Tadhana?
Isang salita, pitong letra, pero mahirap talunin.
Lahat daw ng bagay ay nangyayari dahil ito ang nakatadhana. Nakalakip na sa mga linya sa palad mo ang lahat at ang kailangan mo na lang gawin ay makipaglaro.
Mapaglaro ang tadhana. Minsan akala mo nananalo ka na, hindi pa pala.
Matatagpuan mo ang sariling natatalo sa isang kalabang hindi mo makita; sa isang labang hindi mo alam kung saan papunta.
Fate is deceiving and tricky. I cannot choose the game to play but I have the right to every move I'll make.
I have to choose my battle as I cannot win two at a time.
I have to know what to drop and know what to fight for.
Bawat laban, dapat sigurado.
Bawat desisyon, dapat sala.
Bawat yapak, dapat planado.
Dahil sa isang maling galaw, maaari kang matalo.
Pero . . . Mayroong mga larong nakita ko na at alam ko nang matatalo ako simula umpisa, pinili ko pa ring laruin.
And just like any loss, it hurt. But what else can I do? I cannot win all the games. Kaya ko lang sumubok nang sumubok-with the hope that someday, I'll win.
I didn't regret playing, but I regret losing us-the only game I couldn't win.
"Adiós por ahora, mi amor."
Nasaksihan ko ang pagpapaalam ng ina sa anak bago ito magtungo sa trabaho. Ganito magsimula ang umaga sa El Dorado. Araw-araw.
The clouds are moving swiftly.
The leaves of trees are dancing with the gentle wind.
The buses are on their way to their designated destinations.
The horses and carriages are roaming around Paraiso street, and the people are doing their jobs as usual.
Malamig na ang mga gabi nitong mga nagdaang araw; katulad ngayon. Taliwas sa init ng pagbati ng abalang kalye ng El Dorado kung saan parating may ginagawa ang mga tao. Kahit saan ka tumingin, gumagalaw ang mga bagay-as if they are telling me that all things are meant to move forward . . .
Kaya dapat ako rin.
All things are moving but one thing is constant and still, the ruins. Ang mga matatayog at malalaking arkitektong iniwan ng mga Espanyol, luma at may sira na siyang sumisimbolo sa siyudad.
El Dorado, the city of ruins. The city reminds me that there's beauty in brokenness. And that there's hope . . . everywhere.
Pero hindi dahil nagsimula nang maganda ang araw, magtatapos itong magada. Kawangis ng mga kuwento. Mayroong puno ng tuwa sa umpisa, pero gawa sa luha ang huling pahina.
"Lumayas na lang kayo!"
I pulled the brake lever of the bicycle a bit far from our house. Malayo pa lang kasi ay may naririnig na akong sumisigaw. Nakilala ng mga tainga ko ang iyak ng isang babae.
"Puro ka dahilan, Amor! Ilang buwan ko nang naririnig 'yang paulit-ulit mong dahilan! Malapit ko nang makabisado!"
"Pasensya na, Mila. Wala lang talaga gaanong labada nitong mga nakaraang linggo. Kulang pa ang kinikita ko para sa amin."
Dinaga ang dibdib ko nang makumpirma ang boses ni Mama. Ipinarada ko muna ang bike sa tapat ng ibang bahay at naglakad pauwi na kunot ang noo.
"Pareho lang tayong nagtatrabaho para may makain, Amor! Renta na lang ang pinagkakakitaan ko at ang bumubuhay sa apat kong anak."
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...