HINDI nagtagal ay nakarating na kami sa Baguio. Lumapag ang chopper sa rooftop ng isang mataas na gusali. Pagkalapag ng chopper ay tinanggal ko na ang seatbelt at binuksan ang pintuan, malapit na ako makababa ng magkamali ako ng apak at buti nalang ay nandoon si Thyron at nasalo ako.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Are you okay?" Tanong ni Thyron.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm y-yes, by the way thankyou." Sabi ko at tuwid na tumayo.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Nakakahiya ka talaga Prezilla...bakit ba ang clingy mo.' Sabi ko sa isip ko at tumingin tingin sa paligid.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Your welcome, let's go follow me." Sabi ni Thyron at nagsimula ng maglakad.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Gaya ng sabi ni sir ay naglakad nadin ako at sumunod sa kanya. Habang naglalakad ay tumitingin tingin ako sa paligid, may mga kasama kami na nasa likod namin at naka black suit sila at mga naka shades pa. Siguro ay bodyguards ni sir parang dati lang ay sa mga movie ko lang napapanood yung mga naka black suit at naka shades na mga bodyguards ngayon ay nakikita ko na in person at nasa likod pa namin, ang angas.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkababa namin sa rooftop ay dumiretso kami sa elevator pagpasok namin maya maya ay sumara na ito, pinindot ni Thyron ang button na may nakasulat na 1. Habang nasa loob ng elevator ay nakatingin ako sa number na nasa taas na patuloy na nagpapalit at pababa ng pababa.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nanggagaling pala kami sa twenting palapag ng gusaling ito. Maya maya ay tumunog na ang elevator at dahan dahan itong bumukas. Pagbukas ng elevator ay nauna na itong naglakad, sa mga nadadaanan namin ay nagyuyukuan ang mga empleyado na nadadaanan namin.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Good morning sir."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Haluh si sir nandito."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Gumilid kayo."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Ilan sa mga naririnig ko kapag nadadaanan namin ang ibang mga empleyado.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nagulat ako dahil kilala pala dito si sir, hindi na ako magugulat kapag nalaman kong siya ang may ari nito.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagpasok namin sa restaurant ay madami ding bumabati sa kanya na mga empleyado kaya't pinagtitinginan na kami. At aba ang isang ito suplado dirediretso lang ang lakad.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nakarating kami sa vip table at kinausap ni Thyron ang lalaki na kung titingnan ay parang business man din dahil sa suot nito at may kasama itong babae na kung titingnan ay nasa twenties din katulad ko, siguro ay anak siya nitong kausap ni Thyron.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Mr. Hiawata take your sit." Sabi ng matanda.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Umupo si Thyron sa tapat nila at niyakag din akong umupo ni Thyron katabi niya.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ohh who's her, your girlfriend?" Tanong ng matanda at mukhang hindi masaya sa tanong niya.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahh no sir, I'm his secretary." Agad kong sabi at inunahan si Thyron na magsalita. Mukha namang natuwa ang matanda dahil sa sinabi ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"By the way, Mr. Hiawata this is Angelica my only daughter and Angelica this is Thyron Hiawata the owner of Hiawata company." Sabi ng matanda.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hi Thyron, like dad said I am Angelica and nice to meet you." Sabi ng Angelica sabay lahad ng kamay.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Tinanggap naman ito ni Thyron.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Nice to meet you too." Sabi ni Thyron.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"So ikaw pala ang may ari nitong Hiawata Hotel?" Tanong ng babae.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Yes" Tipid na sabi ni sir.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
So hotel pala ito, ang galing may sarili pang restaurant sa loob ng building at grabe first time kong makapunta sa ganto ka eleganteng hotel, nakakapangliit.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"What are we going to talk about Mr. Kim." Thyron asked.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Ahh so siya pala yung Mr. Kim na kausap kanina ni Thyron sa opisina.' Sabi ko sa isip ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"I want to do a project with you." The old man said.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Ano yon parang sa school lang gusto mong maging kagrupo yung matalino mong kaklase.' Sabi ko sa isip ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Project...about what?" Thyron asked and they talked about the project they were going to do. Habang ako ay tahimik lang na kumakain at nakikinig sa pinag uusapan nila.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos nilang mag usap ay nag paalam na Thyron at umalis na kami sa restaurant. Bago sumakay ng elevator ay may inutos siya ang isa sa mga bodyguard niya.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pinindot ni sir ang button twenty. Pagbukas ng elevator ay naglakad siya at huminto sa nag iisang pintuan dito sa floor, may kinuha siyang card at sinwipe doon. Biglang bumukas ang pinto at pumasok siya, akmang isasara niya na ang pintuan ng makita niya akong nakatayo lang sa labas ng pinto niya.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Won't you come in?" He asked. Kahit na nag aalinlangan ay pumasok na ako.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkapasok ay nagulat ako sa nakita ko, ang ganda sa loob tapos ang bango pa, totoo ngang napakaganda sa hotel pero mas maganda sa room na ito. Halatang mamahalin ang mga gamit.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Don't worry, there are two rooms here, you're on the left and I'm on the right. And if you need anything, don't be shy just tell me." Sabi ni sir na ikinatango ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pumasok na ako sa kwarto kung saan ang sinabi ni Thyron at inilock ito. Humiga ako sa kama at grabe hindi ako makapaniwala ang lambot ng kutson ang sarap niyang higaan.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Dumapa ako at kinuha ko ang cellphone ko habang nag iiscroll sa fb ay naalala kong hindi pa pala ako nagsasabi kay mama kung nasaan ako kaya tinawagan ko ito.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nag ring muna ng ilang segundo bago sinagot ang tawag.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hello ma." Sabi ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Oh Prezilla anak napatawag ka may problema ba? Diba oras ng trabaho mo ngayon? Buti pinayagan kang gumamit ng cellphone."] Sunod sunod na sabi ni mama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Oo nga po ma may trabaho ako ngayon kaso wala naman po akong ginagawa atsaka wala ako sa opisina." Sabi ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Huhh? Pano nangyari iyon diba pumasok ka? Bakit wala ka sa opisina? Asan kaba?"] Sunod sunod na tanong ni mama na ikinatawa ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma wala po ako sa opisina dahil sinama ako ng boss ko dito sa Baguio." Sabi ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Ano may bagyo? Binalita ba? Parang wala naman."] Sabi ni mama na ikinatawa ko. ["Bakit moko tinatawanan may saltik kaba?"]
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ang sabi ko nasa Baguio ako ngayon dahil sinama ako ng boss ko, anong sinasabi mong may bagyo? Ikaw talaga ma nabibingi kana." Pang aasar ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Huwag mo akong masabihan ng nabibingi bingi diyan at baka makurot ko yang singit mo, atsaka bat ka naman sinama sa Baguio. Uuwi din naman kayo agad diba?"]
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hindi po ako sure pero baka magtagal pa kasi may kausap pa dito ang boss ko tungkol sa gagawin niyang project atsaka may pupuntahan pa siyang meeting." Pagpapaliwanag ko may mama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Kung magtatagal kayo diyan bakit wala kang dalang gamit mo na susuotin atsaka bakit hindi mo sa akin sinabi na pupunta ka palang Baguio, ikaw talagang bata ka makukurot talaga kita."] Panenermon ni mama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma hindi ko din alam na pupunta kami dito sa Baguio, kanina ko lang nalaman ng pumasok ako at biglaan din." Sabi ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Paano yan wala kang gamit na susuotin diyan, anong gagawin mo diyan maghuhubad?"] Galit na sabi ni mama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma naman grabe ka."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Huwag mo 'kong ma grabe grabe diyan, atsaka saan kayo matutulog may bahay ba diyan ang boss mo?"] Tanong ni mama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ah nasa hotel po kami ngayon."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Ayy juskong bata ka anong gagawin niyo diyan sa hotel, Prezilla hindi kita pinalaki para ibigay sa kung sino iyang puri mo."] Panenermon niya sa akin.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Naku ma kung alam mo lang.' Sabi ko sa isip ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma naman, pag mamay ari ng boss ko itong hotel kaya dito kami tumuloy atsaka magkahiwalay naman kami ng kwarto." Pagpapaliwanag ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Hay naku Prezilla ayusin mo lang hahh at siguraduhin mo lang na magkahiwalay kayo ng kwarto, wala akong tiwala diyan sa boss mo."]
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Grabe ka naman ma."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Wag mo akong ma grabe grabe diyan at pag umuwi ka ditong may laman iyang tiyan mo naku malilintikan ka sakin."] Sabi ni mama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ma may laman naman talaga itong tiyan ko, may lamang loob." Sabi ko sabay tawa.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Huwag mo akong mabiro biro at tawanan diyan at baka makurot ko iyang singit mo."] Panenermon ni mama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Grabe ka na ma parang biro lang eh." Sabi ko sabay upo sa kama.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Oh siya sigi na at baka anong oras pa ako matapos dito sa pag lalaba, mag iingat ka diyan hahh."]
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Opo ma, kayo din ni papa mag iingat din kayo."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["O siya sigi na ibaba ko na."]
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Bye ma I love you." Sabi ko.
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["O siya sigi na I love you too, mag iingat ka hahh."]
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Opo ma, babye."
⠀ ⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
["Babye din, sigi na ibababa ko na."] Sabi ni mama at pinatay na ang tawag.
