Chapter 35

121K 3.6K 5.4K
                                    

"Danielle Conrad Suarez at Anastacia Lopez engaged na.

"After a year of being in a relationship, the only son of Talitha and Donato Suarez publicly proposed to his girlfriend. Matatandaan na sa mismong araw ng pagtatapos ng magkasintahan noong nakaraang taon ay kinumpirma nila ang kanilang relasyon. Anila, wala na raw dapat patagalin pa, dahil naniniwala silang sa hinaba-haba nga ng prosisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

"The couple said they are ready to proceed to the next chapter of their lives—together."

Timing na timing ang pasok ko sa station, iyon pa talaga ang naabutan ko. Matutuwa ba ako na hindi krimen o masamang balita ang natiyempuhan?

Isang taon na sila. The last image of Rad I saw was him kissing Lopez. He is moving along with life and here I am, still stuck in the past we had.

Gusto kong magreklamo at kuwestiyunin ang mga desisyon niya, ang mga ginagawa niya. Pero ako naman ang gumawa ng desisyon noon. Ako naman ang may kasalanan.

Umalis ako sa live taping ng The Peak dahil wala naman doon si Mrs. Geronimo, director at producer ng Lost Pages: tinanggap kong proyekto last year. It's a documentary show that covers different stories; a collaboration between me and my co-broadcast journalists.

I suggested the name of the show. I thought it'll be a hook since we are covering stories that are mostly forgotten—most people don't know exist. Kung libro ang buong mundo, kuwento ng mga taong nakakapanayam namin ang nga nawawalang pahina. At trabaho namin na ipaalam ang mga ito sa marami.

"Mrs. Geronimo."

Papunta ang direktor sa live taping kaya hinuha ko ay nagkasalisi kami. Kaaalis niya lang siguro nang pumarito ako.

"Wala ka sa cubicle mo, pinuntahan kita. Hinanap mo ba ako sa loob?"

I nodded. "I thought you were inside." I paused. "Ano po ang pag-uusapan natin?"

"The documentary on the Kagu tribe will be aired tonight. I just want to remind you to post a peek on our page."

"Iyon nga po ang ginagawa ko ngayon. Don't worry, Mrs. Geronimo. Hindi pa ako makakalimutin."

Mahina siyang natawa. "Well, you are busy these days. That's why I am worried—anyway, we have a new story to cover this week. Thursday, sa kapatagan."

"Pahinga tayo sa bundok ngayon?"

"Sa kapatagan sa pagitan ng dalawang bundok," paglilinaw niya.

"Sabi ko na." Kailangan ko ng mahabang tulog sa Miyerkules.

"As usual, reserve a whole pack of energy. Linggo-linggo tayong hiker, alam mo 'yan." I nodded. "These are the information about the people in Baryo Lunti." Inabot niya sa akin ang mga papel.

I scanned the text while she remained in front of me. Mga mamamayan na gumagawa ng basahan ang pupuntahan namin.

"I will read these after I publish the post about Kagu tribe today, Mrs. Geronimo. May iba pa po bang impormasyon na makikita online?"

She shook her head. "Their story is indeed a lost page."

"I see. I'll read these and we'll know the rest on Thursday."

"Huwag mo kalimutan magpahinga."

Tumango ako sa papalayo ng babae. Binabasa ko ang dalawang pahina ng papel habang pabalik sa working space ko.

Sa trabahong pinasok ko, hindi sapat ang malakas lang na katawan. Kailangan ng matibay na sikmura at puso, kailangan ng empatya at pang-unawa. I have to talk less about myself and talk more about others.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon