NANDITO kami ngayon ni Aethan sa mall, wala kasi siyang pasok kaya napagpasyahan kong igala ko siya para rin makapag bonding kaming mag ina.
"Mommy, I want spaghetti." Sabi ni Aethan sabay turo sa Jollibee na nasa harap namin.
"Oh sigi." Sabi ko at pumasok na kami.
Naghanap muna kami ng available table at pumunta na doon.
"Diyan kana muna Aethan hah, oorder lang ako." Sabi ko at tumango naman siya.
Iniwan ko muna ang cellphone ko sa kanya, para hindi siya ma bored sa paghihintay sa akin at siyempre sa order namin.
Pumila ako at pagdating ko sa unahan ay umorder ako ng isang Jolly spaghetti, isang burger steak at dalawang fries. May kasama na naman iyong drinks pero nagpakuha narin ako ng tubig para kay Aethan.
Pagka order ay nagbayad na ako at pumunta na kay Aethan.
"Mommy, may tumawag po kanina." Sabi sa akin ni Aethan pagkaupo ko sa tabi niya.
"Sino?" Tanong ko.
"Hindi ko po alam, nag hehello po ako kanina pero hindi po siya sumasagot kaya pinatay ko nalang po ang tawag." Sabi niya.
"Patingin nga." Sabi ko at inabot niya sa akin ang cellphone.
Tiningnan ko ang contacts at nakita ko number lang ang nakalagay, hindi rin naka register ang number sa phone ko kaya hindi ko nalang pinansin. Baka kasi nagkamali lang iyon ng number na tinawagan.
Maya maya lang ay dumating narin ang order namin.
Pagkatapos naming kumain ay nag ikot ikot muna kami sa loob ng mall.
Pumasok kami sa jewerly store, gusto ko kasing bilhan ng kwintas si Aethan.
Nang makapili na ay binili ko iyon at isinuot na sa kanya.
Paglabas namin sa shop na iyon ay hindi ko inaasahan na may makabungguan kami, hindi ko napansin kasi tumawag si Jamaica.
"Sorry" Sabi ko.
"It's okey." Sabi ng boses babae, parang pamilyar kasi ang boses na iyon.
Parang narinig ko na kung saan, hindi ko lang matandaan.
Pagharap ko ay nagulat ako ng makita ko kung sino ang babae.
"Tita" Mahina kong ani sa babae.
"Ikaw pala iyan Prezilla." Sabi ng mommy ni Thyron. "Matagal na simula ng magkita tayo."
"Oo nga po." Nahihiya kong sabi.
"Kamusta kana iha." Sabi niya at gumilid kami dahil nakaharang kami sa daanan.
"Ayos naman po...kayo po tita, kamusta naman po kayo?" Tanong ko.
"Mabuti rin naman." Sabi niya at pinagkatitigan ako. "Lalo kang gumaganda hah."
"Naku hindi naman po." Nahihiya kong sabi.
"Mommy, punta ulit tayong Tom's world." Sabi ni Thyron.
Nakalimutan kong kasama ko pala ang ang anak ko, paano kapag nalaman ni tita na anak ni Thyron itong si Aethan.
Hindi kasi magkakalayo ang mukha ni Aethan sa ama niyang si Thyron. Kuhang kuha niya talaga ang mukha ng ama niya.
"Anak mo?" Tanong niya at tumango ako.
"Sigi po tita, maiwan napo namin kayo." Sabi ko at nagmamadaling maglakad.
"Sandali lang." Sabi niya at humabol sa amin.
Kunwari hindi ko siya naririnig at nag tuloy tuloy lang sa paglalakad.
"Mommy wait lang po, hinihingal po ako. Ang bilis po nating maglakad." Sabi ni Aethan kaya huminto ako sa paglalakad.
Tumigil muna kami sa paglalakad, nakalayo na naman kami at siguro ay hindi naman kami nahabol nung mommy ni Thyron.
"Sorry baby ko." Sabi ko at humarap sa kanya.
"Mommy, diba I told you na hindi na ako baby. I'm big na kaya." Sabi niya at ngumuso.
"Oo na big boy kana. Oh siya, tara na sa Tom's world." Sabi at hinawakan ang kamay niya para mag lakad.
Nagulat ako ng pagharap ko ay nandoon si tita, mommy ni Thyron sa harap namin.
"Ginulat niyo naman po ako tita." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.
Hindi ako nito pinansin at nakay Aethan ang tingin.
Hihilahin ko na sana si Aethan para umalis ng hawakan ni tita ang kamay ko.
"Wait" Sabi niya at hinawakan si Aethan.
Hinawakan niya ang mukha ni Aethan at pinagka titigan.
"Pwede ba kitang mayakap?" Tanong niya kay Aethan.
Tututol sana ako ng magsalita si Aethan.
"Sigi po." Sabi ng anak ko.
Matagal na nakayakap si tita kay Aethan. Pagkatapos niyang yakapin si Aethan ay tumangin si tita sa akin.
Sa tingin niya palang ay alam ko na ang iniisip niya na ikina kaba ko.
"Tita" Mahina kong sabi.
Sumama sa amin si tita sa Tom's world dahil gusto niya rae akong kausapin. Pagdating namin doon ay bumili ako ng tokens at binigyan muna si Aethan ng limang toke. Pagkakuha niya ay tumakbo na siya doon sa may kotse kotsehan.
"Sabihin mo ang totoo sa akin Prezilla, anak ba siya ni Thyron?"
Para akong mapapaiyak sa tanong niya.
"Totoo ba?" Tanong niya ulit.
Nakayuko akong tumango sa kanya.
"Kailangan itong malaman ni Thyron." Sabi ni tita kaya napaharap ako sa kanya.
Kukunin palang ni tita ang cellphone niya ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"'Wag niyo pong sabihin sa kanya tita." Sabi ko at napapaiyak na.
"Bakit naman hindi ko sasabihin sa kanya, anak niya rin naman siya." Sabi ni tita at tumingin kay Aethan na tuwang tuwa na naglalaro.
"Hindi pa po ako handa na malaman niya na may anak siya sa akin." Sabi ko at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko.
"Kailan ka pa magiging handa? Kapag malaki na ang anak mo at nasa tamang pag iisip na?" Tanong niya na ikina iling ko.
"Hindi naman po sa ganon tita." Sabi ko.
"O sigi, hindi ko sasabihin kay Thyron at payag akong ikaw ang magsabi ng tungkol sa anak niyo." Sabi ni tita na ikinatuwa ko.
"Salamat po tita." Sabi ko at niyakap siya, gumanti rin naman siya ng yakap sa akin.
"Pero 'wag mo na sanang paabutin ng ilang buwan o taon bago mo sabihin sa kanya."
"Salamat po ulit tita." Sabi ko at ngumiti siya sa akin.
"Kapag pinatagal mo pa ay pasensya na pero ako na ang magsasabi sa anak ko."
Tumango ako sa kanya. Pagkatapos ng usapan namin ay pumunta na si tita sa kay Aethan.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumunta sa kanila. Binigay ko kay tita ang lahat na token na hawak ko at pumunta ako kung saan may upuan, hahayaan ko muna silang mag bonding ng lola niya.
Nakangiti ko silang pinagmamasdan.
Nagpapasalamat ako kay tita dahil hinayaan niya na ako ang magsabi kay Thyron ng tungkol kay Aethan.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