"KAMUSTA naman ang anak ko?" Sabi ko habang ka video call si Aethan.
⠀⠀
["Mommy, gusto ko pumasok school."] Sabi niya sa kabilang linya.
⠀⠀
"Sigi, sa susunod na pasukan." Sabi ko.
⠀⠀
["Yehey....mamala narinig mo sabi mommy? Papasok na ako."] Pagmamalaki ni Aethan na ikinatawa ko.
⠀⠀
Mag pa five years old na si Aethan kaya pwede na siyang pumasok sa school.
⠀⠀
["Mommy, kailan ka pala uwi dito? Malapit na birthday, gusto ko sama ko kayo."] Sabi niya at sumimangot.
⠀⠀
Malapit na talaga ang birthday niya at sa lunes na iyon.
⠀⠀
"Pupunta diyan si mommy at alam mo ba? Isasama ko si ninang Jamaica mo." Sabi ko at natuwa siya.
⠀⠀
["Talaga mommy? Si daddy Carl kasama niyo rin?"] Tanong niya at tumango ako na lalo niyang ikinatuwa.
⠀⠀
Kahit anong sabihin ko sa kanya na tito Carl o ninong Carl ang itawag niya pero sabi niya ay mas gusto niya daw ang daddy Carl. Sinabihan ako ni Jamaica na pumayag na daw ako para may matawag daw na daddy si Aethan. Huwag ko nga lang daw aagawin, siraulo talaga.
⠀⠀
Pagkatapos naming nagkwentuhan at mag usap ni Aethan ay pinatay ko na ang video call dahil ten na ng gabi at anong oras na. Dapat kanina pa siya tulog.
⠀⠀
Simula ng dumating sa akin si Aethan ay napalitan ng kulay ang madilim kong mundo. Lalo na ng lumabas na siya grabe ang saya ko. Nawala yung lungkot ko.
⠀⠀
Nabawasan ang galit at pagka miss ko kay Thyron dahil kung titingnan mo si Aethan, nung baby ay kamukha ko pa. Pero habang lumalaki mas nagiging kamukha niya si Thyron, lalo na ngayon. Kuhang kuha niya ang mukha ni Thyron, small version lang.
⠀⠀
Minsan nga kapag napapatingin ako sa anak ko ay naaalala ko si Thyron, yung masasayang alaala namin. Bumabalik rin ang alaala na kung bakit kami nag hiwalay dalawa.
⠀⠀
Habang tumatagal ay unti unti ng nawawala ang kirot sa puso ko kapag naaalala ko si Thyron, siguro ay napapatawad ko na siya. Mabuti narin iyon para makalimutan ko na siya.
⠀⠀
Siguro ngayon ay may asawa at mga anak na siya kaya mas mabuting mapatawad at para makalimutan ko na siya. Pero paminsan minsan ay pumapasok sa isip ko si Thyron. Paano kapag nalaman niyang may anak kami? Babalik kaya siya sa akin, sa amin ng anak ko? Pero kapag pumapasok sa isipan ko na may asawa at anak na siya, nalulungkot ako.
⠀⠀
Mas okey na sigurong hindi niya malaman para hindi namin magulo ang pamilya niya. Binlock ko sa kahit na anong social media acc ko si Thyron, sinira ko rin ang simcard ko at pinalitan ito ng bago. Kaya wala akong alam kung ano ang nangyayari sa buhay niya ngayon, nasa isip ko lang ay siguro ay may mga anak at may asawa na siya. Kasi haler five years nang nakakalipas oh.
⠀⠀
Pasalamat nalang ako dahil hindi hinahanap ni Aethan ang ama niya. Hindi ko naman siniraan si Thyron sa anak niya.
⠀⠀
Sinasabi ko kay Aethan na nasa malayong lugar ang tatay niya kapag nagtatanong siya kung nasaan si Thyron. Sinabi ko rin sa kanya kung ano ang buong pangalan ng tatay niya, pinakita rin ni Jamaica kay Aethan ang litrato ng ama niya.
⠀⠀
Sinabi ko rin ang totoo sa kanya na hindi siya kilala ng tatay niya, wala pa siyang naging reaksiyon doon.
Lagi niya lang sinasabi na. "Meron po bang ganun? 'Di kilala anak?"
Naaawa ako sa kaniya pero alam kong balang araw ay maiintindihan niya rin ang mga bagay na iyon.
