CHAPTER 17

1.1K 23 0
                                    

"WOW hahh ang haba ng hair mo abot doon sa labas ng mall." Sabi ni Jamaica.

"'Wag ka ngang maingay tingnan mo ohh pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito." Sabi ko sa kanya at kinurot ito sa tangiliran.

"Bakit totoo naman na ang haba ng hair mo at talo mo na si Rapunzel sa sobrang haba." Sabi ni Jamaica akin habang hinahawakan ang buhok ko.

Nandito kami ni Jamaica sa mall dahil parehas naming napagpasyahan na mag bonding kasi bihira nalang kami magkita dahil parehas kaming busy sa trabaho.

Nagkawentuhan kami tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin kaya nakwento ko sa kanya na boyfriend ko ang boss ko na si Thyron. Hindi siya naniwala sa akin nung una pero sa huli ay nakumbinsi ko siya.

"Sa pagkakaalam ko ay sweldo natin ngayon hahh, ehem baka naman." Pagpaparinig ni Jamaica at kunwaring nauubo pa.

"Alam ko naman na ganyan ang sasabihin mo, lagi naman." Sabi ko at tinawanan ako ng bruha.

"Hayaan mo nextime sagot ko." Sabi niya sabay kindat.

"Kailan pa yung next time? Pagputi ba ng uwak?" Tanong ko sa kanya.

"Wow hahh grabe ka naman sa'kin naiiyak ako." Sabi niya at kunwaring naiiyak.

"Bakit hindi ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo na, o siya tara na libre mo na ako." Sabi niya at hinila na ako.

Pagkatapos naming kumain ni Jamaica ay pumunta naman kaming Tom's world para maglaro. Parang halos lahat ng machine doon ay nalaro na namin.

Ang saya kasi ngayon lang ulit namin ito nagawa kasi siyempre medyo busy kami sa trabaho.

Pagpatak ng alasingko ng hapon ay napagpasyahan na naming umuwi. Pinag usapan namin kung kailan ulit namin ito gagawin pero gaya nga ng dati ay kapag may free time kami.

Pag uwi ko sa bahay ay naabutan ko sila papa at mama na pinag uusapan si lolo, yung papa ni papa.

"Ma, pa bakit niyo po pinag uusapan si lolo?" Tanong ko at nag mano sa kanila.

"Ahh kasi Prezilla tumawag si papa kanina at pinapauwi ako doon, tayo kasi bukod sa wala na siyang kasama doon ay tumatanda na ang lolo mo at hirap na din sa trabaho niya doon sa bukid." Sabi ni papa.

"Kaya balak sana namin na tayo manirahan para may kasama na ang lolo mo at may katuwang sa bukid." Sabi naman ni mama.

Totoong wala ng kasama doon si lolo dahil pitong taon na simula ng nawala si lola at si papa lang ang nag iisa nilang anak. Naalala ko pa nga noon nung pagkatapos ilibing si lola ay kinausap nila papa si lolo na dito na manirahan sa manila kaso tumanggi siya kasi wala daw magbabantay sa mga alaga at sa bukirin niya.

Pag aari kasi ni lolo ang bukirin na iyon kaya ayaw niyang iwan baka daw kasi angkinin ng mga kamag anak namin sa side nila papa eh grabe pa naman ang mga iyon.

Kapag nagbabakasyon nga kami doon at nakakaharap namin ang mga kamag anak namin doon ay lupa ang bukang bibig na kesyo kailan daw ibebenta. Pakialam ba nila doon? Si lolo ang bumili ng lupa na iyon kaya wala silang pakialam doon.

"Pano 'yan ma eh may trabaho ako dito." Sabi ko at umupo sa sofa na nasa harap nila.

"Kung mahal mo talaga ang trabaho mo dito ay hindi ka namin pipigilan." Sabi ni papa.

"Yung trabaho ba talaga ang mahal o yung boss." Biglang sabi ni mama.

"Ma naman." Sabi ko at tinawanan naman nila ako.

"Bakit hindi ba totoo?" Tanong ni mama.⠀

"Si mama naman eh, hindi ba pwedeng both?" Sabi ko at nagtawanan kami.

Sanay na ako sa mga ganitong asaran namin kasi kasama na ito sa bonding naming pamilya.

Napag usapan namin na baka sa susunod na linggo sila pumunta doon sa province nila papa kung nasaan nandoon si lolo.

Pagkatapos ng usapan naming iyon ay umakyat na ako sa kwarto at naglinis muna ng katawan bago nagsimulang matulog.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil may pasok ako ngayon sa trabaho, gaya ng dati ay ginawa ko ang morning routine ko bago ako pumasok sa opisina.

"Good morning babe." Bungad sa akin ni Thyron pagdating ko sa opisina at hinalikan ako.

"Good morning din." Sabi ko niyakap siya.

"How was your bonding with your friend yesterday, is it good?" Tanong niya.⠀

Bigla kong naalala na hindi ko pala siya na text or natawagan 'man lang pag uwi ko. Nakalimutan ko dahil narin sa pagod.

"Okey naman, sorry hindi kita na text o natawagan kahapon pag uwi ko. Nakalimutan ko siguro dahil narin sa pagod." Sabi ko at humarap sa kanya.

"It's okey, ang mahalaga nag enjoy kayo ng kaibigan mo." Sabi niya kaya nginitian ko siya.

Pagkatapos ng usapan namin ay nagtrabaho na kami. Maya maya lang ay may kumatok, pagka katok ay pumasok na ito.

'Hindi ba siya nagsasawa kakapunta dito? Halos araw araw nalang.' Sabi ko sa isip ko ng makita ko kung sino ang pumasok.

"Hi Thyron, may pinapabigay nga pala saiyo si daddy. Nasobrahan kasi ang luto ni mommy." Sabi ni Angelica sabay pakita ng hawak niyang paper bag.

"Thank you, just put it there." Sabi ni Thyron sabay turo sa lamesa doon malapit sa sofa.

"By the way Thyron, birthday nga pala ni mom ngayon at may celebration mamaya sa bahay." Sabi ni Angelica.

"And then?" Tanong ni Thyron at hindi ito tinapunan ng tingin dahil busy siya sa pagtitipa sa laptop.⠀

"And I want to invite you, I hope you can come." Nakangiting sabi ni Angelica.

"I will try." Tyrone said.

"Try? Pumunta kana please.....atsaka inaasahan ni mommy na pupunta." Sabi ni Angelica at nag puppy eyes pa na akala mo namang ikinaganda niya.

"Okay, but I'll bring someone with me." Sabi naman ni Thyron.

Kunwari ay busy ako sa mga files na tinitingnan ko pero ang totoo nakikinig ako sa pinag uusapan nila.

"I'll take my girlfriend with me." Sabi ni Thyron na ikina ngiti ko.

Tumingin ako sa gawi nila and I saw that Angelica was not happy with what Thyron said.

"Sigi, basta pumunta ka hahh." Angelica said with a smile that was obviously fake.

Sinabi ni Angelica kung anong oras iyon mag sisimula bago napagpasyahan na umalis.

Buti nalang dahil kung hindi baka mabato ko pa iyon ng ballpen dahil sa kaharutan niya.

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon