Chapter 10

163K 4.8K 3.4K
                                    

I don't have to do that. But for some reason, I know I needed to.

Hindi ako mabait, malayo ako sa pagiging santo o anghel. Pero katulad ng marami, I'm trying my best to be kinder. Wala akong ideya kung anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya sa susunod na magkita kami, pero walang mali sa ginawa ko—weird lang siguro isipin sahil parati kaming nagtatalo.

A piece of change sometimes can be scary, but it will never be wrong. Hindi ko rin naman pinagsisisihan na sinamahan ko siya kahapon. I found myself in his shoes a lot of times and all I needed was someone who'll stay even if I try so hard to push them away.

Last time, I became that someone to him.

"Saan ang lakad mo ngayon, nak? Akala ko ba ay wala kayong pasok ngayon dahil Holiday?" si Mama na nag-aayos na rin. Ibinubutones niya ang puti niyang blouse.

"Pupunta ako kila Caela, Ma. Gagawa kami ng assignments. Nagpapatulong din sila sa research nila." Itinali ko ang buhok ko, mahigpit at mataas katulad ng parati kong ginagawa.

"Akala ko may kinuha ka na namang trabaho." I sensed relief in her voice. "Tama 'yan. Mag-bonding din kayo ni Caela paminsan-minsan para hindi puro libro at ballpen ang kaharap niyo."

Mahina akong natawa. "Gagawa nga kami ng assignments, Ma. Iyon ang bonding namin. Ballpen at papel pa rin ang kaharap."

"Ewan ko sa inyong mga bata kayo. Kayo lang ata ang hindi gala sa mga ka-edad niyo. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano." Ginamit ni Mama ang hair clamp ko para tipunin ang buhok. "Sabi ko nga sa 'yo, kahit 75 lang, okay na sa akin. Pasado na 'yon."

"Ang pangit ng TOR ko kapag gano'n, Ma. Alam mo namang ginagawa ko ang best ko para sa 'yo, 'di ba? Darating ang araw, hindi ka na mamaliitin ng mga tsismosang nagkalat kung saan-saan."

Mahinhin siyang ngumiti. "Sige na nga. Hindi na ako makikipagtalo sa 'yo. Basta kay Mama, okay lang kahit anong marka. Alam kong kahit ano ang kahinatnan ng mga bagay na ginagawa mo, ginawa mo ang best mo."

"Ano ba ang meron sa Biyernes?" I chuckled.

"Ewan ko nga ba." Tumawa siya bago humarap sa salamin. Nagpupulbos ako ng mukha nang may hilingin siya. "Nak, make-up-an mo naman ako."

My forehead knotted before my eyes could land on her.

"Hindi ba at Beauty Care ang kinuha mo noong grade nine ka?"

Oo, pero limot ko na halos lahat ng mga skills na tinuro sa amin noon. I still know how to do make-up pero my skills won't land on three stars rating.

"Hindi ako magaling mag-make-up," tanggi ko. "Magiging espasol ka kapag pinahawak mo 'yang mukha mo sa kin."

"Ayos lang sa akin. Sige na."

Nagkamot ako ng ulo. "Hindi nga ako magaling, Ma. Sa halip na gumanda ka, papangit ka pa."

She gave me a side glance. "Sige na nga, huwag na."

"Maganda ka naman kahit walang make-up," ani ko.

"Ay, sus. Bolera."

Maganda si Mama. Pero hindi iyon kayang sabihin ng salamin na hindi kilala kung sino siya.

May dadaluhang kasal si Mama ngayong umaga pero may labada pa rin siya pagkatapos. Pareho kaming wala sa bahay maghapon kaya hindi na siya nag-abalang magluto ng tanghalian ko. Sabay kaming umalis dahil pareho lang ang direksiyon na tatahakin namin.

"Kumapit ka, Ma," bilin ko nang matanaw ang isang kaldag sa kalsada.

"Dapat ganito ka lang kabagal magpatakbo para iwas aksidente," aniya.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon