CHAPTER 18

930 23 0
                                    


"SIGURADO ka na ayos lang ang suot ko?" Tanong ko kay Thyron ng maipark niya na ang sasakyan niya.

"You're so beautiful that everything you wear is sure to suit you." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

"Aysus nang bola pa." Sabi ko at inalalayan akong bumaba. Naks naman gentle man.

"Hindi kita binobola, sadyang totoo lang ang sinasabi ko." Sabi niya niya.

Bago kami pumasok ay makikita mo sa labas na madaming sasakyan na nakapark kaya malalaman mo na marami ng tao sa loob.

Papunta na kami sa pintuan ng mahagip ng mata ko ang kumakaway na si Angelica.

'Kalma ka lang Prezilla, wala pa siyang ginagawa.' Sabi ko sa isip ko.

Naiinis talaga ako sa kanya sobra.

"Hi Thyron." Bati ni Angelica ng makalapit na kami sa kanya. "Ohh I thought isasama mo yung girlfriend mo pero bakit siya ang kasama mo?" Dagdag pa niya.

"She's my girlf---"

"Nevermind, by the way let's go nandoon sila mommy." Pagputol niya sa sasabihin ni Thyron at niyaya kaming sumunod sa kanya.

"Mom, dad nandito na po si Thyron." Sabi ni Angelica at tinuro si Thyron.

"Ohh, so you are Thyron.... you know what? Lagi kang kinikwento sa'kin nitong si Angelica." Sabi nung mommy ni Angelica.

"Mom ano ba nakakahiya." Sabi ni Angelica sabay lapit sa mommy niya.

"Mahiyain talaga tong si Angelica.... by the way Thyron sino iyang kasama mo?"

"Ahh mommy siya si Prezilla yung kinikwento ko sa'yo na sekretarya ni Thyron." Sabi ni Angelica sabay irap sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin at binaling nalang ang tingin kay Thyron na kausap si Mr. Kim, ang daddy ni Angelica.

"Hey woman, totoo ba itong sinasabi ng anak ko na sinasaktan at pinapahiya mo siya sa harap mismo ng boss mo?" Tanong sa akin ng mommy ni Angelica.

"Ahm sorry po pero hindi po totoo 'yon." Sabi ko.

"Mommy see? Ginawa niya pa akong sinungaling." Pagsusumbong ni Angelica.

"Aba ginawa mo pang sinungaling ang anak ko." Sabi ng mommy ni Angelica.

"Totoo naman po." Bulong ko.

"Mommy narinig mo ba? Ganyan 'yan lagi sa akin tapos sinasaktan niya din ako kapag lumalapit ako kay Thyron huhuhu. Hindi niya lang kasi matanggap na may gusto sa akin si Thyron." Sabi ni Angelica at kunwaring umiiyak.

"Aba't tingnan mo pinaiyak mo pa itong anak ko.... ikaw na babae ka hahh tanggapin mo nalang na sa anak ko may gusto iyang boss mo at hindi sa'yo. Sekretarya ka lang niya kaya 'wag kang mangarap ng mataas." Sabi ng ina ni Angelica at pinanglalakihan ako ng mata.

Mahina akong napatawa dahil sa sinabi niya.

"Anong tinatawa mong ipaktita ka hahh." Sabi ng ina ni Angelica at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"Ma'am nasasaktan po ako." Mahina kong sabi sa kanya.

"Deserve mo 'yan." Sabi ni Angelica at tatawa tawa pa.

"Talagang masasaktan ka kung hindi mo titigilan ang pananakit sa anak ko." Sabi niya at ramdam ko na bumabaon ang kuko niya sa braso ko

"Nagkakamali po kayo, hindi ko po--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lalo niya pang binaon sa akin ang mga kuko niya na ikina iyak ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga bisita dito pero mukhang wala siyang balak na bitiwan ang braso ko.

"Mommy tama na 'yan." Sabi ni Angelica at hinawakan ang kamay ng mommy niya para bitiwan ang braso ko.

"Pasalamat ka at pinigilan ako ng anak ko, sinira mo ang araw ng birthday ko." Sabi niya at inayos ang buhok niya.

Pinahidan ko ang tumulo kong luha at tiningnan ko ang braso ko, nakita kong may sugat gawa ng kuko niya. Kinuha ko ang panyo sa shoulder bag ko at pinunasan ang dugo na nasa braso ko.

"Mom si Thyron papunta na dito, ayos paba ang make up ko?" Sabi ni Angelica kaya napaayos ako ng tayo at nilagay ko na sa shoulder bag ang panyo ko.

"Yes Angelica ang ganda mo pa din hindi katulad ng iba diyan." Sabi ng mommy niya.

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon