CHAPTER 32

923 20 0
                                    

"ANONG nangyari diyan sa mukha mo?" Tanong ko ng pumasok si Carl sa opisina ko.

"Alam mo ba yung ex mo, sinuntok lang naman itong asawa ko." Sabi ni Jamaica.

"Asawa agad? Kasal na kayo?" Pang aasar ko sa kanya at hindi pinansin ang una niyang sinabi.

"Doon narin iyon pupunta atsaka huwag mong iniiba ang usapan." Lumapit sa akin si Jamaica. "Alam mo ba kung bakit siya nasuntok?"

"Bakit ka nga ba nasuntok?" Tanong ko at humarap kay Carl.

"Alam mo bang nagalit siya sa akin dahil akala niya niloloko kita." Sabi niya na ikinapagtaka ko.

"Akala nung ex mo na niloloko ka namin ni Carl." Sabat naman ni Jamaica.

Napatawa ako dahil sa sinabi nila. "Oh, nakabawi ka naman diba?" Tanong ko kay Carl.

"Hindi nga eh." Sabi niya habang hinahawakan ang pumutok niyang labi.

"Wala, mahina toh." Sabi ko at nabatukan naman ako ni Jamaica.

"Kung hindi lang sana siya inawat nung bouncer doon edi sana nasuntok nitong si Carl iyong Thyron na iyon." Sabi ni Jamaica.

"Pinag mumura pa ako ng g-go." Sabi ni Carl at napatawa pa.

"May sapak sa utak ang ex mo." Sabi ni Jamaica.

"Atleast gwapo." Sabi ko sa kanila.

"Mas gwapo naman ako doon." Sabi naman ni Carl.

"Saan banda?" Napatawa kami ni Jamaica ng sabay kaming nagsalita.

"Ikaw mahal, naiimpluwensyahan kana nitong si Prezilla. Pasalamat ka mahal kita, kung hindi naku..."

"Anong gagawin mo kung hindi mo ako mahal, ano!" Sabi ni Jamaica kay Carl.

"Kung hindi kita mahal, siyempre mamahalin parin kita." Sabi ni Carl at yumakap kay Jamaica.

"Yan ganyan dapat." Sabi naman ni Jamaica.

"Edi sanaol." Sabi ko at iniwanan na sila sa opisina, susunduin ko pa kasi si Aethan sa school dahil alas onse ang uwian nila at ten thirty na ngayon.

Natatawa ako sa kanila kasi para sirang mga bata kung mag asaran.

Habang naghihintay ako dito sa waiting ay may tumabi sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin pero naamoy ko ang pamilyar na pabangong iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan dahil isang tao lang naman ang nakakapag pabilis ng tibok ng puso ko.

Nagulat ako ng pagtingin ko ay si Thyron pala ang katabi ko.

"Thyron" Mahina kong ani.

"Prezilla" Sabi niya at hindi ko malaman kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Ayaw ko namang mag expect.

Tatayo na sana ako para umalis ng hawakan niya ang kamay ko, napahinto ako sa ginawa niya.

"I want to say something important to you." Sabi niya nang humarap ako sa kanya.

"Sabihin mo na kung anong sasabihin mo." Sabi ko sa kanya.

"About your husband and your bestfriend." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

Asawa? May sira ata ang ulo nito at kung ano ano ang pinag sasabi.

"Kung puro walang kabuluhan iyang sasabihin mo ay ayaw kong makipag usap sayo." Sabi ko at aalis na sana ng pigilan niya ulit ako. "Ano ba!"

"They are cheating on you." Sabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo hah, may sira naba iyang ulo mo at kung ano ano ang pinag sasabi mo." Sabi ko at inis na nakatingin sa kanya.

"Totoo ang sinasabi ko, niloloko ka ng asawa mo at kaibigan mo." Sabi niya at huminto muna sa pagsasalita. "I saw them kissing in the bar."

Naalala ko yung sinabi sa akin kanina nila Jamaica na bigla na lang daw sinapak ni Thyron si Carl.

"Bakit mo iyon ginawa sa kanya?" Tanong ko at si Carl ang tinutukoy ko.

"Kasi nga niloloko ka niya." Galit niyang sabi. "Niloloko ka ng asawa mo at ng kaibigan mo."

"Kung ano man ang nakita mo ay labas kana doon. Kung ang iniisip mo na may relasyon sila ay labas kana rin doon. Buhay nila iyon, kaya manahimik ka nalang!" Galit kong sabi sa kanya.

Nagulat siya sa mga narinig niya na lumabas sa aking bibig.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Asawa mo siya, niloloko ka niya."

"Kung wala ka nang sasabihin ay aalis na ako." Sabi ko at iniwan na siya doon.⠀

Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.⠀⠀

Naalala ko ang ginawa niya sa akin noon at bumalik nanaman ang galit ko sa kanya.⠀⠀

Pakealam niya ba kung may relasyon sila Jamaica at Carl, eh sa totoo naman talaga. ⠀

Ano bang sinasabi niya na asawa ko daw si Carl, may sapak ba siya?

Sakto dahil nakita ko si Aethan na palabas na ng building nila. Agad akong lumapit sa kanya at niyakag na siya, baka kasi makita pa niya dito si Thyron.⠀

Hindi sa ayaw ko silang magkitang dalawa pero parang ganon na nga. Hindi pa kasi ako handa na malaman ni Thyron na may anak siya sa akin. ⠀

Paano kung ilayo niya sa akin si Aethan, hindi ko iyon makakaya. Baka mabaliw ako.⠀

Kaya ngayon ay mag iisip ako ng paraan kung paanong hindi muna sila magkita.

⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon