"ONE cheesecake and one latte in table five."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"One puto pie, one macaroon, and two iced mocha in table one."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Two fluffy mamon, one ube pie, and two americano coffee at table three."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Sunod-sunod na mga order, madami kasing mga customer ngayon.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Habang nag aayos ng mga order ay may lumapit sakin at nag tanong.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Shet ang gwapo.' Sabi ko sa isip ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ms. can I ask if your manager is here?" Tanong nito.⠀⠀
Oh my God! Kinausap niya ako! Totoo ba?! Ack! ⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"O-opo sir nandito po, bakit po sir may problema po ba? May mali po ba sa pag kaka serve? Naku sir pwede po ba ayusin nalang dito, pwede po uli kayong umorder ako nalang po mag babayad wag niyo lang po sabihin sa manager namin." Sunod sunod kong ani.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Tumawa ito nang mahina bago magsalita.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"No Ms. I'm not going to complain, I'm just going to say something important to my sister."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ohh kapatid niya po pala kayo, ahm wait lang po." Sabi ko at iniwan muna siya saglit.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Okay I'll wait." Rinig kong sabi niya.
⠀⠀ ⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Tinawag ko si Lucy at sinabi ko na samahan itong kapatid daw kuno ni Ma'am Silvia sa kanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Sir sumunod po kayo sa kanya." Sabi ko at tumango ito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Okay thankyou." Sabi ng kapatid daw kuno ni Ms. Silvia.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"You're welcome." Sabi ko at nag focus na sa counter.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
May kapatid pala si ma'am Silvia? Ngayon ko lang nalaman. Mwehehe ang gwapo, ano kayang pangalan non?
⠀ ⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Naku Prezilla basta talaga gwapo naku ka." Bulong ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Napagawi ako ng tingin kay Jamaica nang magsalita siya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Two palabok, two brownies, and two matcha lattes in table four."⠀ ⠀
⠀⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Inaayos ko ang mga order at binigay ito kay Jamaica.
⠀⠀
⠀⠀
SA ILANG buwan kong pagtatrabaho dito sa cafe ay naging maganda naman. Nakaipon na ako ng pang pa requirements ko.
Alam naman ni Ms. Sylvia na gustong gusto kong magtrabaho sa Hiawata at sinabi ko ito sa kanya noon pa. Siya rin naman ang nagsabi sa akin na mag trabaho daw muna ako dito ng maka ipon ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Si Ms. Silvia ay kaibigan ni mama pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong asawa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Huling araw kona ngayon sa trabaho dahil bukas ay mag sisimula na akong kumuha ng mga requirements na kakaylanganin sa pag aapply ko sa trabaho.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Huling araw mo na ngayon dito, iiwan mo na ako." Naka simangot na sabi ni Jamaica.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ano ka ba kung maka emote ka naman diyan kala mo naman mawawala na ako, eh mag aapply lang naman ako ng ibang trabaho."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Pano na yan wala na akong bibwisitin araw-araw." Sabi niya at sumimangot.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Nandiyan naman si Ms. Silvia hahh." Sabi ko sa kanya.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Wow hahh baka magsasalita pa lang ako you're fired agad." Ani Jamaica na ikinatawa ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hoyy mabait yon si Ms. Sylvia noh hindi ka non tatanggalin sa trabaho." Sabi ko sa kanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Mabait nga pero ayaw niya namang binibiro siya." Sabi niya na ikinatawa ko.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Naku tama na nga itong chikahan at kunin mo na ang order nung mga bagong dating." Sabi ko at tinuro yung dalawang babae na kakaupo lang sa table eight.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos ng trabaho ay tinreat ko si Jamaica sa lomihan kasi ito yung lagi naming kinakainan ni Jamaica bago kami umuwi galing sa trabaho.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ano sa inyo iha?" Tanong ng tindera.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ate dalawa pong lomi at dalawa ring softdrinks." Tugon ko sa kanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos naming sabihin ay naghanap kami ng bakanteng upuan at doon umupo. Maya-maya lang ay dumating na ang inorder namin at sinimulan na namin itong kainin.⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Habang kumakain ay nagkekwentuhan din kami tungkol sa mga nakakatawang nangyari sa amin sa cafe.
⠀ ⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ate dalawa pong lomi at softdrinks magkano po lahat?" Tanong ko sa tindera pagkatapos naming kumain.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"120 iha."⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
⠀⠀
Pagkatapos kong mag bayad ay pumunta kami sa terminal ng jeep at doon sumakay. Malapit lang naman ang bahay namin kaso aabutin pa ng 20 minutes bago makarating sa bahay kung maglalakad kami.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Sa iisang barangay lang kami nakatira pero malayo layo nang kaonti ang bahay namin sa kanila.
⠀⠀ ⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Para po." Sabi ko at bumaba na kami malapit sa gate ng aming barangay.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Si Jamaica ay sumakay sa pedicab kasi sa pinaka dulo pa ang bahay nila.
Sa amin ay dito lang malapit sa kanto kaya no need na mag pedicab.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagdating sa bahay ay hindi na ako kumain dahil busog ako at nag paalam kina mama na matutulog na dahil bukas ay mag aasikaso na ako ng mga requirements ko.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Billionaire Series#1)
Roman d'amourBillionaire Series #1 (Completed)
