CHAPTER 30

909 17 0
                                    

"HAPPY birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday..... Happy birthday Aethan!" Pagkakanta namin.

"Yehey! Blow your candle baby Aethan." Sabi ni Jamaica.⠀

"Ninang, mag wiwish muna ako." Sabi niya kaya napatawa kami.

"Oo nga naman, etong si Jamaica nagmamadali." Sabi ko at siniko si Jamaica.

Pumikit siya saglit bago hipan ang kandila.

"Yehey!" Sigaw namin at nagpalakpakan.

"Gift ko nga pala sa'yo." Sabi ni Jamaica at inabot kay Jamaica ang paper bag.

"Thank you po ninang." Sabi ni Aethan, kinuha niya ito at hinalikan si Jamaica sa pisngi.

"Big boy na ang Aethan namin." Sabi naman ni Carl at may inabot ring paper bag.

"Thank you po Daddy." Sabi ni Aethan at hinalikan muna si Carl sa pisngi bago niya ito yakapin.

Pagkatapos nilang mag bigay ng regalo ay kumain na kami. Wala naman masyadong bisita, iilan lang kasi ang kilala namin at ang kaibigan ni Aethan.

Gabi na nang maisipan naming umuwi ng bahay dahil nag ligpit muna kami dito sa coffee shop, doon kasi namin ginanap ang birthday ni Aethan. Pagkatapos naming ligpit ay umuwi na kami ng bahay. Hindi naman gaano kalayo ang bahay ni lolo dito sa coffee shop.

Labing limang minuto lang ay makakauwi na kami ng bahay kapag nagkotse kami.

Hindi naman gaano kalaki ang coffee ko dito sa Leyte pero masasabi kong kilala ito sa lugar namin at maraming dumadayo doon. Si mama ang umaasikaso doon kasama ang mga staff namin.⠀

Pagkadating namin ay ako ang kumalong kay Aethan dahil mahimbing na itong natutulog, dinala ko ito sa kwarto ko, kwarto naming dalawa. Kapag wala ako ay siya lang mag isa dito at minsan naman ay katabi niya ang mamala niya.

Dahan dahan ko siyang nilapag sa higaan, paglapag ko sa kanya ay nagising siya.

"Sorry baby ko, nagising ba kita?" Tanong ko sa kanya, umiling siya habang nagkukusot ng mata at umupo.⠀

"Mommy, I'm not a baby anymore. I'm big na, see?" Sabi niya at tumayo.⠀

Natawa ako sa kanya.⠀

"Ang laki mo na talaga noh, dati kalong kalong pa kita ngayon mag i-school kana." Sabi ko at niyakap siya.

"Mommy, na miss talaga kita." Sabi niya at hinalik halikan ako sa pisngi.⠀⠀

"Ang sweet talaga ng baby ko." Sabi ko at sumimangot siya dahil sa huli kong sinabi. "Oo na, sigi na. Hindi na kita tatawaging baby, dahil big boy kana." Sabi kaya natuwa siya.⠀

"Mommy alam mo ba, na miss kita sobra." Sabi niya at kumandong sa akin.

"Namiss rin kita at ang pangkukulit mo." Sabi ko at  kiniliti siya.

"HAHAHAH, mommy tam-- HAHAHA, tama na mommy." Sabi niya at tawa ng tawa dahil sa kinikiliti ko siya.

"Mommy, kailan ko kaya makikita si Daddy?" Tanong niya sa akin.

Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakapag salita saglit.

"Huh? Nandito lang siya kanina hah." Sabi ko kahit na alam ko kung sino ang tinutukoy niya na daddy.

"Mommy, hindi po si daddy Carl yung tinutukoy ko." Sabi niya at huminto muna sa pagsasalita. "Yung totoo ko pong daddy." Nakayuko niyang sabi.

Lalo akong hindi makapag salita dahil sa sinabi niya. Nasasaktan ako dahil nakikita kong malungkot si Aethan. Naawa ako sa kanya dahil kapag umaalis kami at may nakikita siya na katulad niya na bata na kasama ang tatay nila ay napapansin kong matagal na tumitingin doon si Aethan.

"Alam mo ba kanina ang wish ko mommy?" Tanong niya at umiling ako sa kanya.

"Hindi, ano ba iyong wish mo?"

"Ang wish ko ay sana makilala na ako ni daddy at sana ay mabuo ang pamilya natin." Sabi niya at ngumiti sa akin na alam ko namang peke.

"Matutupad iyang wish mo soon." Sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.⠀

"Talaga ba mommy?" Tanong niya at tumango ako sa kanya. "Yehey! Sana bukas o sa susunod na araw na ang soon." Sabi niya at nagtatalon talon.

"Huwag kang magtatalon talon at baka magkamali ka mahulog ka't magkabaki, sigi ka gusto mo bang makita ka ng daddy mo na may bali ka?" Sabi ko sa kanya.⠀

Umiling siya at tumigil na sa pagtalon sa kama at umupo sa tabi ko.

"Ayy oo nga pala." Sabi ko at bigla kong naalala na hindi ko pa pala nabibigay sa kanya ang gift ko.

"Bakit po?" Tanong niya at sinenyasan ko siya na wait lang.⠀

Pagkakuha ko ng dalawang paper bag sa lamesa ay agad ko itong binigay kay Aethan.

"Ano po ito mommy?" Tanong niya sabay kuha ng paper bag.

"Gift ko, nakalimutan kong ibigay sa iyo kanina." Sabi ko at dali dali niyang binuksan ang gift ko sa kanya.

"Wow.... Airplane!" Sigaw niya sabay kuha ng eroplanong laruan.

Naalala ko kasi na sinabi niyang gusto niya raw maging piloto, kaya binilhan ko siya ng airplane na laruan

"Thank you mommy!" Sabi ni niya at niyakap ako.

"Hindi mo ba bubuksan ang isa ko pang gift?" Tanong ko sa kanya, hindi niya na kasi pinansin ang isa pang paper bag at nilaro na agad ang una kong regalo sa kanya.

"Oo nga pala." Sabi niya binuksan niya ang isa pang paper bag. "Wow, shoes and books." Sabi niya at kinuha ang mga libro. Hindi niya pinansin ang sapatos.

Mahilig kasi siyang magbasa kaya binilihan ko na rin siya ng libro.⠀

"Thank you talaga mommy." Sabi niya at pinag hahalik halikan ako sa magkabilaang pisngi.

Masaya ako dahil nagustuhan niya ang mga regalo ko at siyempre may kaonti ring lungkot dahil nabanggit niya na gusto niyang makilala siya ng daddy niya.⠀

"Aethan,.bukas ka nalang maglaro at anong oras na oh mag eeleven na ng gabi kaya matulog kana." Sabi ko at sumunod rin siya agad sa sinabi ko.

Kinwentuhan ko siya ng story book para makatulog siya. Gusto niyang binabasahan siya ng libro bago siya makatulog. Kaya kapag wala ako sa tabi niya ay si mama ang nag babasa ng libro para sa kanya.

Bago niya ipikit ang mga mata niya ay may huli siyang sinabi bago siya makatulog.

"Sana sa susunod na birthday ko nandito na si daddy." Sabi niya na ikinakirot ng puso ko.

⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon