THIS day was tiring because we went to four meetings and the worst part was different buildings. I can also feel Sir Thyron's tiredness because earlier while traveling, I was looking at him and he was closing his eyes, luckily we had his personal driver with us so he was the one driving. When we were near to Hiawata company I woke him up.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Sir malapit na po tayo." I said and patted his shoulder.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
He opened his eyes for a moment and closed them again. His very tired,
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ikaw ba namang nagtrabaho ng twenty-one hours at tatlong oras lang ang tulog tapos kinabukasan ay may pinuntahan ka pang meeting hindi ka ba makakaramdam ng pagod??
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
In the past few days, sir has been taking care of the failed project of Mr. Chin. Kapag hindi kasi naging successful yung project na iyon ay malaking pera ang mawawala kaya inaasikaso ni sir ang aberya.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pag dating sa parking lot ay dumilat na si sir, lumabas kami ng sasakyan at pumunta sa elevator. Pinindot ko ang button na may nakasulat na 25. Habang dahan dahan na umaakyat ang elevator ay wala sa amin na nagtatangkang mag salita dahil narin sa pagod.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pag bukas ng elevator ay naunang maglakad si sir at sumunod ako sa kanya papuntang office. Pagpasok namin sa opisina ay agad na hinubad ni sir ang coat niya at pinatong ito sa sofa. Pagka patong ay agad siyang nag lakad papunta sa pintuan kung saan ay mayroong kwarto. Pagkapasok niya ay hindi na ito lumabas siguro ay nakatulog na dahil narin sa pagod.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Kahit na pagod na ay tinapos ko ang mga file na hindi ko pa nagagawa. Pag patak ng ala siyete ng gabi ay inilagay ko na sa drawer ang mga file na nasa lamesa ko at nag unat-unat. Nagsulat muna ako sa sticky note at idinikit ito sa lamesa ni sir Thyron para kapag nagising si sir at hinanap niya ako as if naman ay hahanapin ay alam niya na nakauwi na ako.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Kinabukasan pagpasok ko ay nadatnan ko si sir na may kausap lumingon siya sa akin.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Good morning sir." Bulong kong bati sa kanya at tumango lang ito.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Thank you so much Mr. Kim." Sabi niya at ibinaba na ang cellphone sa lamesa niya. Pagkababa niya ng cellphone ay tinawag niya ako.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Prezil" Tawag nito sa akin.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Yes sir?" Tanong ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"I have a business trip today in Baguio and I want you to come with me." Sabi nito na ikinagulat ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"As in ngayon sir?" Pag tatanong ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"You heard what I said, right?" Sabi ni sir at lumapit sa akin.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"P-pero sir bakit ngayon agad pwede naman bukas atsaka sir hindi pa ako nakakapag paalam kila mama." Sabi ko at tumayo.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Don't complain and just get ready and follow me because the chopper is already on the rooftop." Sabi niya at naglakad na palabas ng opisina kaya sinundan ko nalang siya gaya ng sabi niya wala naman akong magagawa.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagdating namin sa rooftop ay gaya nga ng sabi ni sir ay nandito na nga ang chopper. Unang sumakay si sir at tinulungan niya akong makasakay, pagka upo ko ay bigla akong nanglamig ba naman kasi sa tanan ng buhay ko ay first time kong sumakay sa helicopter.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nagulat ako at bigla akong kinabahan ng biglang lumapit sa akin si sir kala ko ay hahalikan niya ako pero yun pala ay ikakabit niya lang pala ang seatbelt ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Maya maya lang ay naramdaman kong umaangat na chopper kaya mahigpit akong humawak sa inuupuan ko, pinigilan ko ding huminga dahil natatakot ako. Paano kung tumigil sa pag ikot yung malaking elesi na nasa taas, paano kung bumagsak tong helicopter at paano ku--.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nawala ako sa pag iisip ng may humawak sa kamay ko. Pag tingin ko si sir Thyron pala ang may hawak ng kamay ko at pinisil ito.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Shh, just calm down I'm here I won't leave you." Sabi ni sir at ngumiti na ikinawala ng kaba ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Thank you sir Thyron, nawala yung kaba ko." Sabi ko at nginitian siya pabalik.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Damn, cut the word sir. Just Thyron." He said while looking at me.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Okey po si--." Pinutol niya ang sasabihin ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Just as I said earlier cut the word, sir."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ayy hehe sorry po si-- I mean Thyron." Sabi ko at kakamot kamot sa ulo.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nginitian niya ako na ikinakabog ng dibdib ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Bat naman kasi ang gwapo niya lalo na kapag ngumingiti.' Sabi ko sa isip ko at nag iwas ng tingin at tumingin sa bintana.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Agad akong nagsisi dahil sa ginawa ko dahil nakakalula kaya napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Thyron.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Is there any problem?" Tanong ni Thyron.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm wala po sir nalula lang ako pagtingin ko sa bintana." Sabi ko at kahit na kinakabahan at nakakatakot ay tumingin parin ako sa baba.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"My gosh, ang ganda." Bulong ko kahit na natatakot ay patuloy parin akong tumitingin sa bintana. Maya maya ay naisipan kong kunin ang cellphone ko sa bag ko at pinindot ang camera.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Aba sayang naman kung hindi ko makukuhanan ang ganda ng himpapawid. Naka ilang picture ako sa mga ulap at sa mga nakikita kong maliliit tanawin sa ibaba, at siyempre hindi mawawala yung picture ko kaya nag selfie ako. Sa sobrang aliw ko sa pag pipicture ay hindi ko napansin na nakuhaan ko ng picture si Thyron.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos kong mag picture ay pumunta ako sa gallery at tiningnan ang mga kuha ko. Nagulat ako ng makita ko si sir na naka wacky katulad ko, zinoom ko ito. Bakit naman kasi ang gwapo.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"I know I'm very handsome so don't zoom in and stare at my photo." Sabi ni sir na ikinapula ng pisngi ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Naku ka teh nakakahiya ka.' Sabi ko sa isip ko, pinatay ko ang cellphone ko at inilagay na ito sa bag ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Are you blushing? Why did you hide your cell phone? don't you want to take a picture?" Thyron asked one after another.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Tama na iyon ang dami ko ng mga kuha." Sabi ko at nakatingin sa bintana.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Prezilla nakakahiya ka.' Sabi ko sa isip ko at tumingin nalang sa himpapawid at baka kung ano pang magawa at masabi ko, baka masabunutan ko pa ang sarili ko edi masabihan pa akong nababaliw na.