"How about your diploma?"
Ang diploma na hindi ko pa nahahawakan, malamang kung nakikita niya ako ngayon na hawak ang kamay ng lalaking kasabay maglakad ay umirap na ito.
"Puwede ko naman maabot 'yon nang kasama ka. Sa kanang kamay, diploma. Sa kaliwa . . ." Itinaas ko ang mga kamay naming magkahawak. "Kamay mo. Para saan pa at dalawa ang kamay ko?" Umikot ang mga mata ko.
Mahina siyang tumawa at ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng hoodie niya. Maulan ngayong buwan kaya madalas ay malamig tuwing umaga. Since last week, we go to school before six so we can freely have time with each other without being caught. Nakakahiya naman kasi kay Caela na sinusundo ni Villareal pero napipilitang tumanggi dahil wala akong kasabay.
Galing kami sa bahay. Nagtaxi siya papunta ro'n at dahil maaga pa, naisipan naming maglakad na lang. We said different reasons to why walk, pero alam kong iisa lang ang totoong dahilan namin, para mas matagal kaming magkasama.
Para akong may boyfriend na artista. Non-shiwbiz girlfriend pa ang ganap ko ngayon.
"Hindi ka ba napapagod maglakad? Kung gamitin mo kaya ang kotse mo?"
He crunched his nose. "I rather walk with my girlfriend. Besides, walking helps us maintain a healthy weight and lose unnecessary and excess fats. It prevents life-threatening conditions such as heart disease, stroke, high blood pressure, cancer, and type 2 diabetes. It improves our—"
"Oo na, Suarez." Marahan kong tinapik ang pisngi niya gamit ang kabilang kamay. Inaasar niya na naman ako.
"What? It's your boyfriend's daily trivia," natatawa niyang saad.
"Hindi ka talaga titigil sa pag-e-emphasize ng term na boyfriend?"
"Why not? I'm your boyfriend." He loomed his face closer to mine to tease me before pinching my cheek.
Pambihira! Mahuhulog siguro ang panga ng mga taong makikita sa bersiyon na 'to ni Rad. Wala sa hitsura niya ang maging makulit at clingy. Ang pagiging mapang-asar niya mana pa, halata naman. Mukha kasi talaga siyang gago sa unang tingin. Basagulero ba.
"Dito na tayo huminto. Maaga pa, pero mabuti na ang sigurado. May mga estudiyante pa rin na inuunahan pa ang guard sa pagpasok."
Narating na namin ang huling waiting shed bago ang school. Huminto na kami dahil dito kami maghihiwalay.
"We'll see each other at the meeting place later before work?" He caressed my cheek.
Tumango ako. "Dating gawi. Kapag nauna ka, hintayin mo ako. Dadating naman ako, as long as wala kang mensahe na natatanggap mula sa 'kin."
"Copy, boss."
Hinawakan ko ang strap ng bag ko na kasalukuyang nakasukbit sa balikat niya. It was my way of asking him to give it back to me.
"Mauna ka na. Susunod ako after five minutes."
"Why me?"
"Eh, kung dumaan ka pa sa babae mo mamaya?"
He frowned. "Cheeky girlfriend."
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko dahil ayaw niya pa rin ibigay. "Akin na na."
"I love you."
"Hmm," I nodded. "Thank you."
"What? I don't accept thank you's, Ms. Videl." His voice was drop-dead cold. Animo'y nakagawa ako ng krimen.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...