DAHIL lunch time ngayon ay bumaba ako at pumunta ng canteen. Pagkarating ko ay namangha ako sa lawak ng canteen dito. Dahil sa pagka mangha ko ay hindi ko napansing may tao pala sa gilid at nabunggo ko ito.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ay sorry po." Paghingi ko ng paumanhin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"No, it's okey." Sabi ng nakabunggo kong lalaki.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pag tingin ko sa kanya ay kita sa mukha nito ang pagkagulat na ikinakunot ng aking noo.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Luh bakit may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sabay hawak sa mukha ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Wala, nagulat lang kasi ako. Prezilla dito ka din pala nagtatrabaho." Sabi niya na ipinagtaka ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Huhh? Ba't alam mo pangalan ko, kilala ba kita?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Hindi mo na'ko natatandaan?" Tanong nito na ikina iling ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ako toh si Natoy na mahal na mahal ka." Dagdag niya pa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ehh nakakatawa yon?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Joke only, hindi mo ba talaga ako natatandaan? Ako toh si Liam." Sabi niya at nagpogi pose na ikinatawa ko. Bigla kong naalala yung dati naming kapitbahay.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahh Liam Garcia yung kapitbahay namin dati?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Oo ako nga."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Yung maliit na laging nakabuntot sakin."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Oo ako nga iyon."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ang nanay ay si Aling Gina?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Oo tama ka."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Yung uhugin na gwapong-gwapo sa sarili at may gusto sakin noon?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Wow grabe ka naman sa uhugin at gwapong-gwapo sa sarili hah."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Bakit totoo naman diba? Atsaka in fairness grabe glow up mo hindi na kita nakilala."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Siyempre naman, mas lalo ba'kong gumwapo?" Tanong nito na ikinatawa ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Grabe hanggang ngayon mahangin ka parin." Sabi ko at parehas kaming napatawa.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nilibre ako ni Liam ng pagkain sa canteen at naghanap ng bakanteng upuan. Nagka kamustahan kami at nag kakwentuhan hanggang sa matapos ang lunch break.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako na babalik na ako sa trabaho ko. Pag dating ko sa office ay salubong na kilay ni sir Thyron ang bumungad sakin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Where have you been?" Nakakunot kilay nitong tanong.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm sir sa canteen po."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Why did not you tell me?"
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm sir wala po kasi kayo, nasa meeting po kasi kayo kanina."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"You should have waited for me!" Sigaw niya na kinagulat ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"S-sorry po sir." Nakayuko kong sabi.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Next time you tell me before you leave, you don't just disappear without saying anything." Naiinis niyang sabi.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Yes sir, sorry po uli."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Tsk, back to work." Pag kasabi niya non ay nakayuko akong pumunta sa lamesa ko at pinahidan ang tumulong luha na nasa aking pisngi.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Alam ko naman na nagkamali ako dahil hindi ako nagpaalam bago umalis at alam ko ring tama lang na pagalitan niya ako dahil mali nga ang nagawa ko pero bakit ganon? Bakit kahit na sa simpleng salita lang ay nasasaktan agad ako. Bakit sa tuwing masisigawan lang ako ay lumalabo agad ang paningin ko at maya-maya ay babagsak na ang dahilan kung bakit lumalabo ito. Kahit na sabihin nilang napaka arte ko dahil simpleng salita lang ay iiyak agad. Eh sa wala akong magagawa, ganto talaga ako kahit na pigilan ko ay parang may sariling itong mga buhay at kusa itong tumutulo. Na kahit na masabihan lang ako ng hindi magandang salita at sabihin mang biro lang iyon ay magdadamdam agad ako.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Bat kasi napakababaw ko." Bulong ko habang pinapahidan ang mga luha kong nag uunahang tumulo.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Hindi ko napansin na umalis pala si sir Thyron at narinig ko na lang ang pagbukas at pag sara ng pintuan. Hindi na ako magtataka kung iniisip niya na napaka arte ko dahil napagalitan lang ay mag eemote na agad. Wala akong magagawa ganto talaga ako, kahit na pinipigilan ko ay kusa itong lumalabas.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Simula ng lumabas si sir ay hindi na ito bumalik, nairita siguro sa'kin. Hindi ko nalang iyon pinansin at ginawa ko nalang ang trabaho ko. Inayos at hiniwalay ko ang mga pipirmahan ni sir at ang iba pang mga papeles.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Kinabukasan ay kinakabahan ako habang nasa loob ng elevator kasi baka mamaya pag pasok ko sa office ay sabihin ni si Thyron na tanggal na ako sa trabaho dahil sa nangyari kahapon, matatanggal ako dahil sa kaartehan ko.Pag bukas ng elevator ay naglakad na ako patungo sa office. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok, pagka pasok ko ay nandon si sir sa lamesa niya at may tinitingnan na mga papeles, pagkasara ko ng pinto ay napagawi siya ng tingin sa akin.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Good morning po sir." Bati ko bago tumuloy sa lamesa ko. Pagkaupo ko ay inayos ko ang aking mga gamit, napatingin ako sa harap ko nang may tumikhim. Pagtingin ko ay si sir pala.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ahm sir may kailangan po kayo? Coffee? Ay wait lang po." Akma akong tatayo nang may nilapag itong paper bag sa lamesa ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"For you."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Ano po yan sir?" Tanong ko at nang sinabi niyang tingnan ko raw ang loob ay ginawa ko ang sinabi niya. Pagbukas ko ay may nakita akong mga pagkain.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Para sa kin po ito? Bakit po sir?" Nagtataka kong tanong.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Peace offering, I'm sorry if I yelled at you yesterday, I didn't mean to."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Naku wala po 'yon sir alam ko naman pong mali ako kaya okey lang po 'yon." Saad ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"But I shouldn't have yelled at you."
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
"Wala po talaga iyon sir alam naman po nating boss kita at nagkamali ako kaya okey lang po talaga." Sabi ko at nginitian si sir, nginitian niya rin ako pabalik.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos ng usapan namin ay bumalik agad ako sa trabaho. Habang binabasa ang mga papeles ay hindi ko maiwasang mapangiti at mapalingon sa pwesto ni sir Thyron.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagdating ng lunch time ay hindi na ako bumaba dahil meron ako ditong pagkain na ibinigay sa akin ni sir.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Nilabas ko ang tatlong tupperware sa loob ng paper bag. Kinuha ko din ang kutsara at tinidor.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagbukas ko ng tatlong tupperware ay agad akong naglaway sa laman nito. Sinigang at chicken curry, ang dalawang paborito kong ulam. Kinuha ko ang isang tupperware na may lamang kanin. Kumuha ako ng kapirasong kanin at inilagay ito sa takip, nilagyan ko ng sabaw ng sinigang at curry ang kapirasong kanin na nakalagay sa takip ng tupperware at agad itong sinubo.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'Grabe napakasarap.' Sabi ko sa isip ko habang kumakain.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Masarap talaga siya as in yung pagkakaluto ng sinigang at curry grabe ang sarap talaga lalo na kapag pinaghalo pa ito. Iba talaga pag mayaman ka makakabili ka ng masasarap na pagkain.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
'San kayang restaurant niya toh binili at napakasarap.' Sabi ko sa isip ko.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Tamang tama yung binigay ni sir dahil ito ang dalawang favorite kong ulam.Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ito at hinugasan sa lababo. Hindi talaga ako maka get over na may sariling lababo at cr itong office na'to, grabe talaga ang laki at ang lawak dito. Iba talaga kapag may ari ka ng isang kompanya.
⠀⠀⠀ ⠀⠀⠀
Pagkatapos kong hugasan ay nilagay ko ito sa gilid at bumalik na ulit sa trabaho. Ako lang mag isa dito sa opisina dahil umalis si sir, may meeting siya ngayon doon sa quezon. Hindi niya na ako sinama dahil saglit lang daw naman iyon at may iba pa siyang pupuntahan.