CHAPTER 36

1K 21 0
                                    

HABANG naglilinis ng condo ay narinig kong may nag door bell, bago buksan ang pinto ay pinunasan ko muna ang pawis ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si tita at kasama si Throne.

"Kayo po pala tita, napadalaw po kayo?" Tanong ko at niluwagan ang pagbukas ng pinto.

"Eto kasing si Throne gustong pumunta dito para maglaro raw sila ni Aethan."

"Pasok po kayo." Sabi ko at pinapasok sila.

Isasara ko na sana ang pintuan ng may kamay na biglang humarang.

Binuksan ko ulit ang pinto at tiningnan kung kaninong kamay ito. Pagbukas ko ay nagulat ako ng makita ko si Thyron.

"Hi Prezilla." Nakangiti niyang bati.

"Bakit ka nandito, paano mo nalamang dito ako nakatira."

Hindi ko pa rin makalimutan na may nangyari sa amin ni Thyron nung nakaraan, doon ko rin nalaman na siya pala ang naka one night stand ko noon. Nahihiya akong makausap at makaharap siya.

"Kasama ko siya iha." Sabi ni tita na ikinagulat ko.

"Tita, bakit niyo naman po siya sinama." Mahina kong ani, baka kasi marinig kami ni Aethan at makita niya ang tatay niya.

"Wala akong magagawa, makulit itong anak ko at nagpumilit na sumama." Sabi ni tita.

"Gusto kong makita ang anak ko." Sabi niya at nagpupumilit na pumasok kaya hinaharangan ko siya.

"Alam ba ng asawa mo na nandito ka? Baka sugurin ako ng asawa mo dito." Sabi ko at kita ko siyang kumunot.

"Asawa? I don't have a wife unless you want to be my wife."

"Naku, lumang linyahan na 'yan. May anak ka nga tapos wala kang asawa, nagpapatawa ka ba?"

Malakas siya kaya nagawa niyang makapasok sa loob. Nataranta ako dahil baka makita siya ni Aethan.

"Lumabas ka nga, baka makita ka ni Aethan." Sabi ko at pilit siya na tinataboy.

Dahil sa matigas ang ulo niya ay hindi niya ako sinunod at umupo sa sofa.

"Oo may anak nga ako."

Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niya.

Oh diba inamin niya rin.

Alam ko na naman, pero mas masakit pala kapag naggaling pala mismo sa bibig niya ang mga salitang iyon.

"May anak sayo." Agap niya.

Narinig ko naman si tita na kinikilig sa may gilid.

"May anak ka sa akin, pero may anak ka rin sa asawa mo."

"Kanina ko pa iyan naririnig sa iyo, sino ba nagsabi sa iyo na may asawa at anak ako. Yari talaga 'yon sa akin at nagkakalat ng fake news." Sabi niya at nag dekwatro.

"Sabi ni tita." Sabi ko at tinuro ang mommy ni Thyron.

"Mommy" Sabi ni Thyron at tumingin sa mommy niya.

"Wala akong sinasabi ng ganyan." Pagtatanggi ni tita.

"Sabi mo anak niya si Throne." Sabi ko at kita kong napatawa si Thyron at si tita.

Napakunot akong tumingin sa kanila.

"Bakit naman kayo tumatawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong ko.

"Ang sabi ko ay oo kadugo ni Throne si Thyron, pero wala akong sinasabi na mag ama sila." Sabi ni tita na ikinalito ko.

"Huh? Kala ko..." Sabi ko at nalilitong tumingin kay Thyron.

One Night Mistake (Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon