SINCE he told me that he likes me he also said that even though he doesn't know how to court women, he told me that he would do it for me.
⠀
Siyempre kinilig ako sa mga sinabi niya, kahit na hindi pa ako pumapayag ay liligawan niya parin daw ako.
⠀
Makalipas ang ilang linggo ay nagising sa lamig ng aking naramdaman, pinagpapawisan ako at basang basa ang likod ko pero bakit giniginaw? Pinatay ko ang electricfan at nagtalukbong ng kumot.
⠀
Hindi ako mapakali at tinanggal ko ang aking kumot para magpalit ng damit kasi basa ito dahil sa pawis.
⠀
Tatayo sana ako ng bigla akong nahilo at sobrang sakit ng ulo ko. Inilagay ko ang kamay ko sa aking noo para hilutin ito pero nagulat ako ng paghawak ko ay mainit pala ako.
⠀
Bigla kong naalala na naulanan pala ako kagabi at dahil sa pagod ay hindi na ako nakapag halfbath.
⠀
Maya maya ay may kumatok sa kwarto ko.
⠀
"Prezilla, hindi kaba papasok? Anong oras na oh." Sabi ni mama at patuloy parin sa pagkatok.
⠀
Kahit na nahihilo ay dahan dahan akong tumayo at naglakad patungong pintuan para buksan ito.
⠀
"Anong nangyari sa'yo at bakit basang basa ang damit mo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni mama ng mabuksan ko ang pintuan.
⠀
"Ma mukhang may sinat ako." Bulong ko sabay hawak sa ulo ko kasi kumikirot talaga ang sakit.
⠀
Hinawakan ni mama ang leeg at noo ko.
⠀
"Ay juskong bata ka...anong mukhang may sinat? Ang init mo, ang taas ng lagnat mo." Sabi ni mama at inalalayan akong umupo sa kama ko.
⠀
"Ano bang ginawa mo at bakit ka nilagnat?" Tanong ni mama at binuksan ang kabinet ko.
⠀
Naghanap siya doon ng damit at nang makahanap na ay agad siyang pumunta sa akin at pinalitan ako ng damit.
⠀
"Naulanan po kasi ako kagabi." Mahina kong sabi.
⠀
"Jusmeyo kang bata ka....humiga ka muna at 'wag kang tatayo jaan kukuha lang ako ng gamot at pupunasan din kita dahil bawal kang maligo." Sabi ni mama at akmang tatalikod na ng magsalita ako.
⠀
"Ma, may pasok pa ako ngayon."
⠀
"Anong may pasok.....manahimik ka at ang taas ng lagnat mo." Sabi ni mama at lumabas na.
⠀
Maya maya bumalik ito at may dalang mangkok at tubig.
⠀
"Oh ito, kumain ka muna nitong sopas bago ka uminom ng gamot." Sabi ni mama at ipinatong ito sa maliit na lamesa.
⠀
Inalalayan naman akong makaupo ni mama. Hinawakan ko ang kutsara at akmang isusubo na ito ng mabitawan ko.
⠀
"Ma nanghihina ako." Sabi ko kay mama.
⠀
Bumuntong huminga muna ito bago niya kunin ang mangkok at umupo sa tabi ko.
⠀
"Nganga" Sabi ni mama at sinubuan ako.
⠀
"Ayoko na." Sabi ko at hindi manlang naubos ang sopas.
⠀
"Oh siya naka kalahati ka na naman ng kain, ito ang paracetamol. Inumin mo yan hahh para gumaling ka." Sabi ni mama, inabot niya sa akin ang gamot at baso.
⠀
Pagkainom ko ay pinahiga na ako ni mama.
⠀
Dahil nanghihina ako at hindi makapuntang cr para makapag banyos ay kumuha nalang si mama ng maliit na palanggana at towel para punasan ang katawan ko.
⠀
"Magpahinga ka para makabawi bawi ka ng lakas at mamaya ay bababa na iyang lagnat mo." Sabi ni mama at tumango ako.
⠀
Narinig kong sumara ang pinto kaya alam kong lumabas na si mama.
⠀
Habang nakapikit ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.
⠀
Kinuha ko ito sa ilalim ng kama ko at nakita ko na tumatawag si Thyron.
⠀
"Hello" Sabi ko.
⠀
["Prezil why is your voice like that and where are you now? The meeting will start in ten minutes."] Sabi ni Thyron sa kabilang linya.
⠀
"Thyron"
⠀
["Yes? And where are you now?"] Tanong niya.
⠀
"Hindi ako makakapasok ngayon." Sabi ko.
⠀
["Why is your voice like that? Did something happen? Do you have a problem? Say it."] Natataranta niyang sabi.
⠀
"Wala namang problema." Sabi ko at inayos ang kumot ko.
⠀
["But why your voice like that?"] Tanong nito.
⠀
"Nilalagnat kasi ako."
⠀
["What?"] Tanong niya ulit.
⠀
["Ang sabi ko nilalagnat ako."] Pag uulit ko at bigla nalang siya nawala sa linya.
⠀
Nilagay ko nalang ulit ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at pumikit muli.
⠀
Nagising nalang ako ng may humahaplos sa buhok ko. Pag dilat ko ay nakita ko si Thyron na nakapikit at nakaupo sa tabi ko habang hinahaplos ang buhok ko.
⠀
"Thyron?" Sabi ko at dahan dahang umupo.
⠀
Thanks to God dahil hindi na sumasakit ang ulo ko.
⠀
"Sorry, did I wake you up?" Sabi niya at napatayo.
⠀
"Asan si mama? Bakit ka nandito? Diba may meeting ka ngayon?" Sunod sunod kong tanong.
⠀
"Your mom is in the kitchen and I'm here because you're sick.....Maybe the meeting is over now. Wait, are you feeling well now? Oh, take it easy." Sabi niya ng tumayo ako.
⠀
"Ayos na ako at ang pakiramdam ko kaya 'wag kang oa diyan." Sabi ko at nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan.
⠀
"Where are you going?" He asked.
⠀
"Pupuntahan ko si mama." Sabi ko at binuksan ang pintuan. Sumunod siya sa akin kaya hinayaan ko nalang.
⠀
Pagbaba ko ay agad kong hinanap si mama at nakita ko siya doon sa kusina at nag luluto.
⠀
"Ang bango hahh." Sabi ko ng maamoy ang favorite kong ulam na sinigang na ikinagutom ko.
⠀
Lumingon sa akin ni mama at nagtaka.
⠀
"Oh bat ka nandito sa baba, ayos ka naba? Hindi naba masama ang pakiramdam mo?" Tanong ni mama sabay hipo sa leeg at noo ko.
⠀
"Ano ba ma okey na ako." Sabi ko at inaalis ang kamay niya.
⠀
"Buti at bumaba na iyang lagnat at sinat sinat nalang. O siya doon na kayo ng manliligaw mo sa lamesa at malapit ng matapos itong niluluto ko." Sabi ni mama na ikinagulat ko.
⠀
Paano niya nalaman?
⠀
Lumingon ako kay Thyron at hinila ito papunta sa hapagkainan.
⠀
"Sinabi mo kay mama?" Bulong ko sa kanya ng makapunta na kami sa hapagkainan.
⠀
"Said what?" Tanong niya.
⠀
"Bakit mo sinabi sa kanya na nililigawan mo ako." Mahina kong sabi at baka marinig ni mama.
⠀
"Why not? It's true, right?" Sabi niya at umupo na.
⠀
Tumahimik kami ng dumating si mama bitbit ang ulam na nasa malaking mangkok at inilagay sa lamesa. Pagkatapos non ay sunod umalis ulit siya at pagbalik niya ay dala na nito ang malaking pinggan na may lamang kanin.
⠀
"Kumain na kayo." Sabi ni mama at inabot sa amin ang kutasara, tinidor at plato.
⠀
"Thanks tita." Sabi ni Thyron na ikinagulat ko. Hindi nalang ako nagsalita.
⠀
"Ikaw Prezilla damihan mo ang kain mo dahil kagagaling mo lang sa sakit, kailangan mong kumain ng madami para bumalik ang lakas mo." Sabi ni mama at dinagdagan ang kanin na sinandok ko. Hinayaan ko nalang at kumuha nalang ako ng ulam.
⠀
Kumuha ako ng sabaw at nagsimula ng kumain.
⠀
"What's that?" Tanong ni Thyron ng makitang madaming sabaw ang pinggan ko at kaonti nalang ay aapaw na.⠀
"Siyempre pagkain ano paba?" Sabi ko at hindi na siya pinansin dahil priority ko ang kumain dahil favorite ko ang ulam.
⠀
"'Wag mo na 'yang intindihin ganyan talaga iyan kapag may sabaw ang ulam." Sabi ni mama.
⠀
Pagkatapos naming kumain ay uminom ulit ako ng paracetamol para tuluyan na akong gumaling. Maya maya ay nagpaalam na si Thyron na uuwi na. Pumunta siya dito dahil nag aalala siya sa akin.
⠀
Pano ba'yan nagmumukha na akong mayabang nito, jowk lang pero kinilig talaga ako wahhh.
