CHAPTER 31

896 15 0
                                    

NGAYONG araw ko ieenroll si Aethan sa isa sa mga private na school dito sa Manila.

Gusto ni mama na sa Leyte nalang raw mag aral si Aethan. Ang sabi ko kay mama ay dito nalang sa Manila para araw araw kong kasama ang anak ko. Ayoko na kasing iwan siya doon sa Leyte tapos ako nandito sa Manila.

Kahit na hindi sabihin sa akin ni Aethan pero alam kong gusto niya sumama sa akin dito sa Manila. Kasi sa tuwing iniiwan ko siya doon sa Leyte ay pinipigilan niya lang mag salita at dinadaan niya nalang sa iyak kapag umaalis ako.

Sinasabi niya sa akin na huwag ko daw siyang iiwan dahil mamimiss niya ako. Nag aalala ako sa kanya dahil hindi niya pa nga nakakasama ang daddy niya ay ako naman itong lagi siyang iniiwan. Ayaw ko ring lumayo ang loob niya sa akin dahil lagi akong wala sa tabi niya at sila mama, papa at lolo ang lagi niyang kasama.

Kaya gusto kong dito siya mag aral ay bukod sa gusto ko siyang araw araw na makita at makasama ay gusto kong bumawi sa kanya dahil sa mga araw, linggo at buwan ko siyang hindi nakakasama. Bihira lang kasi akong umuwi sa Leyte dahil minsan ay busy ako sa Coffee shop at kailangan rin ako doon.

Gusto kong narito si Aethan sa Manila kasama ko para ang anak ko na ang pag kakaabalahan ko bukod na sa shop ko.

"Mommy" Napabalik ako sa wisyo ng tapikin ako ng anak ko.

"Bakit?" Tanong ko at napalingon sa kanya.

"Kanina pa ako nag kikwento sa iyo, hindi mo po pala ako pinapakinggan." Nakanguso niyang sabi.

"Anong bang kinikwento ng anak ko?" Tanong ko.

"Ayoko ng sabihin, hindi ka naman nakikinig sa akin." Sabi niya at lumayo sa akin ng kaonti.

"Naku naman, nagtatampo ang gwapo kong anak." Sabi ko at lumapit sa kanya. "Sorry na, may iniisip lang.... Oo nga pala, ano bang sinasabi mo sa akin? Promise makikinig na ako." Sabi ko sa kanya.

"Sabi ko po kanina, I think I saw daddy, my real daddy right there." Sabi niya sabay turo sa parking lot.

Nakakunot akong tumingin sa kanya.

"Siguro namalikmata ka lang, ano namang ginagawa ni Thyron dito sa school?" Taka kong tanong.

"Siguro nga namalikmata po ako mommy, kasi diba po ang sabi niyo po nasa malayong lugar si daddy." Sabi niya at tumango naman ako.⠀

Siguro dahil sa lagi niyang binabanggit sa akin na gusto niya raw makita ang ama niya kaya nakikita niya si Thyron kung saan saan.

"PUNTA lang akong comfort room." Sabi ni Jamaica kaya tumango ako.

Nandito kami ngayon sa loob ng Jollibee dahil gusto ni Aethan kumain ng Jollibee. Habang nag aantay ng inorder namin ay nagtitingin tingin ako sa mga dumadaan sa labas ng Jollibee.

Napansin ko na parang may nakatingin sa akin kung saan kaya hinagilap ko ng mga mata ko. Napadako ang mata ko banda doon malapit sa may escalator. Nagulat ako dahil nakita ko doon ang taong hindi ko inaasahang makita.

"Thyron?" Mahina kong bigkas sa pangalan niya.

Nakatingin siya sa gawi namin. Nawalang tingin ko sa kanya ng dumating si Carl.

"Daddy!" Sabi ni Aethan at niyakap si Carl.

"Kanina pa ba kayo?" Tanong niya at umiling ako.

"Kakarating lang din namin, pero umorder na kami. Hinihintay nalang namin na dalhin dito." Sabi ko at tumango tango naman.

"Nasaan ng pala si Jamaica?" Tanong niya.

"Nasa comfort room." Sabi ko at umupo siya sa harap na upuan namin ni Aethan.⠀

Napabalik ulit ang tingin ko banda doon sa escalator pero hindi ko na siya nakita doon. Hinagilap ng mga mata ko siya sa paligid pero hindi ko siya makita, tumingin ulit ako kung saan ko siya nakita kanina.

Siguro ay namalikmata lang ako.

"Anong tinitingnan mo?" Tanong niya at tumingin rin banda doon sa gawi ng tinitingnan ko. "May hinahanap ka ba?"

"Para kasing may nakita ako na kakilala ko." Sabi ko.

"Sino?" Tanong niya naman.

"Siguro namalikmata lang ako." Sabi ko at hindi pinansin ang tanong niya.

"Mommy, I'm hungry na." Sabi ni Aethan kaya napatingin ako sa kanya.

"Hintay lang saglit at maya maya ay nandito na ang order natin." Sabi ko sa kanya.

"Mahal, nandito kana pala. Tatawagan sana kita." Sabi ni Jamaica at hinalikan si Carl sa labi pagkatapos ay umupo sa tabi nito at may pinag usapan sila tungkol sa nalalapit nilang kasal.

Maya maya lang ay dumating na ang order namin.

"Thank you." Sabi ko sa waiter at tumango naman ito bago umalis.

Binigay ko kay Aethan ang Jolly spaghetti, yung may kasama ng chicken at saming tatlo naman nila Jamaica ay burger steak at isang spicy chickenjoy bucket.

Sa totoo lang, ang sarap kaya kumain nang maaanghang, para kasi sa akin masarap kumain ng maaanghang na pagkain dahil may thrill.

Habang kumakain ay naalala ko na wala nga pala akong naorder na sundae, nagpaalam ako sa kanila na may nakalimutan akong orderin. Sabi ni Aethan ay gusto niya raw ng fries at burger kaya umorder ako ng apat na fries, isang yum burger, apat na sundae, at tatlong peach mango pie.

Pagkatapos kong umorder ay binayaran ko na ito.

Pagka bayad ay bumalik na ako satable namin at nag simula na ulit kumain. Maya maya lang ay dumating na order kaya binigay ko na ang isang fries, yum burger at sundae kay Aethan.

Sa aming tatlo naman ang tig iisang fries, peach mango pie at sundae. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kaming Tom's world para makapag enjoy si Aethan sa paglalaro.

Pagkalabas ng mall ay nagkahiwalay na kami nila Jamaica dahil uuwi na kami ni Aethan kasi. Sila Carl naman ay may dadaanan pa.

Gabi na kami ng makauwi sa condo. Pagod na pagod si Aethan, pagkauwi namin ay sumalampak agad siya sa kama at natulog na hindi ko tuloy siya nalinisan at napalitan ng damit. Baka kasi magising, tinanggal ko nalang ang medyas niya at sapatos.

Inayos ko siya ng higa, pinatay ko ang ilaw bago lumabas ng kwarto niya at pumunta na ako sa kwarto ko.

Nag half bath muna ako at pagkatapos ay natulog na.

⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon