Chapter 12

148K 4.3K 5.8K
                                    

I kept suppressing my laugh every time I will see Suarez's face. Himala at pumayag siyang ilagay ang spider man band-aid sa labi niya. Iyon lang ang dala ko kaya wala siyang nagawa.

Siya lang ata ang mayaman na walang band-aid. May mansiyon, may pool, may kotse, may sabak sa ulo, pero walang band-aid.

"I know you are laughing at me internally," aniya habang inaayos ang net sa gitna ng damuhan.

Nandito kami sa garden na matatagpuan sa likuran ng mansiyon nila. May mga dartboard sa gilid at may mga oche—iyong mga linya kung saan dapat tumayo ang maghahagis ng darts—sa kabilang gilid. Sa gitna ay inaayos ni Suarez ang net na gagamitin namin.

"Paano mo nasabi? Mind reader ka ba?" I asked.

Pinaupo niya lang ako sa isang tabi. Sa takot na baka may masira pa ako ay sumunod na lang. I may not be aware but their plants might cost millions. Puwedeng galing sa tree of life ang mga dahon ng mga ito.

"It's obvious on your face."

"Ah. I thought it's because you know you're a big joke," I said which became the reason for his glare.

"We just agreed not to argue during trainings," paalala niya sa napag-usapan namin kanina.

Hindi pa kami nag-usap nang matino. Palaisipan pa rin sa akin kung anong masamang espiritu ang sumapi sa katawan ko at pumayag akong mapaturo sa kaniya.

I do have reasons but did I forget that this man is a school rival? Or did I intentionally set that aside because I want this?—No, of course. I'm doing this for academic purposes. Basta! Para sa sepak.

"Did you eat?" Nagawa niya na akong tignan sa mukha dahil tapos na siya sa ginagawa.

Nagkape naman ako kaninang maga. Hindi na ako nakapagtanghalian dahil pagkatapos naming makaubos ng puto sa palengke kanina ay nagmadali na akong pumunta rito, pero hindi ko sasabihin na iyon lang ang kinonsuma ko.

"Oo," tipid kong sagot.

"You're lying," he concluded, hands were on the waist, and his head was shaking.

"Nagtanong ka pa. Hindi ka naman pala maniniwala." I rolled my eyes.

"I just asked to see if you will lie. I heard your stomach growl just a minute ago."

Nahawakan ko ang tiyan ko dahil sa sinabi niya.

"Guni-guni mo lang 'yon."

Hinubad niya ang gloves sa kamay at ipinatong iyon sa lamesan nasa gilid ko lang. "Give me a minute. I'll get you something to eat."

I pierced my confused eyes at him, but before I could conclude anything, he added new words to his previous.

"I don't want to be blamed if you pass out."

Okay. He's concerned about himself, not me.

He went back inside their mansion. Nanatili akong nakaupo sa isang babasaging upuan; ang mga mata ko lamang ang tanging naglakbay sa paligid. Their garden is well-ventilated. It might be because it's already noon that the ambiance feels orangey as the place gets enough sunlight from the scorching sun but is not too much to burn the skin. It was thanks to a few banaba trees on the sides.

Ganito pala ang pakiramdam maging mayaman. You can enjoy a peaceful space; a relaxing place. I'll remember this feeling and will work hard for my mother to feel this every day.

"Ano 'yan?" Hindi pa nakakalapit si Suarez sa akin ay umalma na ako. Na-offend ako nang makitang isang baso ng gatas ang laman ng food tray na dala niya. May prutas pero gatas?

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon