CHAPTER 8

2.1K 56 2
                                        

"ARE you done with your lunch? Isn't it too early to be back here in the office? Didn't enjoy the food? Sunod sunod na tanong ni sir Thyron.

"Ah no sir, meron pa kasi akong papeles na hindi ko pa natatapos basahin na kailangan niyo po mamaya sa meeting." Pag sisinungaling ko kahit na ang totoo ay tapos ko na itong basahin.

Tumango lang siya at bumalik na ulit ang tingin sa mga pinipirmahan niyang papeles.

Ang totoo kasi niyan ay nakita ko ang lola ni sir Thyron malapit sa canteen na may kausap. Ayaw ko namang makita niya ako at magkasalubong ang tingin namin kaya kahit na hindi pa ako tapos na kumain ay umakyat na ako dito.

Nahihiya kasi akong makaharap siya dahil sa nangyari nung nakaraang linggo. Nalaman niya na nagpapanggap lang ako na girlfriend ako ni sir Thyron.
⠀⠀
'Hayst, sana hindi siya umakyat dito.' Sabi ko sa isip ko.
⠀⠀
"Prezil" Tawag sa akin ni sir Thyron. Sanay na ako na laging Prezil ang tawag niya sa akin.
⠀⠀
"Yes sir?" Agad kong saad.
⠀⠀
"The meeting with Mr. Navarro, what time is it again?"
⠀⠀
"Ahm ala una sir, after lunch."
⠀⠀
"Thanks, by the way I'll go now it's already twelve fifty." Sabi ni sir Thyron habang nakatingin sa kanyang relo bago lumabas ng opisina.
⠀⠀
Pagkaalis ni sir ay tumunganga nalang ako dahil tapos ko nang gawin ang kailangan kong basahin at mga kailangan kong ayusin ngayong araw.
⠀⠀
Habang naka pangalumbaba ay nakarinig ako ng tatlong katok at pag bukas ng pinto na ikinalingon ko. Agad akong tumayo at tiningnan kung sino ito, bigla akong kinabahan ng makita kung sino ito.
⠀⠀
"Wala po dito si sir Thyron." Nakayuko kong saad.
⠀⠀
"I know, nakasalubong ko siya kanina at may meeting siya kay Mr. Navarro." Sabi niya at umupo sa sofa.
⠀⠀
"Ahm...may gusto po kayo? Coffee? Juice?" Sunod sunod na tanong ko.
⠀⠀
"Just water." Pagkasabi niya ay agad akong kumuha ng plastic bottle sa ref at binigay ito sa kanya.
⠀⠀
"May kailangan pa po kayo?" Sabi ko ng hindi makatingin sa kanya ng diretso.
⠀⠀
"Wala na." Sabi niya at binuksan ang plastic bottle at saka uminom bago muling nag salita.
⠀⠀
"Kaya ako pumunta dito para makita ang apo ko at maka usap ka." Sabi niya na ikinagulat ko.
⠀⠀
"Ma'am kung ang gusto niyo pong pag usapan ay yung nag nagpanggap po ako na girlfriend ni sir Thyron. Naku ma'am sorry po ulit promise po hindi na po mauulit at please po huwag niyo po sana akong tanggalin sa trabaho." Taranta kong sabi at lumuhod sa harap niya.
⠀⠀
"Tumayo ka nga diyan at baka anong sabihin ng apo ko kapag nakita kang nakaluhod diyan." Sabi niya at inaya akong tumayo.
⠀⠀
Pagkatayo ko ay muli itong nagsalita ulit.
⠀⠀
"Kung gusto man kitang sesantihin sa trabaho ay hindi ko magagawa dahil ang apo ko ang magdedesisyon dahil sa kanya itong kompanya at hindi sa akin. Ang gusto kong pag usapan natin ay yung nangyari doon sa mansiyon, gusto ko sanang humingi ng tawad dahil nasabihan kita ng masasakit na salita." Mahaba niyang linya na ikina gulat ko.
⠀⠀
"N-naku okey lang po yon atsaka kasalanan ko rin naman po 'yon dahil pumayag po ako na mag panggap atsaka nag sinungaling din po ako. " Nakayuko kong sabi.
⠀⠀
"Hindi lang ikaw ang nagsinungaling pati din ang apo ko, kaya huwag mong isipin na ikaw lang ang may kasalanan atsaka kalimutan na natin ang nangyari basta mangako ka sakin na hindi mo na ako pag sisinungalingan." Sabi niya na ikina angat ng tingin ko sa kanya.
⠀⠀
"S-sigi po, nangangako po ako." Sabi ko sabay taas ng kaliwang kamay. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
⠀⠀
"Alam mo Prezilla ang ganda ganda mo talaga." Sabi niya sabay bitaw ng yakap sa akin.

"H-hndi naman po." Nahihiya kong sabi.
⠀⠀
"Punta ka minsan sa mansiyon para ng makapag kwentuhan tayo." Sabi niya sabay yaya sa aking umupo sa sofa.
⠀⠀
"Nakakahiya naman po, kailan lang naman po tayo nagkakilala at hindi pa po maganda ang una nating pagkikiya tapos hindi niyo pa po ako masyadong kilala. Baka ano pong sabihin nila. Nakakahiya po."
⠀⠀
"Kaya nga diba magkekwentuhan tayo, atsaka subukan ka lang nilang pag kwentuhan lagot sila sakin."
⠀⠀
"Pero nakakahiya po talaga."
⠀⠀
"Wag ka nang mahiya, isipin mo nalang na lola mo ako at ang iisipin ko naman ay apo kita. Alam mo ba na isa lang ang apo kong babae at nandon pa sa ibang bansa kaya sabik na sabik talaga ako na magkaroon ng apong babae." Pag kikwento niya.
⠀⠀
"S-sigi po." Mahina kong ani.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀
Isang oras kaming nagkwentuhan ni lola Imelda bago siya nag paalam sa akin na aalis na siya kasi meron siyang kikitain na kakilala.
⠀⠀
"Oh sigi na Prezilla mauuna na ako." Pag papaalam niya.
⠀⠀
"Sigi po, mag iingat po kayo."

"Sana sa susunod maka dalaw ka sa mansiyon ng makapag kwentuhan ulit tayo, oh siya sigi na aalis na ako."
⠀⠀
"Sana nga po, sigi po babye mag iingat po kayo." Sabi ko at kumaway sa kanya.
⠀⠀
Nahihiya nga ako dahil sa nang yari ng nakaraang linggo, akala ko talaga pagagalitan niya ako pero hindi pala.
⠀⠀
Pagka alis niya ay saka namang pag dating ni sir Thyron.
⠀⠀
"I thought grandma had left a while ago." Mahinang ani ni sir pero maririnig mo parin.
⠀⠀
"Did she wait for me? She didn't tell me, I thought grandma just going to get something here in the office. Is she bored waiting for me?" Tanong ni sir Thyron.
⠀⠀
"Ahh hindi po sir, nagkwentuhan naman kami kanina kaya sure ako na hindi siya na boring. Alam niyo sir ang saya niya kaninang kasama, mahilig din pala siyang mag biro." Masaya kong ani, napatigil ako sa pag ngiti ng napansin ko na kanina pa ito naka titig sa akin.

"Sir, may problema ba? May dumi ba ako sa mukha? San ba banda?" Sunod sunod kong tanong.
⠀⠀
"Tss, your so cute." Mahinang sabi ni sir na hindi ko narinig pero mas ikinamangha ko ng nakita ko siyang tumawa at ngumiti.
⠀⠀
"Haluhh sir ang gwapo niyo, pwede bang tumawa ulit kayo?" Sabi ko sabay lapit sa kanya. Lumayo naman ito sa akin ng kaonti bago uliy siya mag salita.
⠀⠀
"Tsk, back to work." Sabi niya at naglakad na papunta sa table niya.
⠀⠀
"Sungit" Mahina kong ani at bumalik na rin sa lamesa ko at nagsimula ng magtrabaho.

⠀⠀
⠀⠀

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon