Chapter 28

101K 2.7K 1.3K
                                    

"Hala! Ang baba ni Ammy."

"Huwag kang kabahan sa scores ng iba. Nasa unang page pa lang tayo, hanapin mo pangalan natin."

"Paano na-perfect ni Rad?"

"Grabe! Wala siya kahit isang mali? Para akong nag-take ng BAR sa hirap."

"Oo nga. Marami rin sa items ang hindi nai-discuss."

"Ano 'yon? Nabasa niya lahat?"

Wala akong plano silipin ang resulta ngunit pagpasok ko ay nagkukumpulan ang mga estudiyante sa school board. Lumabas na ang scores namin sa finals examination.

Without seeing it, I already know that Rad got a perfect score and I am hanging below him with 75 points difference.

My teeth gritted as I felt my hands shake once again. I've been dealing with this for two nights and I can't control it like how I do with my emotions. Pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Rad, hindi pa ulit kami nagkikita. It was because I didn't go to school yesterday, feeling guilty about what I felt and said to him last time.

Si Rad 'yon, e. Mahal ko ang lalaking 'yon. I should not wish him to fail. I should not hope for him to lose. Hindi dapat ako naiinggit o naiinis sa kaniya ngayon. Fuck my egoistic self.

"Ammy, ang galing natin, pasado tayo," si Caela na naglalakad kasama si Villareal sa likuran ko. "Nakaraos na tayo, Ammy. Sure na sa graduation."

She kept mumbling things to console me but I had my vision straight on the building we were heading to. Wala akong gustong gawin kung hindi marating ang kuwarto namin at dumukdok. I am anxious as hell.

"Ang daming bumagsak at mabababa ang scores, baka magpa-special exam, no?"

"The school must. If they won't do something about it, I will write a petition. Back me up."

"I got your back, your head, shoulder, toe, and knees."

Hindi ko pinansin ang pinagsasabi ng dalawa kahit alam kong nilalakasan nila ang pag-uusap para sa akin. When I reached the room, I took my seat and rested my face beneath my folded arms.

Pumikit ako sa pagnanasang matahimik kahit ang isip pero maingay ang paligid. Resulta pa rin ang pinag-uusapan nila.

"Sobra naman ata ang galing ni Rad para masagot ng tama lahat ng items."

"Totoo. Kahit pa sabihin mong nag-review siya nang sobra, iyong ibang items talaga wala sa topics natin."

"Parang galing sa ibang dimensiyon ang mga tanong."

"Pero magaling naman kasi talaga si Suarez."

"Malay mo sumakto na tama ang hula niya sa mga BAR-like questions."

"Ang dami no'n. Lahat natisambahan niya?"

"Huwag niyo na problemahin 'yan. Ang mahalaga nakapasa tayo."

I wished I could feel the same way as they feel. Nakapasa naman ako pero pakiramdam ko ay natalo ako. Tangina. Nandito na naman ako. Of all the phase I've been through, I hate this phase the most.

"What if nandaya si Rad?"

"Oo nga, no? Hindi imposible. I mean, may koneksiyon pamilya niya sa school. Paano kung binigay na sa kaniya mga sagot beforehand?"

"Hindi ba? Kung iiisipin mo, parang magic naman kung tsamba lang na nasagutan niya iyong mga mahihirap na tanong."

Palihim na kumuyom ang mga kamao ko sa naririnig. They are accusing Rad of cheating and I hate that they are making sense to me—pero hindi. Hindi niya magagawang mandaya.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon