CHAPTER 37

2.2K 25 0
                                        


This is the last chapter, thank you so much for being with me on this journey Blueis. -Blueinary

-----

LUMIPAS ang ilang linggo ay muling nang ligaw sa akin si Thyron at pumayag naman ako, papakipot paba ako?

Isang buwan lang ang lumipas ay sinagot ko na siya, papatagalin ko pa ba?

Halos araw araw ay dito na sa condo ko natutulog si Thyron. Magkatabi kaming matulog, minsan ay tumatabi sa amin si Aethan, gaya nalang ngayon.

"Mommy, daddy, pwede ba akong tumabi sa inyo." Nagmamakaawa niyang sabi at may bitbit na unan.

Nagkatinginan kami ni Thyron at sabay na napatawa.

"Sure" Sabay naming ani na ikinatuwa ni Aethan.

Lumundag siya sa kama at pumagitna ng higa sa amin.

"Mommy, can you read me a book?" Sabi niya at may kinuha na libro sa likod niya.

"Wow, boyscout laging handa." Sabi ko mahinang napatawa ng sumimangot siya.

Kinuha ko ang libro na hawak niya at binuklat iyon. Sinimulan ko na itong basahin, nang matapos ko nang basahin ang kwento ay sinara ko na ang libro at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na drawer sa tabi ko.

Pagtingin ko kay Aethan ay mahimbing na itong natutlog.

"How cute." Sabi ni Thyron at mahinang pinisil ang pisngi ni Aethan.

"Hoy ano ka ba, baka magising si Aethan. Sasakit ang ulo niyan." Bulong ko at sinaway si Thyron.

Tumingin sa gawi ko si Thyron at matagal akong pinagka titigan.

"Ano nanamang tingin 'yan." Nakakunot kong sabi kay Thyron.

"Why, is it bad to look at my wife?" Sabi niya at pinagkamulahan ako.

"Hindi ka panga nag popropose sa akin, asawa agad?" Tanong ko sa kanya.

"Doon rin pupunta 'yon."

"Naku, manahimik ka nanga matulog na tayo." Sabi ko at pumikit.

Sinusubukan kong matulog pero hindi ako makatulog.

"Prezil, are you still awake?" Tanong niya.

"Yes, tulog na'ko." Tanong ko habang naka pikit pa rin. Rinig kong napatawa siya.

"Maybe I love you that much because even though we broke up and haven't seen each other for a long time, mahal na mahal pa rin kita." Rinig kong sabi niya.

"Ang ganda ko kasi kaya hindi mo ako makalimutan." Nakapikit ko paring ani.

"Yes true, you are so beautiful." Napangiti ako sa sinabi niya.

MAAGA akong nagising dahil ngayon ang kasal nila Jamaica, naghanda muna ako ng agahan bago ko sila gisingin.

"Aethan, Thyron gising na. Handa na ang agahan." Sabi ko habang niyuyugyog sila.

Unang nagmulat si Aethan, umupo siya habang kinukusot niya ang mata niya.

"Hoy Thyron, gising na." Paggising ko sa kanya.

"Hmm..." Ungol niya.

"Gumising ka na at may pupuntahan tayong kasal ngayon." Sabi ko sa kanya.

Nakapikit siyang umupo.

"Sumunod na kayo sakin sa hapagkainan." Sabi ko at nag lakad na palabas ng kwarto.

Kumuha ako ng tatlong pinggan, kutsara at tinidor. Inilagay ko sa harap nila ang pinggan, kutsara at tinidor.

Kumuha ako ng fried rice at inilagay ito sa pinggan ni Aethan, binigyan ko rin siya ng isang hotdog at fried chicken.

"Ako, hindi mo rin ba ako paglalagyan." Sabi ni Thyron.

"May kamay ka?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, ofcourse." Mabilis niyang sagot.

"Edi mag sandok ka ng sarili mo."

"Ang aga aga inaaway mo ako." Nakasimangot niyang ani.

"Kaya nga, ang aga aga pero binibwisit mo'ko." Sabi ko at masama ko siyang tiningnan.

"Ano namang ginawa ko at bakit ka nabwiset?" Nakakunot naman niyang tanong

Hindi ko siya sinagot.

"I love you." Dagdag pa niya.

"Naku manahimik ka at kumain kana lang diyan." Sabi ko at pinipilit na hindi mapangiti.

Pagkatapos namin kumain ay sila na ang pinauna kong maligo at ako naman ay naghugas muna ng aming pinag kainan.

Paglabas nila sa banyo ay ako naman ang sunod na naligo.

Paglabas ko ng banyo ay kita kong nakabihis na sila kaya pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis narin.

Naka plain navy blue na dress ako na off shoulder, yun kasi ang theme color ng kasal nila.

Nagmake up ako ng kaonti at binlower ang buhok ko, pagkatapos ay inipit ko ng bridal style ang buhok ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto.

"Your so beautiful." Sabi ni Thyron ng makalapit ako sa kanya.

"Ang ganda talaga ni Mommy." Sabi naman ni Aethan.

"Alam ko na iyon matagal na." Sabi ko at niyaya na silang umalis, baka kasi malate kami sa simbahan.

Sakto lang ang pag dating namin sa simbahan dahil maya maya lang ay nagsimula na ang ceremony.

Si Aethan ang nag abot ng singsing kila Jamaica dahil siya ang ring bearer.

Maya maya lang ay narinig na namin ang sinabi ng pari na ikinaiyak namin sa tuwa.

"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Sabi ng pari at pagkatapos nilang mag kiss ay nagpalakpakan na kami.

Pagkatapos ng kasal ay pumunta na kami sa venue para kumain. Lumapit sa table namin ang mag asawa.

"Uyy congrats sa inyong dalawa." Bati ko sa kanila.

"Thankyou" Sabi naman ni Jamaica.

"Sabi ko na nga ba kayo ang magkakatuluyan." Sabi ko.

"Hoyy wala kang sinasabi." Sabi naman ni Carl kaya nakaltukan ko siya. "Sabi ko nga may sinabi ka.

Napatawa naman ako sa kanya.

"Carl, ingatan at alagaan mo 'tong kaibigan ko. Kung hindi naku lagot ka sa'kin." Sabi ko kay Carl at pinakita ang kamao ko.

"Opo master."

"Habaan mo ang pasensya mo ngayong mag asawa na kayo, alam mo naman itong si Jamaica topakin minsan." Sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni Jamaica.

"Anong minsan, sabihin mo araw araw 'yan tinotopak." Sabi naman ni Carl, nakurot tuloy siya ni Jamaica.

"Congratulations daddy Carl at ninang." Sabi ni Aethan at inabot sa kanila ang gift niya.

"Thank you bab-- I mean Aethan na big boy." Sabi ni Jamaica.

"Thank you Aethan." Sabi ni Carl at kinalong si Aethan.

"Congrats bro." Sabi ni Thyron na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Sa susunod kayo naman ang ikakasal niyan." Sabi ni Jamaica.

"Manahimik ka nga diyan." Sabi ko at kinurot siya.

"Bro, alagaan mo itong si Prezilla. 'Wag mo na ulit itong papaiyakin, naku pag ginawa mo iyon hinding hindi mo na sila malalapitan." Seryosong sabi ni Carl.

"Pangako, hinding hindi na siya iiyak dahil sa'kin." Sabi ni Thyron na ikina ngiti ko.

⠀ ⠀⠀⠀

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon