"Ang sexy mo pala, Ammy."
Tumalim ang tingin ko kay Garcia. Inagahan ko na nga ang gising ko para ako ang maunang dumating rito, ngunit naunahan niya pa rin ako.
"Ito naman ang sungit," ani lalaki. "Genuine compliment naman 'yon. Ngayon lang kasi kita nakitang magsuot ng highwaist pants na fitted pa. Kung hindi kasi palda o jogging pants, maluwag na pantalon ang suot mo."
I glanced at my whole being. Nakasuot ako ng puting shirt at maong na pantalon. Wala na akong ibang damit kaya ito ang nahitak ko kanina sa kabinet. Ayoko magsuot ng fitted dahil malaki ang nga hita ko. It's hard to find perfect jeans. Madalas sakto sa hita, pero maluwag naman sa bewang.
Ito na nga lang ang isinuot ko para walang masabi ang iba, napuri pa. I hate compliments not because I don't want them. It is solely because I don't know how to respond.
"Bakit ba ang aga mo rito? Ayos lang daw ma-late."
"Tignan mo 'to. Kapag late ako, binibigyan mo 'ko ng tardy slip. Kapag maaga ako pumasok, tatanungin mo 'ko kung bakit maaga ako."
Kasabay ng pagbaba ko ng bag sa upuan ang pag-irap ko. Ipinatong ko ang malaking paper bag sa desk. "Itaon mo ang aga ng pasok mo. Kapag may program ka magpa-late. Kapag wala, agahan mo."
Tumawa siya. "Ano ba ang dahilan at galit kang maaga akong pumasok ngayon, Pres?"
"Wala." Lalaki naman siya. Ayos lang siguro kahit malaman niya ang gagawin ko. Inilabas ko na ang mga zinnia mula sa paper bag para maikalat sa mga upuan.
"Flowers for the girls?" he asked.
"Oo. Itikom mo 'yang bibig mo. Walang makakalam na sa akin galing, maliwanag ba?"
He chuckled. "Nakakatakot ka talaga, Pres. Pero infairness ang bait mo. Medyo KJ ka lang sa white shirt na suot mo ngayon."
May color chart kasi na ipinost ang SSC president sa page ng school. Kapag in love ka or in a relationship, red. Kapag single ka, gray. Green para sa mga complicated ang status. Ang asul naman ay para sa mga broken-hearted. Marami pang iba. Nakalimutan ko na lang. Basta ang alam ko, walang white do'n.
"E, 'di, Congrats. In love ka." Nakasuot siya ng pula ngayon.
"Tulungan na kita sa pagkakalat ng flowers. Baka may pumasok na," aniya.
Tatanggi pa sana ako pero baka nga may pumasok na at makita pa kami kaya hinayaan ko siya. Sinadya kong hindi magdala sa Delancy ng mga bulaklak para may maibigay sa mga babae ngayon. I also wrote a letter—for appreciation lang. In case walang magbigay sa kanila.
Habang naglalagay kami ng mga bulaklak sa desks ay nagsalita si Garcia.
"Mabait ka pala minsan, Pres. Kahit madalas masungit ka."
"Hindi ako mabait." Ayokong isipin niya na mabait ako dahil lang dito.
"Humble naman niyan," biro niya.
Isa si Garcia sa mga kaklase kong hindi ko gaano nakakausap. Isa rin siya sa mga pasaway.
"Matalino, mabait minsan at humble pa. Saan ka pa." Mahina siyang tumawa. "Deserve mo talaga maging Valedictorian, Pres."
Sumulyap ako sa kaniya.
"Mas karapatdapat ka talaga sa puwesto na 'yon kaysa kay Rad."
Sandali akong nahinto sa ginagawa nang marinig ang pangalan ni Rad.
"Mayaman lang naman 'yon, e. Kakilala ng mga magulang niya ang Dean at maraming teachers dito kaya madaling nakapasok kahit late enrollee. Baka nga dinodoktor lang ng mga teacher ang grades no'n. O kaya binibigyan ng answer sheets before exam kaya palaging perfect." Humagikgik siya at sumyulyap sa akin. "Nabalitaan mo ba?"
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...