"Anong nararamdaman mo?"
Inilapat ng mga nurse si Rad kanina sa kabilang kuwarto. Halatang kagigising niya lang at ako ang unang pinuntahan.
"I should be the one asking you that." He held his nape.
"Mas mukha ka pang nanganak kaysa sa akin." I beamed. Parang pugad ng manok ang buhok niya.
He walked closer. Hinitak niya ang upuan sa tabi ng kama at umupo ro'n. Then he surveyed me. Huminto ang mga mata niya sa tiyan ko. Sinalat niya 'yon. Natatawa ay marahan kong hinampas ang likuran ng palad niya.
"Wala na diyan."
"I know," bawi niya sa kamay. "You deflated like a balloon."
"Thank you. Ang gandang complinent no'n, Mr. Suarez."
"I'm sorry." His gaze lightened in a bat of an eye. He took my hand and enveloped it in between his two palms. "I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry."
"Bakit ka na nagso-sorry? Sorry dahil nabuntis mo 'ko. Parang hindi ko ginusto, ha."
"I'm sorry I fainted. I wasn't a help." He kisses my hands.
Binawi ko ang kamay sa kaniya. "Kinaya ko naman."
"It must've hurt a lot," he said. Nakita niya ata kung paanong lumabas si Denyse sa kaselanan ko. Poor him, he looks traumatized.
"Kaya ko pa ulitin ng tatlong beses."
Napatuwid siya ng upo. He shook his head vigorously. "I'm okay with one child."
Natawa ako. Sabi niya kasi tatlong anak ang gusto niya, biglang nagbago. "Have you seen her?" I asked.
"Not yet. I'm nervous."
"Bakit ka naman kakabahan? Anak mo 'yon." My tongue clicked. "Kamukha ko."
"Really?" His tone elevated. "Should I get her?"
"Let's ask the nurse for assistance."
Sakto dahil may pumasok na nurse para i-check ako. Kinuha niya si Denyse mula sa hospital nursery. Napatayo si Rad nang makabalik na ang nurse at kalong na ang anak namin. The nurse was about to give it to him but he didn't know how to receive her.
Hindi niya malaman kung saan ipupuwesto ang kamay at mga braso. He literally learned it while I was pregnant. Kinakabahan siya kaya ganiyan.
"Am I—Am I holding her right?" tanong niya sa nurse pagkatapos maiabot si Denyse sa kaniya.
"Yes, Sir. Huwag na huwag po natin pababayaan ang ulo, Sir, ha," pagkabilin-bilin ng babae.
Hindi na ito nasagot ni Rad. Paglapat kasi ng mga mata niya sa sanggol ay hindi na niya maialis ang tingin. I smiled at the view of a mesmerized man. Kumukurap naman siya pero ayaw lisanin ng paningin niya ang mukha ni Denyse. The funny thing is, he's wearing a poker face.
"This was my sperm?" He looked at me to ask that.
Pambihira namang tanong 'yan.
"Ammy, I made this." Itinuro niya si Denyse at naglakad papalapit sa akin. Kung makapagsabi naman siya ng I made this parang siya lang ang mag-isang gumawa.
Umupo siya sa gilid ng kama ko nang makaayos din ako ng upo para pareho naming makita si Denyse. She's too small on her father's arms. Kahit isang braso lang ni Rad ay secured na siya.

BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...