"Pati ito dadalhin mo?" Itinaas ko ang kupas na damit ni Caela. Pula 'yon ngunit dahil sa kalumaan ay naging kalimbahin na. May mga butas na rin at tastas na.
Inagaw niya sa akin ang damit at niyakap na animo'y pinoprotektahan niya ito. "Oo. Favorite ko kaya 'to." Ngumuso siya. "Alam kong hinuhusgahan mo na ang damit ko sa isip mo. Huwag mo na sabihin."
"Mukha nang basahan, Caela."
She glared at me. "Sabi ko, huwag mo na sabihin." Lumakas ang boses niya. "Ikaw kaya may bigay nito." Tinitigan niya 'yon, dahilan ng pagtubo ng ngiti sa labi niya. Ilang segundo lang ang binilang ay lumago iyon.
"Favorite ko 'to. Kasi, 'di ba. Nag-ipon ka pa sa alkansiya mo. Iyong bote ng polbo na wala nang laman tapos, nilagyan mo ng hiwa sa katawan? Saka una natin 'tong exchange gift kaya special to sa 'kin."
"Sa 99 shop ko lang 'yan binili. Huwag mo na dalhin, bibigyan na lang kita ng bago kung gusto mo."
Hinigpitan niya ang yakap sa damit para hindi ko makuha. "Hindi ko naman 'to isusuot sa labas. Pambahay lang, pantulog. May sentimental value 'to sa 'kin, no."
Sabagay, iyon lang ata kasi ang ibinigay ko sa kaniya sa loob ng mahigit isang dekada naming pagkakaibigan.
"Magtupi ka na lang diyan. Huwag ka magtatago ng mga gamit ko, ha," nakanguso niyang sabi bago isiniksik sa maleta ang damit na butas-butas.
Tinutulungan ko si Caela na mag-empake. Sa dami ng damit niya, parang mas maganda pa kung dalhin na lang niya ang cabinet—gano'n din naman dahil malaki ang maleta niya.
Hindi niya raw kaya itupi lahat. Hinuha ko ay pinapunta niya lang ako para magkita pa kami. Nagpaalamanan na kami kanina pa. Umiyak na siya, umiyak na 'ko. Nagsayang lang pala kami ng luha.
"Basta, Ammy, nangako ka sa 'kin na tatawag ka kapag 'di ka busy. At kahit malayo tayo, magbabalitaan pa rin tayo sa nangyayari sa buhay natin." She brought it up again. Napag-usapan na namin to kanina.
"Oo."
"Balitaan mo ako tungkol sa therapy ni Mama Amor. I-update mo ako kapag may sanggol ka na ulit o kaya kung may bumalik ba—Ah, basta. Magkuwento ka sa 'kin, ha." Her lips rounded as she wraped her hands around my arm.
"Oo nga."
"Magpapadala ako tuwing bibigyan ako ni Papa ng allowance para mayroon ka rin. Hati tayo. Malaki naman magbigay si Papa. Hindi tulad ni Mama na kuripot."
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Huwag na, Caela. Para saan pa at tinanggap ko ang alok ni Talitha? Kasama sa napag-usapan namin ang allowance ko. Sagot niya lahat kaya huwag mo na ako isipin."
"Sigurado ka ba sa Talitha na 'yan?"
Umiling ako. "Wala na atang sigurado sa buhay ko. Sasabay na lang siguro ako sa alon. Kapag nanlaban ako, baka malunod pa ako sa desperasyon."
She pouted.
I shook my head and continued organizing her stuff. May malaking kahon siyang dadalhin. Inisip kong ilipat sa mas maliit para hind gaanong kumain ng espasyo sa maleta niya pero nang tignan ko iyon ay punong-puno.
"Bigay mo lahat 'yan." Sinagot niya ang tanong sa isip ko.
I didn't realize I gave her this much stuff. Puro abubot lang naman at lahat ay mura lang. Iyong paper doll na ako mismo ang nag-drawing sa folder, kinulayan at ginupit bago gawan ng damit na papel din. Malaki na ang piso o dos pesos noon, kaya sa halip na bumili, gumawa na lang ako.
Nasa kahon rin ang bracelet na tigsasampung piso. Iyong gawa sa nylon strings at may sulat na pangalan niya gamit ang kolorote sa kuko—iyong dos pesos na bulaklak na gawa sa foam at plastic, at kung ano-ano pa. She kept all of them.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...