"HELLO? Sino toh?" Sabi ko sa kabilang linya.
May tumawag kasi, hindi ko malaman kung sino. Hindi kasi naka register ang number na ito sa cellphone ko.
["Hello Prezilla, ako 'to yung mommy ni Thyron."] Sabi niya na ikinatango ko.
Naalala ko na ibinigay ko pala kay tita ang number ko bago kami maghiwalay sa mall.
"Ikaw po pala tita, napatawag po kayo?" Tanong ko.
["Gusto ko sanang puntahan ang apo ko, pwede ba?"] Tanong niya sa kabilang linya.
"Pwede naman po tita, pero wala po dito si Aethan." Sabi ko.
["Nasaan ba ang apo ko?"]
"Nasa school, mamaya pang eleven ang uwian niya."
["Oh sigi, pupunta ako sa inyo ng mga eleven thirty para siguradong nandiyan na ang apo ko."]
"Sigi po tita." Sabi ko.
Sinabi niya na huwag na daw ako mag luto ng tanghalian dahil may dala raw siya mamaya at ayon nalang daw ang kainin namin.
Pagkatapos naming mag usap ay sinave ko ang number niya sa phone ko at ang nilagay ko na name sa number niya ay tita.
Maya maya ay nakatanggap ako ng text galing sa kanya at tinatanong kung saan ba kami nakatira.
Sinend ko sa kanya ang address at number ng condo na tinitirahan namin.
Ten thirty palang ay nandoon na ako sa school para sunduin si Aethan. Pasalamat ako dahil hanggang sa masundo ko ang anak ko ay hindi ko nakita ang anino ni Thyron.
Lagpas na ang eleven thirty ay wala pa rin si tita kaya naisipan ko nang mag saing. Baka siguro may importante siyang ginagawa kaya hindi makakapunta.
Naghahanap ako ng lulutuin ko para ulamin namin ni Aethan ng makarinig ako ng doorbell.
Ako ang nagbukas ng pintuan dahil hindi kaya iyon buksan ni Aethan dahil may double lock iyon sa taas.
Pagtanggal ko ng double lock ay pinihit ko ang door knob, pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si tita na may bitbit kaya tinulungan ko siyang ipasok ito sa loob.
Gaya sa mall ay siya lang mag isa at wala siyang kasama.
"Kala ko hindi na po kayo dadating." Sabi ko ibinaba sa lamesa ang mga dala niya.
"Traffic kasi kaya natagalan ako." Sabi niya at tumingin tingin sa paligid.
Alam ko na kung sino ang hinahanap niya kaya sinabi ko sa kanya kung nasaan si Aethan.
"Nandoon sa kwarto si Aethan." Sabi ko at tinuro ang kwarto ng anak ko.
"Tawagin mo nga ang apo ko at may regalo ako sa kanya." Sabi ni tita at tumango ako sa kanya.
Pumunta ako sa kwarto ni Aethan at kumatok muna bago pumasok.
"Aethan" Tawag ko kay Aethan na naglalaro sa cellphone ko.
"Why po mommy?" Tanong niya at humarap sa akin.
"May naghahanap sa iyo."Sabi ko at lumapit sa kanya.
"Who?" Tanong niya at umupo sa kama.
"Alam mo yung pumunta tayo sa mall, yung nakalaro mo sa Tom's world." Sabi ko sa kanya at nakita ko siyang nag iisip muna at maya maya ay ngumiti siya.
"Si lola?" Tanong niya at tumango ako sa kanya.
Binigay niya sa akin ang cellphone at nagmamadaling tumakbo palabas.
"Huwag kang tumakbo Aethan at baka madulas ka!" Sigaw ko sa kanya.