Alam kong naging selfish ako ng hindi ko sinabi kay Thyron na nagkaroon ng bunga ang pag iibigan namin noon. Pero ayokong ipag kait sa anak ko ang totoo tungkol sa tatay niya, kahit na kaonting impormasyon lang tungkol sa tatay niya ay sasabihin ko. Hindi man lahat pero atleast kahit papaano, kahit na kaonting impormasyon lang ay kilala niya ang tatay niya.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
NANDITO ako sa mall ngayon dahil mamimili ako ng regalo para sa birthday ni Aethan.
⠀⠀
Habang naghahanap ako sa toy store ng ipangreregalo ay may nabunggo akong bata.
⠀⠀
"Sorry, okey kalang ba?" Tanong ko at inalalayan siyang tumayo.
⠀⠀
Hindi siya umiimik at nakayuko lang.
⠀⠀
"Hey little boy." Tawag ko sa kanya at hinawakan ko siya sa braso.
⠀⠀
"Ouch" Sabi niya at napalayo sa akin.
⠀⠀
"Sorry....may masakit ba sayo?" Tanong ko sakanya at umiling lang siya.
⠀⠀
"Xian, asan ka nabang bata ka!" Sigaw ng kung sino at tumakbo ang bata sa direksiyon ng pinanggagalingan ng boses na iyon.
⠀⠀
"Mommy, I'm here." Sabi ng bata na nag ngangalang Xian.
⠀⠀
"Sabi ko diba sayo 'wag kang lalayo?" Sabi ng babae na tinawag niyang mommy.
⠀⠀
"Mommy, it's hurt." Sabi ng bata at kita kong mahigpit na nakahawak ang babae sa kamay nito.
⠀⠀
Lalapit na sana ako sa kanila para kausapin ang babae ng hinila niya na ang bata palabas ng store.
⠀⠀
Pagsasabihan ko sana na 'wag namang sana ganun kahigpit ang paghawak niya sa anak niya kasi nasasaktan ang bata pero may mga kasalubong ako na pumapasok dito sa store kaya hindi ko na sila nahabol.
⠀⠀
Nakatingin parin ako sa kanila habang papalayo sila sa store. Nang hindi na sila maabot ng tingin ko ay bumalik ako sa pag titingin sa mga laruan.
⠀⠀
Binili ko yung favorite na laruan ni Aethan pagkatapos ay pumunta ako sa ice cream store para bumili. Pagkatapos kong bumili ng vanilla ice cream ay lumabas na ako ng mall at pumunta ng parking lot.
⠀⠀
Dumaretso ako sa sasakyan ko at inilagay sa backseat ang mga pinamili ko. Nag seatbelt muna ako bago ko buksan ang makina ng sasakyan. Habang paalis na sa parking lot ay may nahagip ang mata ko na pamilyar na lalaki. Binalik ko ulit ang tingin ko sa direksiyon kung saan ko nakita ang lalaki at wala akong nakitang tao, namalikmata lang siguro ako.
⠀⠀
Pagkarating ko sa condo ko ay nilagay ko sa ref ang pinamili na grocery, pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto dala ang pinamili kong laruan para kay Aethan.
⠀⠀
Nilagay ko sa paper bag ang ireregalo ko kay Aethan at itinabi ito. Pagkatapos ay dumaretso na ako sa coffee shop ko.
⠀⠀
Mayroon na akong dalawang coffee shop, ang isa ay doon sa Leyte at ang isa naman ay dito sa Manila.
⠀⠀
Hindi naman gaanong malaki ay masasabi kong natupad ko ang isa sa mga pangarap ko na makapagpatayo ng sariling coffee shop.
⠀⠀
Thankful ako kay Carl dahil pinautang niya ako ng malaking halaga para makapag simula. Kung hindi dahil sa kaniya ay siguro wala ako kung anong meron man ako ngayon.
Hindi madaling makaroon ng sariling coffee shop dahil maraming proseso ang dapat gawin atasaka siyempre maraming kakompetensya. Pero kahit na marami akong pinagdaanan para mapalago itong coffee shop ko ay masaya ako maraming pumupunta sa coffee shop at nagbibigay sila ng mga magagandang feedback.
⠀⠀
Siyempre, hindi rin maiiwasan yung may mga haters na sinisiraan ito. Pero hindi nalang namin iniintindi dahil ayokong mag sayang ng oras sa mga taong katulad nila.
⠀⠀⠀⠀
⠀⠀
