tingin ko kay Ms. Dalia nang tumunog ang elevator at bumukas ito hudyat na na sa 25th floor na kami.

Pag bukas ng elevator ay naglakad na si Ms. Dalia. Na sa likod niya lang ako hanggang sa nakarating kami sa tapat ng pintuan na may nakasulat na 'CEO'.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Lumingon lingon ako sa paligid at napansin kong iisa lang ang pintuan dito sa 25th floor. Siguro siyempre CEO siguro ayaw niya ng maingay. Hindi ba siya nalulungkot dahil siyempre siya lang mag isa sa floor na toh at napaka tahimik pa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nagulat ako ng may kumulbit sa akin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ano, hindi ka pa ba papasok?" Tanong ni Ms. Dalia at tinuro ang loob.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ayy sorry po hehe." Paumanhin ko at pumasok na sa loob.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagpasok namin sa malaking opisina ay bumungad sa akin ang napakabangong amoy ng Dior Sauvage. Napaka bango talaga ng pabango na iyon.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Napatigil ako sa pagsinghot ng may tumikhim. Napatingin ako dito at nakita ko yung nag interview sakin nung nakaraan at si Ms. Dalia na nakatingin sa akin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Shet nakakahiya ka Prezilla, siguro mukha na akong tanga na singhot ng singhot kanina.
  ⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ayy sorry po sir, Ms. Dalia." Paghingi ko ng paumanhin, ba't kasi nakaka adik ang pabangong iyon.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pinakilala ako ni Ms. Dalia bilang bagong sekretarya at kahit na kilala ko na ay pinakilala parin sa'kin ni Ms. Dalia kung sino at kung ano ang ginagampanan ng kaharap namin ngayon.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagka alis ni Ms. Dalia ay tinuro ng aking boss sa akin kung saan ang pwesto ko at kung ano ang ginagawa ng isang sekretarya. Kahit na alam ko na dahil sinabi sa akin ni Ms. Dalia kanina sa elevator ay nakinig parin ako sa sinabi ni sir.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"While I'm waiting for the papers I'm going to read to you. For now, make me a cup of coffee no creamy and no sugar just black coffee." He said while looking at his laptop.

'Haluh saan ba dito yung timplahan nung mga kape? Ahh baka nasa labas or nasa baba, magtatanong nalang ako sa ibang empleyado dito.' Sabi ko sa isip ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Noted sir." Sabi ko at akmang bubuksan na ang pintuan ng magsalita ulit si sir Thyron.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hey woman where are you going?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Titimplahan po kayo ng kape?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Tsk, the coffees are there." He said and pointed to the other side of the office.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahh nandon po ba, hehe sorry naman hindi ko alam." Mahina kong ani.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pinuntahan ko ang tinuro ng boss ko at pagdating ko doon ay may nakita akong mga containers na may mga nakasulat kung ano ang mga nakalagay doon at sa gilid non ay may coffee maker.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Kinuha at nilagyan ko ng kalahating tubig ang coffee maker, kinuha ko rin ang container na may nakasulat na coffee at naglagay sa coffee filter ng anim na scoop ng kape pagkatapos ay pinindot ko ang on button.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Habang nag hihintay ay nilibot ko ang paningin ko. Ang galing ng office na ito may sarili ng lababo at cr, may nakita din akong isa pang pintuan.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Para saan kaya iyon?' Sabi ko sa isip ko. Hindi ko nalang ito pinansin at bumalik uli ang tingin sa coffee maker.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nang alam kong okey na ay kumuha ako ng tasa at sinalingan ko ito ng kape, kumuha din ako ng isa pang tasa para sakin at nilagyan ko din ito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Naglakad na ako at dahan dahang nilagay ang kape sa lamesa ni sir. Umalis ako at umupo sa pwesto ko at pinatong ang kape sa lamesa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Binalik ko ang tingin ko kay sir Thyron at nakita ko itong sumisimsim ng kape. Hindi naman medyo kalayuan ang lamesa ko sa kanya dahil tatlong metro lang ang pagitan nito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Napaiwas ako ng tingin ng lumingon ito sa gawi ko, kinuha ko ang kape ko at hinigop ito. Paghigop ko ay muntik ko ng matapon ang kape dahil grabe sobrang paet.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ngayon ko lang naalala na puro pala itong kape ko at nakalimutan kong lagyan ng creamy white.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Is there any problem?" Tanong ni sir.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm nothing sir." Sabi ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa kung nasaan ang creamy white at naglagay ako ng apat na scoop. Kumuha ako ng kutsara at hinalo ito ng natikman kong okey na ay bumalik na ako sa pwesto ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Grabe paano niya iyon nakakaya? Grabe ang paet sobra, siguro pag naubos ko yung ganoong kapaet na kape naku sure na sasakit ang ulo ko doon.

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon